26

20 1 0
                                        


"Still no news of them,"

It's already 7PM at wala akong gana kumain dahil inaalala ko ang kaligtasan ng anak ko at ni Nicholas. Kahit inaalok ako ni nanay Connie ay hindi ako kumakain.

"Anak kailangan mo kumain," sabi niya kaya wala na akong nagawa kung hindi kumain kahit konti. "Kamusta ka?" She asked habang kumakain ako.

"Natatakot po pero wala ako magawa nasa panganib ang buhay ng anak ko at ng kaibigan ko. Pag nakita ko ang babaeng 'yon ako mismo ang papatay sakanya." Sabi ko kay nanay Connie.

Hinawakan naman niya ang kamay ko kaya napatingin ako sakanya. "Huwag iyon ang gawin mo anak dahil masama 'yon." sabi niya.

Hindi ako nakapag salita hanggang sa pumasok si Damon sa kusina. "Any news?" I asked him.

Lumuhod naman siya sa harap ko at kinuha ang kamay ko. "Mahahanap din natin sila." sabi niya. "Nag patawag na din ako ng mga pulis para kung sakaling sabihin na sa 'tin ang address,"

Tumango na lang ako. "Kumain ka pa," sabi niya sa 'kin. Tumabi siya sa 'kin kaya sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya. "I missed you, I'm sorry for all the things I did in the past,"

Hinawakan ko ang kamay niya at tumingin sakanya. "It's all in the past kaya 'wag na natin isipin 'yon. Napatawad ko na sila," I said at tumingin sa parents niya, kay Emma at kay Jacob saka ko binalik ang tingin ko sa kanya. Hinawakan ko ang mukha niya at ngumiti. "So as you," ngumiti siya at hinalikan ang labi ko.

"I love you." I didn't expect to hear this from him. "I love you simula nang may mangyari sa 'tin."

"I love you too." I said.

Masaya niya akong niyakap. At sakto naman pumasok si Jacob at sinabi na nahanap daw nila ang address. Tumingin sa 'kin si Damon at hinalikan ang noo ko. "Let's go save our daughter," tumango ako at umalis na kami ng kusina.

Sakto naman ay nandito si Diego at sasama daw siya sa 'min. Binigyan niya ng baril si Damon just in case daw. Kumuha din ako ng baril at saka ako lumabas.

Papasok na sana ako ng sasakyan nang tawagin ako ni Dad. "Be careful okay?" Tumingin naman siya kay Damon. "Look after her. Pag may nangyaring masama sa anak ko Damon sinasabi ko sayo."

"Yes sir." niyakap ko si Dad at saka ako pumasok sa sasakyan ni Damon. Andito din sa loob si Diego at pag pasok ni Damon ay umalis na kami.

Habang nasa biyahe kami ay hinawakan ni Damon ang kamay ko dahilan para mapatingin ako sakanya. "We're almost there." He said as he squeeze my hand.

Hindi na lang ako nag salita at mayamaya lang ay pumasok kami sa abandonadong lugar at ang daming mga armadong lalake sa labas.

"Don't be scared mga tauhan namin lahat 'yan ng kuya mo." Damon said.

Pagka hinto ng sasakyan ni Damon ay agad ako lumabas nang makita ko si Nicholas na nakaupo doon sa gilid.

"Solana! Goddamnit!"

Hindi ko pinansin ang pag tawag ni Damon sa 'kin dahil nakita ko si Nicholas n duguan at umiiyak.

Pag lapit ko sakanya nag angat siya ng tingin at doon bumuhos lalo ang luha niya nang makita ako.

"I'm sorry, I'm sorry," 'yon agad ang sinabi niya sa 'kin. "I failed to protect her, I didn't know where they take her."

"Shhh! Stop saying sorry you did everything to protect her." I told him.

Slave of The Mafia BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon