Chapter 4

30.8K 1.4K 1.6K
                                    


to ceia and tria,

#####
Instagram
rideryker

rideryker:
hey
i forgot to ask lang
may half ka ba?

ziahsfleur:
what?

rideryker:
like
half filipino
half mine? :)

ziahsfleur:
half ulolkaba
anw congrats sa 49

rideryker:
aaaa inspired ako eh 😚
i mean you were in front of me
it brought back a lot of memories 🫶🏻

ziahsfleur:
ULOL
i dont remember you
sino ka ba
pls stop messaging me
i dont talk to strangers 🥱

rideryker:
hey pwede naman pakilala ulit ako
pwede naman tayo umulit
pakilala ko ulit sayo diffuser ko :)

#####
Chapter 04

Bakit kung ano pa ang bawal, yun pa ang ginugusto natin? Kung ano yung alam mong makakasakit, yun pa ang mukhang exciting?

Mama was watching tv when I arrived home, ang lababo ay puno ng hugasin. Nakapatong ang paa n'ya sa mismong center table. Hindi ko mapigilan ang mapabuntonghininga. When she noticed my arrival, agad siyang napatayo nang tuwid.

"Ziah! Kumain ka na ba? Bumili ako ng langka sa canteen kanina," she smiled at me as she helped me took off my bag.

"Okay lang po ako," I said then went to the sink. "Tapos ka na po ba kumain?"

Tinanggal ko ang suot kong relo at ang panali sa aking kamay. I started to scrub the plates with the dishwashing soap.

"Oo, pero hinintay kita para sabay ko na huhugasan ang pinagkainan sana natin."

Napatigil ako roon. Hindi ko mapigilan ang mapangiti. This is why I can't completely hate my mother and even if it was hard. . .iniintindi ko talaga siya. She is trying to be a good mother despite our current situation. Kung tutuusin ay p'wede n'ya akong iwan sa mga kamag-anak ko habang may trabaho siya. . .pero nasa iisang bahay kami ngayon at gumagawa siya ng paraan para mabigay ang kung anong gusto ko.

She sounded giddy as she walked towards me. "May bago na rin pala akong trabaho, Ziah! Libre kita ng kung anong gusto mo."

Umiling ako. "Okay na po ako. Bili ka na lang po ng kung anong kailangan sa bahay. Palitan na natin yung walis dahil halos lagas na ito. Tapos bili tayo ng mga kurtina na hindi masyado dark color, ang init ng panahon po ngayon eh."

She laughed nervously. "Naku, Ziah. 'Wag mo na nga ako i-po dahil parang ang layo ng agwat ko sa 'yo."

Nanay po kita. Napabuntonghininga na lang ako nang matapos matanggalan ang mga bula sa hinihugasang plato. I couldn't refute her anymore because I know she'll feel old. . .and ugly. Tapos maaalala na naman n'ya na pinagpalit siya sa mas bata. Sa mas maganda. Sa babaeng wala pang anak.

Tangina kasi ng tatay ko, ako sumasalo sa kasalanan n'ya eh.

After doing the dishes, naka-receive ako ng messages from Lotte and Kelsey. Both of them were obsessed with Ryker because they're bombarding me questions if I was the 'good fuck' that Ryker had last night.

Lotte:
IKAW LANG NAMAN YUNG
KASAMA NYA KAGABI RIGHT?

OMG??? you got him head over heels!?

Kelsey:
Grabe 10/10 na agad ratings sayo

Ziah:
ako na yan
pinanganak na masarap ni mama 😚
at oo, sinolo ko siya kagabi

If Only You Loved Me | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon