Prelude

61.8K 1.5K 2.1K
                                    


Note:
Hi! This story is tagged as mature. It may contain profanities, mature scenes that are mostly suitable for 18+, and sensitive topics. Please be aware of the trigger warnings of each chapter and read with discretion.

Also, if you can, turn on your WiFi/Data to have a better reading experience as this story contains memes and pictures.

Rude readers = Mute/Block.

Salamat!

#####

Prelude

What to do after a one night stand? Magpanggap na sa sobrang sarap nauntog ka sa headboard at nagkaroon ka ng amnesia? P'wede namang mag-forgive at forget dahil tao lang naman tayo, nagkakamali rin dahil sa libido. P'wede rin naman maging friends kayo. . .well not when you talk shit about the very person who's sleeping naked next to you now.

Tanga ka talaga, Aziah.

I was young when my mother was subtly replaced with another woman—a ton of them. Hindi lang isa ang naging babae ni papa. Marami sila na baka nga nabuo n'ya ang buong alphabet, kada isang letra ay may candidate.

When I saw my mother crying at the end of the staircase, I promised myself that I wouldn't shed a tear for a man even if he begs me to. Wala akong luhang sasayangin para sa mga tulad nilang babaero.

So I have a habit of. . .making players cry.

"Nagbago na ako," giit ko sa mga kaibigan ko habang pinapaikot nila ang tagay ng Cuervo.

Nasa isang round table kami sa isang exclusive nightclub malapit sa Taft. Dapat ay nasa East Drive talaga kami ngayon kaso ay wala kaming nakuhang reservation—not that I mind, hindi naman kasi talaga ako maarte sa inumin at sa lugar. Pare-pareho naman 'yan na sisirain ang atay ko eh.

"Ang huling pinaiyak mo, tiga-MAPUA pa yata. Ang lupit mo talaga! Mas red ka pa sa tiga-red school!" Pinalakpakan ako ni Kelsey kaya naman napatakip ako nang bahagya sa aking tainga.

Ngumisi lang ako sa kan'ya habang tinitingnan siya na para bang ang tanga n'ya dahil sa ginawa. I remember making that guy cry just because he ghosted my friend. Nalaman lang sa huli nung guy pero naghabol pa rin siya sa akin—sadly, kahit pangalan n'ya ay hindi ko na nga tanda dahil gano'n siya ka-irrelevant sa buhay ko.

May inabot sa akin si Kelsey na tagay. Agad ko itong pinaikot at inabot sa susunod. She was already drunk. . .malas n'ya na ako ang naging katabi n'ya. Siya tuloy ang umiinom ng para sa akin dahil di n'ya namamalayan na hindi ko iniinom at di rin naman ito pinipigilan ng mga kaibigan ko.

I shrugged my shoulders as I dismissed the thought of asserting my morality. Life is unfairly fair, lalo na kung manglalamang ka. Huwag kang papayag na di ka makakatapak ng tao, Pilipino ka eh.

"Wala ka bang prospect ngayong gabi?" tanong sa akin ni Lotte. Pumalumbaba pa siya sa mismong table.

Luminga-linga ako. Walang gwapo eh. Bakit ako magsasayang sa oras sa gago na nga hindi pa gwapo? Doon na lang ako sa gwapo at least kapag kinuwento ko sa iba ay maiintindihan nila bakit ko na-justify ang paglapit ko sa isang gago. Yes naman, lookism at its finest.

"Darating daw si Ryker ah? Yung crush mo?" singit ni Kelsey.

Bumusangot si Lotte. "Di naman siya nag-re-reply sa akin! Ang huling reply n'ya sa akin ay smiley lang, tapos binigyan ko na agad ng meaning."

If Only You Loved Me | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon