Untitled

23 1 0
                                    

Khalid is my first love. I'm in love with him more than 5 years.

Who wouldn't fall in love with him kung hindi lang ito gwapo, may alam din sa Islam. Nasa kanya na yata ang lahat ng katangian ng good Muslim.

I giggled when I remember how handsome he is.

I always imagining that he is Ali (RA) and I am Fatima (RA). It makes me kilig. Astagfirullah!

Papalabas na sana ako sa kwarto ko ng mapansin kong nasa sala lahat ng pamilya ko, si ummi, abbi, at si ate. Mas nagtaka ako ng makita ko si Khalid kasama ang mga magulang niya. Mukhang seryoso ang pinag-uusapan nila.

What are they doing here? Hinihingi na ba niya ang kamay ko sa mga magulang ko? hala! Papakasalan na niya'ko? He knows I love him, but I didn't know he feels the same way.

Nakangiti akong lumapit sa kanila.

“Assalamualaikum” Salam ko. Naagaw ko ang atensyon nila.

“Waalaikumussalam”

Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. “Ano pong meron?” tanong ko pero na kay Khalid pa rin ang tingin ko. Nag-iwas ito ng tingin. So handsome.

“Anak, maupo ka,” utos ni abi kaya lumapit ako sa tabi ni ummi para maupo. “Khalid and his parents are here para hingin ang kamay ng ate mo.” Nakangiting ani abi.

I froze. The smile on my face faded.

I look at Khalid, nag-iwas ito ng tingin.

“A-Ano po?” my voice broke.

“Alhamdulillah, settled na ang lahat. Sa susunod na linggo ang kasalan.” Ani ng ama ni Khalid. Tumayo ito at nakipagkamayan kay abi.

Namalayan ko nalang na nagpipigil luha akong bumalik sa kwarto ko. Pagkapasok ko, doon ako napahagulgol.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si ate.

“Wallahi, I didn't know. Nagulat din ako, Lai,” anito ng makalapit sa'kin.

“Alam mong mahal ko si Khalid, ate.” I sobbed.

“I'm really sorry, Lai.”

“Tumanggi ka, ate. Umatras ka. Pakiusap, mahal na mahal ko siya.” I begged.

Her tears fell. “I-I'm sorry, Lai. I c-can't. I love him too.” she said almost whisper.

Nagulat ako.

“K-Kailan pa?” I managed to ask.

Umiling ito. “I don't know. A year ago? Lai, hinidi ko sinasadyang mahulog. Patawarin mo'ko”

We both cried. Iyakan lang namin ang maririnig sa kwarto ko

Para akong sinasaksak. Hindi ko alam pero hindi ko kayang magalit sa kanya.

I can't blame her. I understand, but still hurts. I have no choice but to accept that this is already written in Qadar.

They were right, you will never be able to run away from your qadar.

Masyado akong umasang baka kami rin sa huli. And it was my huge mistake.

Compilation of Short Stories Where stories live. Discover now