Chapter 18

95.4K 2.6K 1.7K
                                        



commissioned artwork by kimchigo_ii
#####
Chapter 18

It was a vague memory but I know that my mind kept on repressing it so I won't be able to reminisce about the pain it brought to my mother and to me.

Para di ka masaktan. . .hindi mo na lang babalikan ang alaala. Pero traydor ang mga memorya dahil sila mismo ang magbabalik kung gaano kasakit ang isang pangyayari sa buhay ng isang tao.

Nakayapos sa akin si Mama habang nasa bus kami. Ang mga mata n'ya ay namamaga at kanina pa siya nahihirapan humugot ng hininga.

I didn't cry with her because I didn't want to put an end to her momentum. Ayoko na isipin n'yang bawal siyang maging malungkot dahil mas malungkot ako. Pero nang makauwi kami sa isang bagong apartment na walang laman kung di ang mga damit lang namin. . .umiyak ako habang taimtim siyang natutulog.

We were abandoned by the people we wanted to love us. Si Mama ay iniwan ni Papa. Ako naman ay hindi kayang tanggapin ng pamilya. Hindi ko alam kung bakit kung sino pa ang inaasahan naming tatanggapin kami nang buo. . .sila pa ang mismong dudurog sa amin.

Nagising ako sa amoy ng sinangag at itlog. I stood like there's a rod in my spine and immediately looked at the kitchen area. Nakita ko si Mama na nagluluto. Nagulat ako dahil maaga pa lang pero mukhang dumating na ang ilan sa mga gamit na kaka-order n'ya lang. Halata naman dahil nandito pa ang mga kahon at mga bubble wrap. I went to Mama with my small hands slowly reaching out on her dress. Hinawakan ko ito at hinatak-hatak.

"Gising na ang baby ko?" Mama murmured softly. "Ayaw mo bang matulog pa nang mas mahaba? Maaga pa eh."

"Tutulong na ako," I told her.

Her eyes widened before she started to laugh. "Ikaw talagang bata ka, kailan ka ba aastang bata?"

Ngumuso ako. "Matanda na ako!"

"Kulang pa nga ang mga ipin mo! Hindi pa permanent lahat!"

I glared at her because it was the truth. Tinawanan n'ya lang ako at ginulo ang buhok. Iritado akong itinabig ang kamay n'ya dahil ang hirap-hirap kaya magsuklay!

"Hindi naman ipin ang gamit sa pagluto!"

"Ako na rito. . ." Mama said. "Hanggang kaya ko pa. Pagsisilbihan kita, okay? Nanay mo ako eh."

I pouted because I didn't want her to act motherly to me. Hindi kasi. . .hindi ko kasi tanggap na siya na nga ang nagtatrabaho tapos siya pa itong magaalaga sa akin. Mapapagod siya. . .at baka kapag di na kaya ipahinga ang pagod n'ya ay iwan na rin n'ya ako.

Gano'n naman silang lahat.

"Hayaan mo! Hindi sila invited si birthday mo, Ziah!" Mama said with determination. "Masarap ang bibilhin kong cake! May balloons! May clown! May tarpaulin! At may malaking signage na no pangits allowed!"

Humagikhik ako kaya naman tuluyan na ring ngumiti si Mama sa akin. Her smile was so sweet that I could almost taste it. Ramdam ko na kung masaya ako, mas masaya siya.

Our lives were okay until Mama kept on pursuing love. Palagi naman siyang dehado at kung minsan ay umaakto na para bang teenager pa. Hindi ko naman kayang sitahin palagi dahil ayoko naman isipin n'yang binabastos ko na siya.

I love my mother despite her flaws because she stayed even when she had all the reasons to leave me behind. P'wedeng sabihin na bare minimum at responsibilidad naman n'ya ako. . .pero minsan na lang talagang may kayang manindigan na magulang para sa anak n'ya. Isa roon si Mama.

"May lalaki na si Ziah!?" Mama gasped while holding Ryker's face.

Ang kapal kasi ng mukha ni Ryker dahil dito pa talaga natulog sa bahay namin! At dahil tulog mantika ako minsan, silang dalawa ni Mama ang nagkasalubong sa umaga.

If Only You Loved Me | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon