Chapter 12

29.9K 1.1K 1.3K
                                    


WARNING: Explicit content

#####
Chapter 12

Hawak-hawak ni Ryker ang cold compress sa mukha n'ya. I was guiding him since half of his face was covered. Ngayon ko lang napagtantuan na hanggang balikat n'ya lang ako. . .actually between his shoulder and elbow. Ang tangkad din talaga ni gago eh.

"Babe? Wala ka na class later 'no?"

"Yes," tumango ako saka sinilip siya. "Wala naman na. Binigay na yung oras para sa intramurals lang saka nakapag-attendance naman na ako. Bakit?"

"Wala lang. Papagurin lang kita."

I hissed at him and playfully punched his arm. "Ulol! Saka ka magyabang ng ganiyan kapag hindi na namamaga ilong mo. Did you break your nose?"

Natawa siya at umiling. "Di ah! Nakakahinga pa naman ako."

Someone was in the hallway. Naka-green jersey siya at halatang hindi mapakali. He was pacing back and forth while trying to have little breathing exercises. Our steps halt as soon as we encountered him. Ah, si Marcova pala.

"Sorry!" Marcova bowed down his head. "Hindi k-ko talaga sinasadya iyon! Hindi ako marunong magbasketball. . .s-sinali lang a-ako kasi matangkad ako s-saka ano, sorry talaga."

Ryker cocked his head before smiling. "Okay lang, bro. Di naman pala sadya."

Tinitigan ko lang si Marcova at ngayon ko napagtantuan na hindi nga siya. . .athletic. Siguro dahil sa kilos n'ya at halatang isang siko lang sa kan'ya ay baka tumumba na siya agad. Maliit din siya kumpara kay Ryker. He peered in my direction and the heat rose on his ear.

"Ah K-kio nga pala," pakilala n'ya sa akin. His hand was shaking as it attempted to reach mine.

"Aziah," I said, then smiled at him. Hindi ko tinanggap yung kamay n'ya kasi nakakaramdam na ako ng selos mula katabi ko.

Ryker slackened his jaw. Mas na-offend pa yata siya na nagpakilala si Kio sa akin kaysa sa tinamaan siya nito ng bola sa mukha.

Umangat ang tingin ni Kio sa akin at nag-abot muli ng kamay, this time there was a paper on his hand. Nangunot ang noo ko pero sinubukan ko pa rin na huwag ipahalata sa kan'ya.

"P-p'wede ba tayong textmates?" tanong ni Kio. "Naririnig kita k-kanina. Thank you sa cheer."

I bit my lower lip in guilt. Hindi ko alam na magiging seryoso pala siya sa pinagsasabi ko. Kinuha ko yung papel na nasa kamay n'ya at napilitin ngumiti. Kio smiled at me like a kid finally getting recognized. Mga lalaki talaga eh, hilig ako gawing nanay. Yung isa rito na katabi ko, naka-breast feed pa!

"Busy siya eh," Ryker's arms snakes its way on my waist. "Papagurin ko rin mamaya kaya di ko lang alam kung makapag-reply siya sa 'yo."

"Ryker," sita ko sa kan'ya.

Kio only smiled. "O-okay lang. Maghihintay na lang ako sa reply n'ya."

My lips pulled apart. Sinubukan ko na ngumiti pero kitang-kita ko ang namumuong inis sa mukha ni Ryker. Napailing na lang ako.

"Thank you, Kio," I said, then pulled Ryker by his hand.

Ryker stuck out his tongue at Kio. Tinapakan ko nga sa paa! Ang mapagpatol talaga kahit kailan.

Hindi na ako lumingon pang muli. Pero ramdam ko ang titig ni Kio dahil para itong tumatagos sa balat ko. It felt. . .weird and also invasive for some reason. Hindi ko na lang ito ginawang big deal dahil siguro naman akong huling beses ko na siyang makikita. I wasn't serious with him. . .so I hope he's not that serious with me either.

If Only You Loved Me | ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon