Chapter 33

21.7K 919 1.3K
                                    


#####

Chapter 33

"Don't worry, dogs who are in pain tend to sleep more to recuperate," saad nung vet nang matapos n'yang linisin at lagyan ng mga gamot ang sugat ni Ryzi. "He was probably just trying to conserve his energy. Maswerte ka sa kan'ya, he's a strong dog."

Para akong nabunutan ng tinik nang marinig na maayos na ang kalagayan ni Ryzi. Lotte insisted that we should still consult a nearby vet for Ryzi despite his condition when I saw him. Mabuti na lang din na nakinig ako dahil tulog lang pala siya. . .I wouldn't know what to do if he expires.

Lalo na't ako pa ang magiging dahilan kung bakit siya mawawala rito.

Namamaga pa rin ang mga mata ko dahil galing ako sa pag-iyak. The vet calmly told me that I shouldn't let myself be stressed out, lalo na kapag kaharap si Ryzi. Naghihintay lang ako sa labas habang pinagpapahinga pa nila si Ryzi. Sa ngayon, nag-volunteer si Lotte na sa bahay na lang muna nila.

"You can stay there as well," sabi ni Lotte. "Masyadong maraming kwarto roon. Kahit tig-isa pa kayo ni Ryzi eh."

Umiling ako. "Baka. . .ibenta ko yung bahay. I don't feel safe there anymore. Saka, masama na rin ang kutob ko sa bahay na iyon. I also don't want to stay in the place where my mother died."

Isa sa rason si Mama kung bakit hindi ko kaya mapakawalan yung bahay. Palagi kong inaalala na mula sa kan'ya yung bahay na iyon. Sa dugo't pawis n'ya ito galing. Pero ayoko naman na palaging kong maaalala na dahil sa akin kaya siya namatay. Hindi ko rin kaya isipin na muntik na mawala si Ryzi dahil din sa akin.

Sino pa ang isusunod n'ya?

"He can feel you," sabi nung veterinary physician sa akin nang lumabas ito sa kung saan nananatili si Ryzi upang magpahinga. "Kapag ramdam n'yang stressed ka, baka ma-stress din siya. Dogs who are recovering should be stress free and also they need a lot of extra attention."

Tumango ako. "Thanks po, Doc."

Ngumiti lang siya. He had a perfect set of teeth. "Uhm, if may tanong ka, you can direct it to me. P'wede rin kay Maria Charlotte."

"Tangina mo talaga," Lotte cursed the vet. "Magsama kayo ni Kiran!"

Tumawa lang iyong vet. "Aalis na ako, please take good care of Ryzi while he's recovering. Sobrang kailangan n'ya iyon."

Tumango lang ako. Napabuntonghininga ako nang mapagtantuan na hindi muna kami makakauwi ni Ryzi sa ngayon. My uniform was soaked in his blood. Hindi ko pa nagagawang magpalit dahil hindi pa kaya i-proseso ng utak ko ang mga pangyayari.

"Ano bang nangyari? Sinong gago ang pagti-trip-an si Ryzi?" nanggagalaiti na tanong ni Lotte. She was gritting her teeth as she roamed around her eyes. "Yung kapitbahay mo ba?"

"H-hindi," napalunok ako habang nakayuko. "I don't think. . .safe kayo sa akin. Someone is trying to harm me. . .more on harming the people around me. Baka madamay ka."

Lotte looked at me, her expression was completely puzzled. Para bang di n'ya naintindihan ang lengwahe ko.

"Girl? Bullshit ka ba? Hindi man halata pero. . .I have guards with me? Alam kong madalas mong kalimutan pero anak ako ng politiko," she frankly said. "I eat death threats and blackmail for breakfast. Minsan ay full course meal pa!"

"Seryoso ako, Lotte," naiiyak kong saad. "I don't know what to do. Si Mama. . .tapos si Ryzi. . .I can't! My mind can't take it anymore!"

This was torture! Sana ay ako na lang ang saktan n'ya! Sana ay ako na lang ang pinapahirapan n'ya. Huwag lang iyong mga taong mahalaga sa akin. If it was the same person who murdered my mother. . .si Kio? Is it him? Siya lang ang alam kong gagawa nito! I know! I just know it's him!

If Only You Loved Me | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon