Untitled

44 1 0
                                    


"Hindi ka ba nanghihinayang na maaga tayong kinasal?" tanong ko sa asawa ko.

"Ano ka ba, Rashid? Anong klaseng tanong yan? Syempre hindi. In fact I'm thankful kase we didn't enter to that haram relationship. You pursued me in a halal way." she said smiling.

Napangiti ako. Ang genuine niya talaga.

"Saka isa pa, hindi naman naging hadlang ang pagiging mag-asawa natin para tuparin ang pangarap natin, di ba?"

I nodded smiling. Yes, she's right. Third year college kami nung kinasal kami. Hindi tutol ang mga magulang namin dahil mas mainam daw yon para umiwas sa fitna. And Alhamdulillah, i married the woman I love the most.

"Kapag naging ganap na pulis na'ko, sayo ako unang sasaludo."

"Naku, bolero ka talaga."

"Hindi, pangako ko yan, ya zawji." I said and kissed her hand.

"Talaga lang ha! Kapag sa ibang babae ka sumaludo, puputulin ko talaga yang magkabilang kamay mo." she threatened me. Imbes na kabahan ay natawa pa'ko.

Months had passed, Alhamdulillah isa na nga akong ganap na pulis.

"Rashid, wag mo na siyang puntahan, mas lalo ka lang mahihirapan-"

"Umi, hayaan niyo na po ako. Hindi rin naman po ako magtatagal. Gusto ko lang pong tuparin 'yong pangako ko sa kanya." I said to my umi and gave her a sad smile.

Nakangiti kong tinahak ang daan papunta sa kanya.

"Assalamulaiki, ya zawjati..." salam ko pagdating sa kanya.

"Ya zawjati, I'm here now. Why are you not responding to my salam?" I asked.

"Gaya ng pangako ko, sayo ako unang sasaludo kapag pulis na'ko. Alhamdulillah, ganap na nga akong pulis."

Sumaludo ako. "Mahal na mahal kita, Haira"

And with that, I broke down on her grave. I still can't accept the fact that she already left me. She died because of the car accident last month.

I blamed myself dahil kung inayos ko sana ang pagmamaneho ko sa araw na 'yon, hindi kami maaaksidente.

Galit ako dahil imbes na dapat ako yung nawala, siya pa ang napuruhan at... namatay. My future Licensed Professional Teacher is gone now.

My umi said not go here because she knows I'll break down here, but I just want to fulfill my promise to her... ang saluduhan siya bilang isang ganap na pulis.

"I fulfilled my promise now, my zawji. May we reunite in jannah, Insha'Allah. I love you so much for the sake of Allah."

Compilation of Short Stories Where stories live. Discover now