Chapter 11

27.3K 1.2K 1.6K
                                    




#####

Chapter 11

You know. . .I can never feel good when bad things happen to anyone, even to my own enemy. Hindi naman ako mapagtanim na tao at sadyang hindi ko rin ginagawang big deal ang mga nagiging kasalanan sa akin ng iba. If they show remorse for it, then good. If they fail to see their mistakes, then I don't care. Not acknowledging your own mistake is your own downfall, after all.

Pero ngayon? Tuwang-tuwa ako sa iritasyong nakapinta sa mukha ni Ryker. Kanina pa nagsimula ang laro at halatang balisa ang loko dahil kanina pa kunot ang noo. His sweat were trickling down his face, pero hindi n'ya ito pinupunasan. Mas dumami ang tumitili para kay Ryker dahil. . .magaling pala siya maglaro. Akala ko visual lang ang ambag n'ya sa basketball eh. May binatbat naman pala talaga!

"Go! Number eleven! Wuhoo! Galing mo talaga!" Tili ko sa crowd kaya naman sumipat si Ryker sa akin at lalong nairita dahil kumuyumos ang mukha.

"Hindi naman naglalaro si number eleven?" Mikay pointed out, her eyes staring at the guy who was sitting on the bleachers. "Kanina pa siya bangko ah?"

"Yes, ang galing n'ya umupo, sobrang nice," tumango-tango ako habang malawak ang ngiti. Walang makakasira ng araw ko ngayon. Pero kay Ryker? Halatang winawasak ko na ang araw n'ya.

Namula si number eleven na may apilyedong Marcova. Sumipol-sipol pa ako para makuha ang atensyon n'ya. Hindi n'ya ako magawang lingunin dahil tinutukso na siya sa mga kagrupo n'ya. He was sitting diligently on his seat while his head was down. Hindi makatingin sa direksyon ko.

Ngumisi naman ako.

Tama 'yan, kitang-kita ko na parang apoy na nilalagyan ng kahoy sa inis ang isa d'yan. Partida, nakasalang pa siya ngayon kaya kita ko na nagtitimpi siya ng iritasyon n'ya para sa akin.

"Galing mo talaga, number eleven!" sigaw ko habang nagsisipagtilian sila sa three point shot ni Ryker.

Nagugulat yung mga nanonood dahil ang bilis ng laro. The screeching of sports shoes was evident because it echoed throughout the game. Pansin din na minamadali ni Ryker yung laro dahil puro siya. . .three points at halos hindi na siya nagpapahinga.

Ang gago? Hindi na hinayaan mapunta sa kamay nung kalaban nila yung bola! Nakaka-score lang yung kabilang team dahil sa free throw kapag may penalty.

"Tinatapos na agad ni Ryker yung laro," boses ni Mikay. "Alam ko na magaling siya pero nilalampaso n'ya yung kabilang team eh."

"Baka nag-e-enjoy lang maglaro," I shrugged my shoulders off as my heart throbbed against my chest. "Malay mo magaling lang talaga siya."

"Bakit hindi ka mag-cheer kay Ryker? Ka-course natin iyan ah," puna ni Mikay.

Nagtaas lang ako ng kilay. "Paano ako makiki-cheer? Mayroon na siyang harem galing sa medtech tapos mayroon din siya galing sa kabilang team!"

There were girls on the other courses screaming his name whenever he got to shoot the ball. Naubos na nga ang mga boses dahil sunod-sunod ang tira ni loko eh.

Napailing ako. I hate my dirty mind sometimes. Naghalukipkip na lang ako habang pinapanood ang laro na minamadaling tapusin ni Ryker.

Sa sobrang pagod ng mga tiga-masscomm ay pinapasok na nila si Marcova which made my ears perked up. Agad akong sumigaw muli para sa kan'ya.

"Go Marcova! Lampasuhin mo si Adeva! Galingan mo! Go go go!" sigaw ko kaya naman kinakatyawan ako ng mga ka-blockmates ko. Traydor daw ako! Aba, I don't care!

Masama na rin ang tingin sa akin ng mga kaklase ni Ryker. Pero ano namang pakialam ko? Hindi naman sila si Adeva!

Napalingon si Ryker sa akin, his lips pulled apart. His eyes were pitched black so it made me shut up for a bit. Ang makapal n'yang kilay ay nagkasalubong. His shaky breathing made me feel something between my legs. Bigla akong pinagpawisan.

If Only You Loved Me | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon