20

14 0 0
                                        



Nakalapag na ang eroplano namin sa NAIA at ngayon ako nakakaramdam ng pagod, kaya pag uwi sa bahay matutulog talaga ako. Bukas na lang ako pupunta sa office kahit pinapapunta ako ni Daddy hindi ko talaga kaya ngayon.

"Mom, are you okay?" Tanong ni Winter. Binaba ko ang tingin ko at nakita ko siyang nag aalala.

"Mommy's fine baby, I'm just tired," sabi ko at kinuha ko na ang bag ko saka kami nag lakad palabas.

I wrapped my hands on Nicholas dahil baka bumagsak ako.

"You looked tired," sabi niya kaya tumingin ako sakanya.

"Yeah, ngayon ko lang naramdaman 'yung pagod," I told him.

"Ang kulit mo kasi I told you not to go to work so you can rest before our flight but you didn't listen to me,"

Sinabihan niya kasi ako na 'wag na lang pumasok para makapag pahinga ako pero hindi ako nakinig sakanya at pumasok pa din. Kaya ngayon? Eto pagod ang atake sa 'kin ngayon.

Nasa malayo palang kami pero nakikita ko na ang signage ng mga tauhan ni kuya.

"WELCOME HOME SOLANA, BABY WINTER!"

Napangiti ako nang mabasa ko iyon at lumapit na kami sakanila. Nakita ko din si Daddy na naka tayo doon kaya lumapit ako sakanya.

"Dad!"

"My love," he said and kissed my cheeks. "Winter!" He shouted Winter's name and hugged his grand daughter.

"Lolo!" My daughter said.

"Dad, bukas na lang ako pupunta sa company I'm tired," sabi ko sakanya.

"Hindi pwede may meeting ka kasama ang kuya mo kaya doon na kayo dumiretso ako na mag uuwi kay Winter," sabi niya at napatingin sa tabi ko. "Nicholas? How come you're here? Does you family know that you're going to Philippines?"

"Hi tito, yes they knew because I told them, ayoko kasi mawala sa tabi ko si Solana and Winter, I feel I'm not complete," napangiti ako sa sinabi niya at hinawakan ang kamay niya dahilan para mapatingin siya sa 'kin.

"Okay, I'll give your father a call later. Let's go, oh! Isasama mo ba si Nicholas?" My Dad asked.

"Yes, baka kasi ma-bored sa bahay. You can take Winter with you, uuwi na lang kami ni Nicholas after the meeting," I kissed my Dad in the cheeks, saka ako tumingin kay Winter. "Baby, mommy will work muna ha? Uuwi agad si mommy and daddy after work. Behave ka lang ha?"

"Yes mommy!" Winter gave me a hug and Nicholas too. "Take care!" Kumaway siya sa 'kin saka siya inuwi ni Daddy.

Tumingin ako kay Diego at kunot noo siyang naka tingin sa 'kin. "What?"

"Kasama sa meeting si Damon Alejandro, are you okay with that?"

Kasama siya? Bakit?

Lahat ng nga nangyari noon bumabalik sa 'kin ngayon, lahat ng pananakit niya, ang dahilan kung bakit ako umalis. Matagal ko ng kinalimutan ang nangyari noon pero nang sabihin ni Kuya iyon ay bumalik lahat.

Galit ang nararamdaman ko ngayon.

It's time to face them now para malaman nila na hindi na ako ang Solana noon.

I smiled at Diego. "Let's go,"

"That's my badass sister," umiling na lang ako at hinawakan ang kamay ni Nicholas.

Slave of The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon