Never assume, unless stated

17 2 0
                                    

“Inspired kase 'tong si Aisha mag-aral, crush ba naman si Ustadz Omar.” Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Anie.

“Astagfirullah! Baka marinig ka niya,” nahihiyang aniko.

Pero totoo ang sabi ni Anie, I'm in love with ustadz Omar, ilang taon na. Hindi ko alam kung aware ba siya pero alam kong hindi siya manhid at napapansin niya rin ako. Nakakahiya nga e dahil halos lahat ng estudyante sa mahad ay alam ang pagtingin ko kay ustadz.

“Oh anjan na pala ang future zawj mo, Aisha,” my friend giggled.

Halos mamula ako sa sabi ni Anie dahil narinig ito ni Ustadz.

“Assalamualaikum, Aisha.” Nakangiting salam ni ustadz sa'kin. Bago pa'ko makasagot ay nagsalita ang kaibigan ko.

“Ah ustadz nandito rin po ako oh hehe”

“Oh Anie, maaf, hindi kita napansin,” Nakangiti pa ring anito. Napakagwapo talaga.

“Kase naman ustadz nakafocus ka lang kay Aisha—aww!” Napahiyaw ang kaibigan ko ng kurutin ko ang tagiliran nito. Ang daming sabi, nahihiya na'ko. Sigurado akong pulang pula na'ko ngayon.

Ustadz smiled while still looking at me. Napaiwas ako ng tingin dahil nakaramdam ako ng pagkailang.

Ustadz Omar is not that old, he's just 28 years old, while I'm 19. He's teaching us more than 2 years. Unang kita ko palang yata sa lalaking 'to, hulog na'ko. Love at first sight daw ika nga nila.

“Gaya ng sabi ko, magkaiba ang sa Ingles at sa arabic. Kung sa Ingles ay may singular (single) at plural (2 or more), sa arabic naman ay may Mufrad (single/singular), Musanna (2) at Jam-un (3 or more)” Seryosong paliwanag ni Ustadz Omar. Bigla itong napatingin sa akin at ngumiti.

Biglang bumilis tibok ng puso ko. Grabe din siya e, laging nakangiti, porket sunnah. Para siyang nagbibigay ng motibo sa'kin, kaya ako nag a-assume e. Hindi niya ba alam na nakakafitna siya? argh, lower your gaze Aisha. Astagfirullah.

“Hoy Aisha, titig na titig ka na naman kay Ustadz. Paawat ka nga,” biglang ani ng kaibigan kong si Anie. Hindi ko namalayang natapos na pala ang klase namin sa Nahwu at nagsitayuan na sila upang lumabas.

Waktul As'r at uwian na rin. Nagpaalam na ang kaibigan ko habang ako ay naghihintay pa ng sundo. Medyo malayo rin kase ang bahay namin dito sa mahad.

“Mag-asawa ka na kase akh Omar,” napalingon ako sa nagsalita. It was ustadz Maher with ustadz Mohred and ustadz Omar. Kakatapos lang yata nilang magsalah at mukang papunta ito sa idarah/office.

“Hindi naman minamadali yan e. Saka may hinihintay pa'ko,” narinig kong sagot ni ustadz Omar. Ang pakikinig sa usapan ng iba ay hindi maganda, pero hindi ko mapigilan lalo na't tungkol ito sa kay ustadz Omar.

“Nasan na ba ang future zawji mo na yan?”

“Nag-aaral pa e,” nakangiting aniya. Biglang tumibok ng mabilis ang puso ko.

Anong ibig niyang sabihin don? May hinihintay siya? Nag-aaral pa? Tinakpan ko ng unan ang mukha ko para pigilang humiyaw sa kilig. Astagfirullah, nasan ang haya, Aisha.

Mula kase nung umuwi ako ay hindi maalis sa isip ko ang narinig kong usapang yon. Thinking that he's waiting for me makes me giggle. Parang gusto ko na ulit siyang makita. Tuwing sabado at linggo lang kase ang pasok namin sa mahad.

Feeling ko ay napakabagal ng oras mula lunes hanggang byernes, kaya nung nagsabado ay ang aga kong dumating sa mahad. Nakakahiya mang aminin pero excited na talaga akong makita siya.

My excitement faded nang sumapit ang alas dyes ng umaga pero hindi pa rin siya dumadating. Hindi ba siya magtuturo ngayong araw? Hindi naman niya ugaling malate at umabsent e.

Napasimangot ako. Miss ko na siya.

“Mukang hindi magtuturo ang future zawj mo ngayon, Aisha.” Biglang sabi ni Anie. Mas lalo tuloy akong napasimangot.

“Aisha, hindi mo alam?” Biglang bungad ni Jamil, kaklase namin sa arabic na pinsan ni ustadz Omar.

“Hindi alam ang alin?” curious na tanong ko.

“Today is kuya Omar's wedding. Ikakasal na sila ni kaka Aleeyah.”

Parang nag-echo sa tainga ko ang sinabing 'yon ni Jamil. I was stunned to speak.

“Dumating kase si kaka Aleeyah galing abroad nung nakaraan at nung nalaman ni kuya Omar yon ay agad niyang kinausap ang magulang ni—”

“Aisha san ka pupunta?” narinig ko nalang na tawag ni Anie sa'kin. Ni hindi ko na napatapos si Jamil dahil parang nagkusang tumakbo ang paa ko papalayo sa sa kanila.

Ang sakit. Hindi ko alam pero para akong nawalan ng lakas dahil sa balitang yon. Ang luha ko ay halos wala nang tigil sa pagpatak.

What was that? All this time he don't feel the same way pala sa'kin? Ibigsabihin ay hindi pala talaga ako yung hinihintay niya kung hindi si kaka Aleeyah na nag-aral sa ibang bansa?

Ang sakit. Sobrang sakit dahil umasa ako. Lahat pala ng pinakita niya ay walang ibig sabihin, ako lang ang nagbigay ng malisya don? Allahu akbar! Nakalimutan kong ganon pala siya sa lahat. Binigyan ko ng ibig sabihin ang kabutihan niya.

Mas lalo akong napaiyak. Walang kami at hindi naging kami, pero yung sakit ay parang ikakadurog ko na. He didn't give me a false hope, ako ang kusang umasa.

Napahawak ako sa puso ko. Grabeng qadar naman 'to, napakasakit. Sabi nila ‘the best dua win’ and  I guess, I lost.

One thing I learned is, never assume unless stated.

Compilation of Short Stories Where stories live. Discover now