Chapter 24

68.1K 2K 2K
                                        


TW: Death

#####
Chapter 24

Days went by like a whirlwind, may mga pagkakataon na ramdam ko ang tingin ni Ryker sa akin. Para bang gusto n'ya akong kausapin. Para bang may gusto pa rin siyang i-klaro. His stare would lingered even when I was almost away from his sight.

It made me think that I should probably shift into another course. Mali pala talaga ang makipaglandian ka sa kapwa mo medtech. Nakakasira ng buhay!

Ginulo-gulo ko ang buhok ko habang nagbabasa ng mga pinapa-review sa amin. If I was with Ryker, baka mas maintindihan ko ang mga ito. He could turn the jargon into a layman's term for me. Kahit naman pareho kami ng pinagaaralan, mas naiintindihan n'ya ang mga terms kaysa sa akin.

"Ayoko na talaga," I sighed then slid my reviewer inside my bag. "Acceptance stage na ako agad. Kaya n'yo na 'yan."

"Finals naman na, Ziah!" Mikay uttered while almost burying her face in her notes. Ayaw n'ya tantanan ang pag-re-review kahit ba para na siyang nagriritwal kanina dahil kung anu-ano na ang lumalabas sa bibig n'ya.

Umiling na lang ako. That's right, mas crucial dapat ang sitwasyon ko ngayon dahil ito ang huling test namin para sa school year na ito. I doubt that I'll fail but I know I won't get good marks either. Pero okay lang naman dahil wala naman ine-expect si Mama sa akin.

Dumating na ang professor namin para sa final exam namin. I had it easy because I didn't fear failing. Nang mapagtantuan ko na hindi ko na alam ang iba sa test ay hinulaan ko na lang ito. Luck was still on my side because there wasn't any identification! Baka kung mayroon ay kanina pa ako nahihilo rito.

Nag-unat ako nang tumunog ang pa-buzzer ng professor namin. He does this to impose pressure on his students; para kasing tunog ng huling game ng basketball. Lahat sila ay humihingi pa ng kaunting oras pero inalisan na kami ng professor namin, he only took the papers of those who already passed it; ang iba na hindi nakapagpasa ay awtomatikong zero.

"Epal," I snickered after the professor went out. "Akala n'ya talaga ay nagtuturo siya."

I didn't mind if he didn't know how to teach well; because teaching can also be learned. Pero yung di ka na nga nagtuturo tapos ang dami mo pang pakulo sa mga test mo? Ang angas naman pala talaga.

"Ziah, baka bagsak ako," naiiyak na sabi ni Mikay.

"I can go lower, Mikay," I tapped her shoulders. "Kung bumagsak ka, ako naman ay nakabaon na."

She sighed yet followed my footsteps. Lumabas na kami ng classroom at agad na nag-isip kung paano mag-ce-celebrate na tapos na ang exams naming dalawa.

Sa huli ay nagkayayaan kami na pumunta sa malapit na mall para mag-window shopping. Doon na rin siguro kami kakain dahil malapit na rin mag-gabi. Agad akong nagpadala ng text kay Mama na hindi ako sasabay sa kan'ya mag-dinner.

We ate in the food court. Si Mikay ay nag-order ng takoyaki samantaling fried noodles naman ang sa akin. Tumayo ako mula sa upuan ko at nagpaalam kay Mikay.

"Bili lang ako ng juice, ikaw ba?"

"Anong juice?"

I shrugged off. "Baka calamansi, bet mo ba?"

Umiling siya, "Hindi na, okay na ako. May dala rin naman akong tubig."

Tumango na lang ako at tuluyan na pumunta sa kiosk ng calamansi juice. Pumila ako upang makabili na. Pero may batang bumuntot sa akin kaya naman napalingon ako. She looked at me, almost teary-eyed.

Nagulat ako nang hawakan n'ya ang slacks ko. I almost shooed her away. Hindi ko kilala eh, naalarma rin ako na baka gag show ito o kaya scam! May trust issues pa naman ako!

If Only You Loved Me | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon