to cali,#####
Chapter 36
Dumaang ang mga linggo kung saan mas minabuti kong palaging kasama si Lotte. She would bring food to my condo and I would sometimes cook for her. Kung minsan, sa condo naman n'ya kami.I combed my growing curls. Hanggang balikat na ang buhok ko ngayon. Napanguso ako habang kinukulot gamit ng isang daliri ang tip nito. I missed being called pretty by that person. Siya lang naman ang may lakas ng loob na sabihin iyon kahit mukha akong iritado.
Lotte:
Pumasok ka na?
Dapat nagpahatid ka kay KiranZiah:
May babae ah?
may na-soft launch sa
IG n'ya kagabiLotte:
Totoo yan???
Tanginaka ka ziaaaah!
May binata na tayo 🤰Ziah:
so true ka dyan, sis ko!!
parang dati lang di nya pa
alam ang itsura ng condom!ikaw ba kailan te??
kawawa ang 💩⛅️ nyanLotte:
💩⛅️?Ziah:
poo = 💩
day = ⛅️Lotte:
poonyeta ka talagaaa"La Union daw ang internship celebration ah?"
Natigil ako sa pagkausap kay Lotte. Lumingon ako kay Ate Ailene nang makitang nagaasikaso pa rin siya ng mga papel. Umangat ang tingin n'ya sa akin. Tinuro ang kan'yang cellphone.
"Baka po. . .hindi ko afford," pag-amin ko. Ang dami ko kasing gastos sa condo ngayon. Akala ko kapag may sariling lugar na ako at kung mas liliit ito ay baka mas makatipid ako. It was the opposite! Sobrang layo ng mga wet market sa condominium ko. Ang malalapit ay convenience store lang.
"Libre naman siya," ngumiti si Ate Ailene. "Saka! Kung sakali man, nandoon naman kami. Papabayaan ka ba namin?"
Napangiti naman ako. I would usually be intimidated by those words. Ayoko kasi talaga umaasa sa iba. Pero p'wede naman palang matuto kang tumayo mag-isa at marunong ka rin umamin kapag di mo na kaya. There's no harm in admitting that there are things that you can't do alone.
"Sige po," tumango ako sa kan'ya. "Sasama na po ako."
The La Union trip was sponsored by the hospital itself. Hindi lahat ay p'wedeng sumama pero by batch naman daw. It was for team building and also to celebrate those who finished their internships. Hindi ko inakala na mabilisan lang ang pagiging isang intern ko. Mas nahirapan pa nga ako sa thesis namin kaysa sa mga naging duty ko.
Nagdala ako ng maliit na maleta. Pinagsama ko sa maliit na pouch ang mga kailangan kong gamit pangligo. May binibigay naman minsan sa hotel pero gusto ko lang din na prepared ako. It was a two day trip so I only packed at least for two days and one night.
I had a pair of Crocs sandals and I opted to use it. Hindi kasi advisable ang shoes kung hindi naman sobrang mahaba ang panahon na nandoon ka. You'll usually be in the sand so it's more fitted to use flip flops.
Sinuot ko na ang swimwear ko, I wasn't prepared so I got the blue two piece that served as my underwear as well. Nagpatong na lang ako ng white crop top at beige knitted cover up. Khaki shorts na lang ang sinuot ko dahil huhubarin ko rin naman.
"Ziah, dito ka na," sabi ni Ate Ailene habang dinuduro ang passenger seat. "Sa likod na si Rita at yung iba pa."
Sa kotse ako ni Ate Ai sumabay. Marami-rami rin yata kami. Nagpaalam ako kay Lotte at naka-share sa kanila ang location ko. My thoughts wandered off somewhere else. Hindi ako sigurado pero baka gumagana ang plano ni Lotte ngayon. She told me to stay lowkey and pretend that I'm unbothered. Kasi kapag nagiging aware raw yung sumusunod sa akin na gumagawa na ako ng way upang malaman kung sino siya, nililihis n'ya ang direksyon. She was a smart culprit—yet she's also stupid for messing up with the wrong people.

BINABASA MO ANG
If Only You Loved Me | ✓
ChickLiterps series #2 complete [unedited] If only you loved me; maybe our fate would have become better and maybe the pain would have become worth it. Princess Aziah "Ziah" Florencio doesn't believe in being attached to the concept of love and she had give...