#####Chapter 35
Madalas akong maisalang sa mga gawain na na-te-test ang buong pagkatao ko. Lalo na sa trabahong pagkuha ng specimen sa iba't-ibang tao.
Nakabalot sa isang plastic ang ang stool container nung inabot sa akin nung isang ginang. Her entire face was full of sweat, halatang nairaos na n'ya ang dapat n'yang ilabas.
Dahan-dahan ang pagkuha ko ng container sa kan'ya. Naka-resting bitch face lang ako dahil ayoko naman makita n'ya ang pangdidiri nang makita na halos umapaw ang laman ng container. At tangina lang? May spinach pang buo!
"Pero bakit naman pinuno?" naiiyak kong saad habang nakita yung stool collector na punong-puno. Kahit pea-size lang naman!
Nanglalaki ang mga mata ko habang hawak-hawak ang plastic. Nilagay ko na ito sa mismong tray kung saan nilalapag yung mga specimen containers. Nalagyan naman na ng pangalan at oras kung kailan nailabas.
"May instructions naman sa comfort room," sabi ni Ate Rita at napailing. "May provided pa nga for the toilet bowl. Para di mabasa yung specimen."
"Hayaan n'yo na, ako na nga d'yan," agad na dumalo si Ate Ailene. "Next time, paki-assist na lang sa iba yung mga di pa marunong o di kaya sabihan agad bago pa magpasa."
Tumango kami ni Ate Rita. I looked at the time and it was still 3 p.m. in the afternoon. Mahaba-habang oras pa ang mayroon ako rito. Nagunat-unat ako habang hinihintay na lumipas ang oras. Balak ko rin kasi maaga na makapagpahinga dahil pagod na ang buong katawan ko.
Tinapos ko na lang yung mga inutos sa akin ni Ate Ailene hanggang mag-7 p.m. na. Pumapatak ang ulan kaya naman napatingin ako sa may bintana. Baka magpatila na muna ako. Parang ayoko makipagsiksikan at makipagunahan sa mga tao na sumakay. Wala namang naghihintay sa akin sa tinutuluyan ko ngayon.
"Tama ka 'yan, Ziah," sabi sa akin ni Ate Ailene nang makitang patuloy pa rin ako sa pagaasikaso ng files. "Hindi ka naman bayad kahit mag-OT ka d'yan."
Bahagya akong natawa. "Okay lang po. Di pa naman po ako uuwi eh."
"Hala ka, umuwi ka na," sabi n'ya at umiling. "Sumabay ka na sa amin. Huwag kang masyadong masipag dahil hindi naman ikaw ang tigapagmana ng hospital na ito."
Humaba ang nguso ko dahil sa narinig mula sa kan'ya. I guess even if I didn't want to go home, I don't have a strong excuse to stay here. Ayoko pa naman kapag umuulan tapos mag-isa lang ako sa bahay. Mas. . .nararamdaman kong malungkot ang mga araw ko. Even watching a comedy flick wouldn't be able to get rid of the loneliness.
I prepared my stuff and had a quick retouch on the public restroom. Inayos ko ang umaalon kong buhok dahil umaabot na ito sa aking balikat. I swipe my favorite shade of lip gloss on my lips before smiling at the mirror.
Lumabas na ako at kinuha ang gamit ko. Dumeretso na ako sa biometrics upang mag-out na. Sinilip ko ang mga maiitim na ulap habang unti-unti silang nagkukumpulan.
Napabuntonghininga naman ako. Sana lang ay makasakay na ako bago ito bumagsak. Sobrang hassle kasi ang mag-commute kapag maulan talaga.
"Ziah! Halika rito!" yakag sa akin ni Ate Ailene nang mahagip ako ng tingin n'ya.
"Yes po?" I immediately went towards her direction. My eyes widened a fraction upon seeing a familiar figure. Si. . .Sir Jahiel pala.
"Hatid ko na kayo," he smiled at us. "Hindi naman ako nagmamadali. Saka, stranded daw iyong ibang jeep sa kabilang kanto dahil bumaha."
My cheeks immediately reddened. "Nakakahiya po. Kaya ko naman maghintay na lang."
"Sasabay din naman kami, Ziah," Ate Ailene urged and playfully pushed me towards the car. "Tara na! Baka lalong bumuhos ang ulan."

BINABASA MO ANG
If Only You Loved Me | ✓
ChickLiterps series #2 complete [unedited] If only you loved me; maybe our fate would have become better and maybe the pain would have become worth it. Princess Aziah "Ziah" Florencio doesn't believe in being attached to the concept of love and she had give...