Isang buwan na simula nung gabing iyon, at masasabi ko na hindi na kami nag aaway. Nag aaway naman pero sa maliliit na bagay nga lang.Until now ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang estado ng relasyon namin, mag kasintahan na ba kami o hindi. Ayoko itanong sakanya dahil baka sabihin niya na huwag ako umasa. Masakit kaya umasa kaya lulubusin ko na lang muna siguro ang mayroon kami.
Baka kasi panandalian lang.
Nag aayos ako ngayon dahil may pasok pa ako. Sa tagal naming mag kakakilala nila Noah ay kilala na namin ang isa't isa, ang swerte ko dahil sila ang naging kaibigan ko. Mabait sila sa 'kin lalo na si Noah kaya malaki ang papasalamat ko sakanya dahil siya ang sandalan ko pag nag aaway kami ni Damon.
Hindi ko ginugulo si Nicole dahil baka makaistorbo ako sakanila ni Franco. Si Noah kasi ay wala naman girlfriend iyon kaya okay lang sakanya na guluhin ko siya. Siya rin naman kasi nag sabi non.
Natapos ako mag ayos ng sarili ko at bumaba na ako. Pag baba ko naabutan ko si Damon na kausap si Jacob at mukhang seryoso ang pinag uusapan nila.
"Nahanap mo na ba ang pinapahanap ko? Ilang buwan ko na siyang pinapahanap sa 'iyo pero hindi mo pa din siya mahanap," sino ba ang pinapahanap ni Damon
"Hindi pa nakakabalik ang tauhan ko, sana sa pag balik niya may maganda siyang sabihin sa akin kung ayaw niyang patayin ko siya," hindi ko inaakala na maririnig ko iyon mismo sa bibig ni Jacob dahil hindi naman siya ganyan mag salita noon.
"Ayusin mo pananalita mo baka marinig ka ni Solana, she's very sensitive you know,"
Hindi ko na narinig ang boses ni Jacob at nag iba agad sila ng topic. Curious ako kung sino ba ang taong pinapahanap niya kay Jacob at bakit kailangan pa iutos sa tauhan ni Jacob para lang mahanap kung sino man iyon.
Sana naman ay hindi babae dahil baka kalbuhin ko silang dalawa.
"Anak, kanina ka pa ba nandyan?" Nagulat ako nang pag lingon ko ay nandoon si nanay Connie.
Shit!
"Uh, hindi po kakarating ko lang," sabi ko sakanya.
Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Why?
"Anak, sure ka ba na iyan ang isusuot mo sa school ngayon? Hindi ba parang ang ikli ng damit mo," sabi niya kaya tinignan ko ang suot ko.
I'm wearing crop top kasi dahil mainit ngayon ayoko mag oversized shirt, or longsleeve dahil baka ma- heatstroke naman ako.
"Okay lang po ito nanay, saka mainit po kasi ngayon," sabi ko sakanya. Tumango tango siya at pinag handaan ako ng agahan.
Mayamaya ay pumasok naman si Damon kasama si Jacob. "Hey," sabi ko sakanilang dalawa.
"Hey," sabi ni Jacob. Si Damon naman ay lumapit sa akin at hinalikan ako sa noo.
"Good morning," ngumiti ako at binati ko siya pabalik. "Ako na mag hahatid sa 'yo," sabi niya.
"Uh, hindi na. Sinabihan ko kasi si Noah na sakanya na lang ako sasabay, baka kasi may kailangan ka asikasuhin sa company niyo," sabi ko sakanya.
Mag sasalita na sana siya nang marinig ko ang boses ni Noah, Nicole at Franco.
"Speaking of the devil," sabi ko at nakita ko silang pumasok ng kusina. "Good morning!" masayang bati ko sakanilang tatlo.
Noah hugged me, same as Nicole pero si Franco ay nag fist bump lang kami dahil ayoko mag selos si Nicole at lalong lalo na si Damon.
"Bro, sa akin siya sasabay ha?" Ngumiti si Noah kay Damon pero hindi siya pinansin nito.

BINABASA MO ANG
Slave of The Mafia Boss
RomansaWhen Solana's parents sold her to Damon Alejandro, the ruthless and feared mafia boss, her life turned into a nightmare. Is there any way to escape, or will she remain a slave to the mafia boss forever?