Untitled

13 2 0
                                    

“Papakasalan kita,” Fahad said and looked into my eyes. “Pangako.” I nodded.

That was 2 weeks ago. I always choose to believe him, because I trust him. I know we love each other, pero we want halal relationship, kaya wala akong choice kundi ang maghintay.

Tapos na'kong magsalah ng salahtul As'r. I was about to open my social media account when my bunsong kapatid call me.

“Kaka, halika ka raw sa sala”

Hindi na'ko sumagot o nagtanong pa dahil lumabas nalang ako agad. Siguro ay may iuutos lang.

I was shocked when I saw Fahad with his parents, talking with my parents.

“Oh Dijjah, nanjan ka na pala. Maupo ka sa tabi ni abi mo” ani umi.

I obeyed her at naupo sa tabi ni abi. I looked at Fahad, he's smiling so I smile back.

“This young man wanted to marry you, Khadijah. He's a good man,” abi said.

“I know abi.” I stated.

“You know?” I nodded. “Aba e wala na palang mahabang usapan dahil pumapayag ang anak namin,”

Hindi maalis ang ngiti namin ni Fahad. Ito na yung pinakahihintay namin pareho. Alhamdulillah, finally.

“So the wedding will be 2 months from now,” it's Fahad's father.

“B-Bakit po parang ang tagal naman yata,” I asked.

They laughed kaya namula ako.

“Dijjah, I want our wedding to be special. Hindi ba't gusto mo ng unforgettable wedding? It's your dream right?” ani Fahad.

He's right. Pinangarap ko talagang magkaroon ng bongga at engrandeng kasal, pero tila nagbago yon. Kahit simpleng kasal lang basta siya ang groom ko, ok na sa'kin. It's more than enough.

Na-settle ang kasal namin. Napagkasunduang 1 month from now nalang daw dahil feeling nila ay atat ako. Hiyang hiya pa'ko don e.

Kahit na may usapan nang kasalan sa'min ni Fahad, hindi pa rin kami pwedeng magkita o mag-usap o mag-date dahil hindi pa rin kami kasal, hindi pa halal.

Pero kahit ganon, lagi siyang pumupunta sa bahay after fajr prayer para hatiran ako ng paborito kong pandesal. Sobrang effort niya talaga.

Ang bilis ng oras, ilang araw na lang ikakasal na kami. Magkahalong kaba at excitement ang nararamdaman ko.

Tapos na ang fajr prayer, hindi ako nakapagsalah dahil may bisita ako. Pero nagising pa rin ako ng maaga dahil aabangan ko si Fahad. Alam kong maghahatid ulit siya ngayon ng pandesal gaya ng nakasanayan.

Naiinip na'ko, alas syete na ng umaga, wala pa rin siya. Ni hindi man lang nagtext.

I decided to call him. Nakailang ring na, wala pa ring sumasagot. Medyo nakaramdam na'ko ng inis pero pinili kong kumalma. Baka may ginagawa lang.

After nth times of calling, finally nasagot na rin ang tawag ko.

“Assalamualaikum. Bakit ngayon mo lang sinagot? bakit hindi ka nakapunta? Busy ka ba? anong ginagawa mo?” sunod sunod na tanong ang bungad ko sa kanya.

“A-Ate...” nagtaka ako dahil hindi si Fahad ang sumagot kundi ang kapatid niyang babae. I know her voice.

“Hana? oh nasan ang kuya mo?”

“Ate si kuya,” anito, halatang umiiyak.

Kinabahan ako.

“Anong nangyare sa kuya mo? Nasan siya? Hello? Hana? nanjan ka pa? Hello?” medyo napataas na ang boses ko dahil hindi ito agad sumasagot. Kinakabahan na talaga ako.

“A-ate, w-wala na si kuya ko.” she sobbed.

I froze. Parang nanghina ang mga tuhod ko sa sinabi niya.

“Naaksidente po siya kanina habang papunta sa inyo—” hindi ko na natapos pakinggan ang sinasabi niya dahil nabitawan ko ang hawak kong cellphone kasabay ng sunod-sunod na pagpatak ng mga luha ko.

Napaluhod ako dahil sa panghihina.

Napahagulgol na rin ako.

“N-No, hindi pa siya patay. H-Hindi.” I said.

“Dijjah? Anong nangyayare sayo? Bakit ka umiiyak jan?” it was umi.

“U-Umi, si Fahad po w-wala na raw po—” I stop. Para akong sinasaksak. Ang sakit.

Umi hugged me.

Ang sakit sakit. He promised to marry me, in fact, ilang araw na lang ay ikakasal na kami. Pero bakit? Allahu akbar, grabeng qadar 'to. I know everything happens for a reason, pero sobrang sakit. Hindi pa nga siya napapasa'kin pero kinuha na agad siya.

I've never felt this feeling before. it hurts a lot.

Compilation of Short Stories Where stories live. Discover now