“Heria, will you marry me?” Hakim asked me.
“Hakim, kung gusto mo talaga akong pakasalan, harapin mo ang mga magulang ko.” Matapang na aniko dito. Kita kong natigilan siya. I knew it, hindi niya kaya.
“Kung hindi mo kaya, I'm sorry but I can't marry you.” I said firmly before I left him speechless.
I love him since then, at matagal kong pinagdua na pakasalan na niya'ko, pero hindi sa ganitong paraan. I can't settle for this kind of proposal. I want him to face my parents.
I was hurt when tomorrow came but there's no Hakim na pumunta sa bahay. Hindi nga niya talaga siguro kaya.
I was about to enter my room when I heard a salam from a familiar voice.
“Assalamualaikum,”
“W-Waalaikussalam... Hakim,”
“Nasan si Tito Sulaiman at Anti Mariam?” He asked. I'm confused.
Sasagutin ko na sana ang tanong niya ng biglang sumulpot si abi at umi kung saan.
“Oh Hakim, napadaan ka?” abi asked.
“Maupo ka, hijo,” my mother offered him. “Heria, ipagtimpla mo kami ng kape,”
“O-Opo,” I obeyed her.
Agad akong nagtungo sa kusina para magtimpla ng kape.
Minutes later, I finished what I'm doing at agad ko itong nilapag sa mesa kung saan nag-uusap si umi, abi, at Hakim.
“I already told my parents about this, Tito. And Alhamdulillah, they support me” ani Hakim.
“Alhamdulillah kung ganon. Wala tayong problema.” si abi. “Anak, maupo ka dito,” sumunod naman ako.
I'm still clueless.
“Gusto ko ang tapang nitong si Hakim para hingin ang kamay mo sa'min para pakasalan. Anong masasabi mo?”
I was shocked. Napatingin ako kay Hakim na nakangiti lang.
Binalik ko ang tingin ko kay abi at umi at ngumiti. “Pumapayag po ako,”
I was so happy, finally the love of my life is soon to be my husband.
Time flies so fast, tomorrow will be our wedding. Everything was settled.
Lumabas ako ng kwarto ko para magsagawa ng wuduh pero nagtaka akong nandito ang mga magulang ni Hakim.
“Ano pong meron?” tanong ko na ikinaagaw ng atensyon nila.
Napakunot ang noo ko ng mapansing umiiyak sila. Kinabahan ako.
“Anak, hindi na matutuloy ang kasal niyo,”
“Ha? B-Bakit po?” I asked with teary eyes.
“Kase anak, si Hakim...” Hindi matuloy ni Tita Sumaiya ang pagsasalita kaya si Umi ang tumuloy nito.
“Si Hakim, nabaril. Wala ma siya anak,”
“H-Hindi...” Nanginig ako sa balitang natanggap ko. Ang mga luha sa'king mga mata ay wala nang tigil sa pagpatak. Hindi ko napiglang mapahagulgol.
“Heria! Heria gising!”
Nagising ako sa kamay na yumuyugyog sa'kin.
“Huy nananaginip ka,” Napatingin ako sa nagsalita, it was my cousin.
Panaginip? Allahu akbar.
“Bakit ka naiyak? Binangungot ka? Hindi ka ba magdua bago matulog?”
Hindi ako makapagsalita. So it was just a dream? A nightmare. Napaiyak ako lalo.
“Huy bakit ka umiiyak?” tanong pa rin ng pinsan ko.
I sobbed. “Far, kase ano...” I sniffed.
“Ano? parang tanga naman 'to, pabitin.”
“Kase namatay daw si Hakim?” Aniko at mas lalo pang naiyak.
“Ha? Sinong Hakim?”
“Yung mapapangasawa ko—aray!” napaaray ako ng batukan niya'ko.
“Ano bang problema mo? Bakit ka nambabatok? Sakit non a” reklamo ko. Tiningnan ako nito ng masama.
“Subhanallah! Sobrang oa mo. Best in oa. Mapapangasawa? Eh ni jowa nga wala ka. Hoy single ka, SINGLE!” anito.
Napasimangot ako. Porket single hindi na pwedeng mag-emote? Grabe siya, ang sama. E sa nasaktan ako masyado sa panaginip ko e, akala ko totoo.
Kapag talaga may pumunta sa bahay para hingin kamay ko, sa araw din na yon mismo yung kasal namin, nakakatakot, baka di pa matuloy edi ang aga kong mabyuda? Allahu akbar, wag naman sana.