I'm in love with him since I was in college, and I love him more than he knows. Pero kasalungat ng nararamdaman ko ang nararamdaman niya. He don't love me, he never did.
We're 3 months married now. He don't want this marriage at all, ako lang ang may gusto. Our parents are bestfriends, so they decided to make an arrange marriage.
Nung nalaman kong ikakasal ako sa kanya, I was so happy, because finally, the love of my life will be my husband soon.
“Wag kang mag-expect na magkakasundo tayo. I don't want this marriage. Napilitan lang ako dahil pinakiusapan ako ng mga magulang ko. Tandaan mo, may mahal akong iba.” malamig na anito.
That was the exact words he said to me after our nikkah. Yes, he has a girlfriend, pero hindi yon gusto ng mga magulang niya dahil non-muslim ito.
I always make dua that may Allah forgive and guide him. I always cry asking if am I not enough? Hindi ba'ko worth it? He never treat me right.
It's already midnight nung magising ako. I decided to go out para uminom, pero napatigil ako ng mapadaan ako sa kwarto kung saan natutulog ang asawa ko. kahit kase mag asawa na kami ay hindi kami tabing matulog.
“Ya Rab, you know how much I love Zari. Heal her and please make her good for me, guide her to you, make her a Muslim for me to able to marry her at para matanggap na siya ng mga magulang ko.” I heard him making dua.
Hindi ko namalayang tumutulo na pala ang luha ko. Ang sakit palang marinig ang mahal mong pinagdudu'a ang taong mahal niya. He performed tahajjud for the love of his life.
Akala ko wala nang mas sasakit pa sa harap-harapan niyang pagsabing hindi niya'ko mahal, pero mas masakit palang yung pinagdudu'a ko siya, pero iba ang pinagdudu'a niya. Ako yung nandito, pero iba ang hanap niya. He tell Allah about her, kaya hindi ko maiwasang mainggit at magselos.
“Dahil sayo kung bakit nasasaktan ngayon ang mahal ko. Dahil sayo. Tandaan mo, I will never reciprocate your feelings.”
Hindi ko alam kung bakit niya ako sinisisi. Ang sakit sa qalb, Ya Rab. Siya pa rin ang inaalala niya. Nasasaktan din naman ako, pero ni hindi niya'ko tinanong kung ayos lang ba'ko.
How many times do I have to cry so he can realize that he's hurting me? Is this really my qadar? Sabi nila, du'a can change it, pero bakit feeling ko hindi yon applicable sa one sided love?
Napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang sakit, nahihirapan akong huminga. Nanghihina akong bumalik sa kwarto ko. Pagsapit ng salahtul fajr ay nagsalah ako. Doon ko iniyak lahat ng sakit.
Mula nung gabing narinig ko siyang pinagdudu'a si Zari, ang babaeng mahal niya ay iniwasan ko na siya. Ni hindi ko na siya kayang tingnan dahil nasasaktan ako. Tuwing natatapos akong magluto para sa amin ay mauuna akong kakain at magkukulong ulit sa kwarto ko.
“Wait for me, sabay tayong kakain.” anito na ikinagulat ko. Hindi na ako nagsalita at tumango na lang.
“You cooked good, as always.” Napatingin ako sa kanya dahil sa sinabi niya pero agad din akong nag iwas ng tingin.
I smiled secretly. Sabi nila, the best way to get to man's heart is through his stomach. And Alhamdulillah, he liked what I've cooked. Sa tatlong buwan naming pagsasama, ngayon lang niya ako kinausap ng maayos.
Ang rupok ko talaga. Dahil lang sa compliment niya ay nakalimutan kong nasasaktan pala ako dahil sa kanya.
Mula noon ay pansin ko ang pagbabago niya. Hindi ko alam pero parang unti-unting nasisira ang pader sa pagitan namin. Naging mabait siya sa'kin, kinakausap na rin niya ako hindi gaya nung dati.