The man in my dream

12 1 0
                                    

He's tall, handsome with long hair, maputi, pero blur ang mukha.

Napatawa ako sa blur ang mukha. Pero totoo, I only see him in my dreams. That's why I love sleeping para lagi ko siyang makita. Although I'm not a lucid dreamer, pero ewan ko ba, parang totoo yung nangyayare sa panaginip ko.

In my dream, he's sweet to me, gentle, humble, and generous. He treats me like his queen. I know it's weird but I don't care, I think I fell in love with him.

“Jamila, lagi ka nalang natutulog, ni hindi ka na nagsasalah” bulyaw ni umi paggising ko. Napatingin ako sa orasan sa cellphone ko, it's already 3 in the afternoon.

“Umi, inaantok pa'ko.”

“Allahu Akbar, kagigising mo lang. Magsalah ka na muna,”

Imbis na pakinggan si Umi ay bumalik ako sa pagtulog, umaasang baka mapanaginipan ko ulit siya.

“Mahal kita. Mahal mo ba ako?”

“Oo naman, mahal din kita.” nakangiting sagot ko.

“Gusto kitang pakasalan, Jamila. Sumama ka sa'kin at magpakasal tayo.” anito sa'kin habang nakahawak sa magkabilang pisngi ko.

Napangiti ako. Thinking that my love wants to marry me makes me feel the butterfly on my stomach.

Magsasalita na sana ako para umoo sa kanya kaso...

“Allahu Akbar Allahu Akbar!”

Nagising ako dahil sa tunog ng adhan sa mosque. Maghrib prayer na pala kaya bumangon ako para mag-wudu.

“Waladdālin... ameen” I whispered.

“ameen”

I heard someone say Ameen. Para akong kinilabutan dahil sa tabi mismo ito ng tainga ko, parang binulong.

Winalang bahala ko na lang dahil baka pinagti-tripan na naman ako ni Jihad, ang kapatid ko.

“Assalamu Alaikum Wa Rahmatullah”

“Assalamu Alaikum Wa Rahmatullah” ulit na naman ni Jihad. Kaya pagkasalam na pagkasalam ko ay nilingon ko siya agad.

“Hoy Jihad—” I stop when I didn't see him. Walang tao dito.

Napalingon ako sa pintuan ko at doon narealize na nilock ko nga pala 'to kaya imposibleng makapasok si Jihad dito sa kwarto ko.

Kinilabutan ako kaya napa-“Astagfirullah” ako. I recite ayatul kursi para mawala ang takot ko.

Pagkalabas ko sa kwarto ay nabanggit ko yon kay umi at abi.

“It's Jinn,” sabi ni abi na parang wala lang. “There are two kind of Jinn. The good and bad. Yung bad ay yang yung sinasabi nilang demonyo.” paliwanag ni abi.

“Ibigsabihin po, yung lalaking sumama sa pagsalah ko ay posibleng good jinn?” tanong ko.

“Posible,”

“Ayan na kase ang sinasabi ko. Ikaw Jamila minsan ka nalang nagsasalah dahil lagi kang natutulog. Jinns want naughty girls.”

Kinabahan ako sa sinabi ni umi. Am I being naughty? Astagfirullah.

“Hanapan niyo na kase ng mapapangasawa si ate, yung magtuturo sa kanya kung pa'no maging mabuting muslima.” Jihad suddenly said. Tiningnan ko ito ng masama.

“Tama, nasa tamang edad ka naman na.” Pagsang-ayon naman ni umi.

Hindi ako halos makapagsalita dahil pinagtulungan nila ako. I looked at abi to ask help pero maging siya ay gusto ring mag asawa na'ko.

Pwede naman na, alam ko rin namang makakabuti sa'kin. Pero hindi ko alam kung bakit tila ayoko, dahil ba sa lalaking nasa panaginip ko? Allahu akbar, hindi na yata tama 'to.

After what happened, I didn't skip salah. At nakakapagtakang hindi ko na rin siya napapanaginipan. I can't deny that I feel sad, I miss him.

One night while sleeping, napanaginipan ko ulit siya. But this time, parang nagbago siya, he's mad at me.

“Sabi mo ay mahal mo ako, bakit mo ako iniwan?” tanong nito. Ang dating parang kumikinang na mata niya ay nawala at mapalitan ng tinging galit na galit. Pula ito, nakakatakot.

“Sumama ka sa'kin Jamila.” anito at hinawakan ang kamay ko. Ramdam ko ang sakit ng pagkakahawak niya rito kaya napaaray ako.

Anong ibig niyang sabihin? Bakit parang alam niya ang napag usapan namin nila abi nung nakaraan, yung tungkol sa gusto nilang mag asawa na'ko.

“Bitawan mo'ko!” Napasigaw ako.

“Hindi. Sasama ka sa'kin. Akin ka lang, Jamila. Sa akin ka magpapakasal.” Ang dating sweet at gentle ay wala na. He's hurting me right now... physically.

Naiiyak akong kumakawala sa pagkakahawak niya. Hindi ko kaya, masyado siyang malakas.

Gusto kong gumising pero hindi ko magawa. Ginagapos ako nito, para akong hindi makagalaw.

Nawalan ako ng pag asang makawala.

“Astagfirullah, Ya Rab, help me.” I uttered. “Allahu Akbar! Lailaha illallah” sigaw ko.

“Subhanallah! Jamila gumising ka.”

Namulat ko ang mga mata ko ng marinig si umi. She's crying. Habol ang hininga at umiiyak ko siyang tiningnan.

I hugged her. I'm so scared. Hindi ko napansing nandito rin pala si abi at Jihad.

Abi touch my right arm.

“Inaangkin ka niya.” anito habang nakatingin pa rin sa kamay ko.

Tiningnan ko ito at kita ko ang parang marka nito. Naalala kong ginapos pala niya ako.

Allahu akbar, what just happened?

“I've been dreaming him for almost a month po, hindi naman po siya marahas sa'kin dati.”

“Auzubillah! That Jinn likes you, Jamila. Sigurado akong siya rin yung narinig mo dati.”

Kumalabog ang dibdib ko sa sinabi ni abi.

At doon ko napagtanto lahat. He likes me because I was naughty. But when I back to pray, hindi ko na ulit siya napanaginipan. Gusto niya akong angkinin kaya ganon siya. Narealize kong nagselos siya.

Napaiyak ako. Auzubillah, all this time he's a Jinn pala. I fell in love with a Jinn.

“I'll ask imaam Khari for some advice about this.” Abi said before stand up. “Jamila, sa kila anti mo Noraida ka muna.”

After what happened, nahihirapan na akong matulog tuwing gabi. Namayat ako't mukhang maputla. Natatakot akong balikan niya ulit ako. I almost got depression. Nagkaroon din ako ng anxiety.

I asked Allah for help. I trust Him, alam kong hindi niya ako papabayaan. I do ablution before I sleep and read ayatul kursi and other surah

Months later, pinakasal ako sa isang ustadz.  Hindi na ako tumutol pa dahil mas mabuti 'yon. Alhamdulillah dahil mula noon ay naging maayos ako. Bumalik ako sa dating Jamila na malusog. Me and my husband worship Allah together. I thank Allah for sending him to me.

Don't underestimate Jinns. Adjust yourself from the naughty girl to a good one because jinns prefer naughty.

If ever that I marry that Jinn, I will never be able to marry someone and live in peace.

Compilation of Short Stories Where stories live. Discover now