Chapter 22

27.8K 1.2K 1.2K
                                    



to ate nurse,
happy birth month! 💙

#####

Messenger
ERPS  BALITA

Ryker:
Di n'ya ako mahal.

Eastre:
Oh

Cal:
Hala 🥺
Ay, wow.
Ang tino ng typings mo? 😄

Eastre:
Cal 😭😭😭

Ryker:
Akala ko p'wede eh.
Mahal ko siya.
Anong gagawin ko ngayon?

Eastre:
Acceptance, I guess?

Ryker:
I want to know why. . .
Kasi kung may mali sa akin;
babaguhin ko naman.

Eastre:
Baka ano
Di nya lang gusto ng relationship

Ryker:
Ayoko tumigil.
Sinabi ko lang naman na titigil ako kung di n'ya ako mahal dahil akala ko mapapaamin siya.
Umamin nga siya na di n'ya ako mahal.

Eastre:
East Drive nga tayo.
Drinks on me.

Ryker:
Mahal ko siya.
Mahal na mahal.
Pero anong gagawin ko kung hindi naman kami pareho ng nararamdaman?

#####
Chapter 22

It was a decision made out of haste. Ang alam ko lang ay hindi ako mapakali na may hawak si Kio na video na sisira ng record ni Ryker sa OSA. I was scared of the truth that all I was able to do in someone's life is ruin it.

I didn't want to tell anyone about it. . .because I didn't want to burden them. I grew up knowing the right thing and the right words to say without the attentive guidance of others. Kung aasa ako kay Ryker upang masolusyunan ito. . .I feel like I would disappoint him. He would leave me. Kaya naman ako na mismo ang gagawa ng paraan upang lumayo na siya sa akin. . .even if it means it would hurt him.

Nasa isang club kami ngayon. Naninibago ako dahil naging taong bahay ako magmula nang dumating si Ryzi sa buhay namin ni Ryker. Hindi ko inakala na hindi ako dadalawin ng boredom magmula nang magbahay-bahayan kaming tatlo.

The strobe lights were hitting my face so I covered my eyes using my right hand. Dumating si Lotte na may dalang inumin; hindi ito mga alak dahil alam n'yang wala ako sa mood uminom.

May kasama siyang naka-mullet ang buhok; sa dilim ay kumikintab ang mga mata n'yang singkit na mala-pusa. His skin was looking frail because it's so fair. He tilted his head upon seeing me and lifted a brow. Gwapo siya pero halatang hindi nandito upang makipaglandian. Wala rin ako sa mood mag-entertain kaya naman hindi ko na lang din binigyan ng pansin.

"Magkwento ka na," Lotte said. Umupo na siya sa harapan ko at tumabi naman sa kan'ya yung gwapong kasama n'ya. I don't think they're dating but I could guess that they're friends.

I inhaled sharply. Sinimulan ko magkwento sa kung paano ko napahiya si Ryker sa buong building namin. Maraming tao ang nandoon kaya naman alam ko sa sarili ko na maaaring kumalat ang pangyayari.

"Ang gaga mo," Lotte scowled at me as soon as she heard about Ryker bursting into tears when I rejected him in front of others. Mabilis na kumalat ang balita sa ibang course o baka dahil tiga-Mass Communication ang isang ito kaya naman nakarating agad sa kan'ya.

"It was better that way," napalunok ako habang nakatitig lang sa akin si Lotte. Her expression says it all; she thinks that I didn't think it through.

Wala si Kelsey dahil kasalukuyan itong nasa Singapore para sa isang family trip. Tahimik lang yung dalang lalaki ni Lotte pero mukhang nakikinig siya sa amin.

If Only You Loved Me | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon