Hindi ako makapaniwala sa nalalaman ko. Hindi ko inaasahan na ang kuya ng classmate ko ay ang boss ko! Gusto ko na lang magpakain sa lupa."Kilala mo si kuya Damon?!" Tanong nilang dalawa sa akin. Tumango ako at nang mag tama ang mata namin ni Damon ay lumapit siya sa amin.
"How come you two knew each other?" Tanong ni Noah kay Damon.
"Oh hey little bro," nag fist bump silang mag kapatid. "Solana's working for me," proud na sabi ni Damon sakanilang dalawa.
"Mom and Dad knew her? How come na hindi ko siya kilala?"
"Kasi hindi ka naman nag pupunta sa bahay ko," sabi ni Damon sakanya. "Did you bring your car? Kasi kung hindi ihahatid ko na lang kayo,"
"Yes dinala ko. Sige na iuwi mo na si Solana, bye Sol! See you tomorrow," nag paalam na ako sakanilang dalawa at pumasok na sa sasakyan ni Damon.
Tahimik lang ako buong biyahe at hindi ko siya nililingon.
"Jacob told me na umiyak ka daw kanina, why?"
Hindi ko siya inimik, binabalak niya hawakan ang kamay ko pero inaalis ko iyon. "Sabihin mo naman sa akin kung ano ginawa ko,"
Hindi ko pa din siya iniimik, ewan ko na lang kung magalit siya at baka saktan na naman niya ako.
"Solana don't try my patience, you badly know my patience is very thin," may inis na sa boses niya kaya bumuntong hininga ako.
"You want to hit me? Then go," sabi ko sakanya.
"Fuck!"
Bigla niyang iniba ang direksyon namin. Akala ko uuwi na kami pero nag kakamali ako.
Nandito kami sa madilim na lugar. "Bakit nandito tayo? Umuwi na lang tayo Damon," sabi ko sakanya.
"Not unless you tell me kung bakit ka galit sa akin," sabi niya.
Nilibot ko ang paligid and all I can see is darkness. I felt scared, nanginginig na ako sa takot. Sa lahat ng nangyari sa akin ay bumabalik lahat dahil sa trauma ako sa madilim.
"Let's just go home," sabi ko pero hindi siya nakinig.
"Hindi tayo aalis dito hangga't hindi mo sinasabi sa akin ang rason," sabi niya.
Hindi ba niya nakikita na nanginginig na ako sa takot.
"I–I'm scared,"
"What?"
Binuksan niya ang ilaw dito sa sasakyan at nakita niya na grabe ang panginginig ko. "Fuck!"
Agad naman niya pinaandar ang sasakyan at umalis na kami dito. Pag uwi namin ay agad akong lumabas ng sasakyan at dire-diretso sa loob.
Pag pasok ko ay hindi ko na nabati sila nanay Connie dahil nanginginig pa rin ako.
Nilock ko ang pinto ng kwarto ko nang makapasok ako. At dahil naalala ko na may susi si Damon ng kwarto ko ay sa banyo ako nag kulong.
Binuksan ko ang gripo at naupo ako sa sahig hugging myself.
Nag stay ako dito siguro almost 1hour. Pinakalma ko lang ang sarili ko. Pag labas ko nakita ko si Damon doon na nakayuko at mukhang inaantay ako.
Nag angat siya ng tingin at nag tama ang mata namin. "Hey," Halata sa boses niya ang pag aalala. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko, hinila niya ako palapit sakanya at niyakap. "I'm sorry, you're trembling because of me,"

BINABASA MO ANG
Slave of The Mafia Boss
RomanceWhen Solana's parents sold her to Damon Alejandro, the ruthless and feared mafia boss, her life turned into a nightmare. Is there any way to escape, or will she remain a slave to the mafia boss forever?