12

14 2 0
                                        


"No! Please! No! D–Don't leave me! D–Don't!"

Nagising ako nang marinig ko ang boses ni Damon. Humarap ako sakanya at nakita ko na pinag papawisan siya. Agad akong bumangon at ginising siya pero hindi siya magising.

Anong gagawin ko dito?

"Damon! Hey!"

"Dani, please don't leave me! Please! H–Hindi ko alam kung anong gagawin ko! D–Don't leave!"

Kunot noo ko siyang tinitigan, sino si Dani? Mayamaya ay kumalma na siya at naramdaman ko na hinawakan niya ang kamay ko.

Tumingin ako sa orasan at nakita ko na 5AM na, naisipan ko bumalik sa kwarto ko para doon na lang ipag patuloy ang pag tulog ko nang pigilan ako ni Damon. "Danica! Don't leave me! Please mahal kita!"

Natawa na lang ako at the same time nasaktan. Sino ba kasi si Danica? Mabuti pa siya mahal ni Damon, eh ako? Isa lang naman akong slave niya. Sex slave nga eh.

Pwersahan ko hinila ang kamay ko sakanya at lumabas ng kwarto niya saka ako pumasok sa kwarto ko.

Humiga ako sa kama ko na mabigat ang dibdib. Masakit! Kasi akala ko may gusto siya sa akin, akala ko lang pala iyon.

Hindi ako makatulog kaya bumaba na lang ako. Pag baba ko nakita ko si nanay Connie na kakalabas lang ng kwarto niya. "Nay," tawag ko sakanya.

Humarap siya sa akin. "Oh anak! Gising ka na pala ang aga mo naman, anong oras ba ang klase mo?"

"8AM po," sabi ko sakanya.

"Parang may problema ka ata,"

Gusto ko sabihin sakanya pero napag isipan ko na sa akin na lang iyon.

Mayamaya ay lumabas na din si Emma sa kwarto at nagulat nang makita ako. "Ang aga mo naman," sabi niya.

"Hmmm,"

"May problema ka ba?" She asked. Umiling na lang ako at tumingin sa kawalan.

Nilabas ko ang cellphone ko at balak sana tawagan si Noah pero naisip ko na baka tulog pa iyon.

"Oh my god!! Iyan ang latest ng iPhone ah! Binili mo?!" Tanong ni Emma nang makita ang cellphone ko.

"Binigay," simpleng sabi ko.

"Ni sir?!" Tumango na lang ako at hindi na nag salita. Napatingin naman ako sa cellphone ko nang mag vibrate iyon at nakita ko ang pangalan ni Noah. He's calling me kaya agad kong sinagot iyon.

"Good morning," masayang bati niya pero halata na inaantok pa siya.

"Hey, morning,"

"Are you okay?"

"Yes, masama lang ang gising. By the way, pwede ba na sa iyo na lang ako sumabay mamaya? Umalis kasi kuya mo,"

"Oo naman! Agahan ko na lang pumunta dyan then sunduin kita, kumain ka na?"

"Hindi, wala akong gana,"

Sa mga narinig ko mula sa bibig niya ay nawalan ako.

"Just tell me kung nagugutom ka mag dadala ako ng food para may makain ka,"

Napangiti na lang ako sa sinabi niya at nag paalam na dahil may gagawin pa ako.

Pag baba ko ng call namin ay dumiretso ako sa kusina at nag timpla ng kape para hindi ako antukin mamaya. Nakapag timpla na ako at saka ako umakyat sa kwarto ko.

Slave of The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon