“Umi, kahit motor lang,”
“Bagong cellphone akin Umi,”
Tiningnan ko si ate Hida at kuya Morsid na kausap ngayon si Umi sa video call.
“Sige, mga wata ko, Insha'Allah.” sabi ni Umi. “Ikaw Ayah, anong gusto mo?”
“Baka gusto ng bagong dress Umi,” sagot ni ate Hida sa tanong ni Umi sa'kin.
Umiling ako. “Hindi po Umi, ok pa naman po yung mga gamit ko e.” aniko.
My mother is an OFW for almost 4 years. At sa loob ng apat na taon na yon ay hindi pa siya umuuwi sa Pilipinas. Naiintindihan ko naman kung bakit, siya nalang kase ang bumubuhay at sumusuporta sa aming magkakapatid dahil limang taon naring wala si abi.
Naaawa na ako kay umi. Alam kong hindi siya nagpapakasaya sa ibang bansa. Alam kong halos dugo na ang pawis niya sa paghahanap buhay, kaya hindi ko maintindihan kung bakit parang kung ano-anong hinihingi nila ate at kuya samantalang mas dapat iuna ang mga needs namin.
Hindi ko sila kayang sabihan dahil ‘bunso lang’ daw ako. Parang bawal bomoses kapag bunso ka lang, para kang walang karapatan.
“Umi, kailan ka po uuwi?” tanong ko sa kanya.
Malungkot na ngumiti si Umi. “Hindi ko pa alam Ayah, kulang pa ang ipon ko para umuwi dyan,” anito.
I feel sad. Kung sana ay may trabaho lang ako ay matutulungan ko sana si Umi at hindi na niya kakailanganing magtrabaho. Ang kaso ay wala rin akong kaya. Kaya pinapangako ko na magtatapos akong mag-aral dahil gusto ko pang suklian ang mga sakripisyo niya para sa'kin, Insha'Allah.
“Graduation ko na po next year Umi, grade 12. Uwi po kayo para umattend Umi, kahit yon nalang po yung regalo niyo sa'kin,” pakiusap ko.
“Ayah, narinig mo naman si umi diba? hindi pa siya makakauwi dahil kulang pa ang ipon niya,” Ani ate Hida.
“Eh papaano naman kase makakaipon si umi, kung ano-anong hinihingi niyo sa kanya. Ok pa naman yung cellphone mo pero gusto mong bumili ng bago—”
“Ayah, wag kang sumigaw” saway ni kuya. Hindi ko namalayang pasigaw pala akong nagsasalita. Astagfirullah
“Ayah, Hida, wag kayong mag-away. Magkapatid kayo, dapat ay magkasundo kayo palagi.” si Umi.
“Ang yabang kase nitong bunso niyo Umi,”
Hindi nalang ako nagsalita dahil naiiyak ako. May sinabi pa si Umi, pinangaralan kami, pagkatapos ay nagpaalam na dahil may gagawin pa raw ito.
Dati pa man ay hindi na kami magkasundo ni ate, pero ako ang laging nagpapakumbaba dahil panganay siya, ako naman ay bunso lang, wala akong choice.
Miss na miss ko na si Umi. Nung graduation ko ng grade 6 sa arabic school ay wala siya, wala rin siya nung gumgraduate ako ng grade 10 sa school. Kaya pinagdu-du'a ko talaga na sana ay this time, umuwi siya, kahit isang buwan lang siyang mag-stay.
I studied hard. Ayokong mawala sa with honor. Kahit ito lang ang maibigay ko kay umi, alam kong magiging sobrang proud siya sa'kin.
“Kamusta ang pinakamaganda kong bunso?” nakangiting tanong ni Umi sa video call namin. Good thing wala sina ate at kuya dahil paniguradong hindi na naman ako nakakasingit na kausapin si umi.
“Alhamdullah umi, I'm doing good po. Kayo po dyan, kamusta? Baka po magkasakit na kayo dahil sa pagod a?”
She smiled. “Wag mo akong alalahanin dito, malakas si Umi mo, wata ko.”
Tinitigan ko siya. Halatang wala siyang sapat na tulog. Napakunot ang noo ko ng mapansing parang may pasa sa bandang labi niya.
“Umi, ano pong nangyare sa labi niyo?” Halatang gulat siya sa tanong ko. “Umi, sinasaktan po ba kayo ng amo niyo?” medyo inis na tanong ko.
“Huh? H-Hindi hindi, wala 'to Ayah. Sige na, tawag nalang ako ulit a? May gagawin pa si Umi mo. Paki kamusta nalang ako sa mga kapatid mo. Mahal ko kayo,” Paalam ni Umi.
Magsasalita pa sana ako pero namatay na ang tawag. Nakaramdam ako ng inis at pag-aalala. Inis dahil feeling ko ay hindi maganda ang trato ng amo niya sa kanya, at pag-aalala na posibleng mangyare kay umi.
I always pray for my Umi's safety. She's my number one priority in my prayer. Pinagpray ko rin na sana ay umuwi na siya sa graduation ko.
Dalawang buwan ang lumipas mula nung huling tawag namin ni Umi. Miss na miss ko na naman siya. Today is our graduation. Gagraduate akong with high honor. Sobrang saya ko dahil hindi nasayang ang sipag ko sa pagsusunog ng kilay.
Naiiyak na umakyat ako sa entablado. Kung nandito lang sana si Umi ay siya ang sponsor ko. Siya sana ang magsasabit ng medalya sa leeg ko.
Naiingit ako sa mga kasama kong kasama ang kanilang mga magulang. Gusto kong umiyak pero nakakahiya.
“Ayah, narinig ko kay anti Fahima na uuwi raw si Umi mo,” nagulat ako sa sinabi ni Amirah, second cousin ko.
“Talaga?”
“Oo, dinig ko lang naman,”
Dahil sa sinabi niya ay pagkatapos ng program namin ay agad na akong umuwi. I'm so excited to see my umi. Sukran Ya Allah for answering my prayer.
Malayo palang ay natanaw ko na ang mga tao sa bahay. Tingin ko ay nakikichicka na rin kay umi. Friendly kase talaga yon siya.
Nakangiti akong tumakbo papasok sa bahay.
“Makikiraan po,” siksik ko dahil masyado siyang nagsiksikan sa pintuan banda.
“Umi? Umi ko—” natigilan ako nang makita sina ate, kuya, Lola, at mga kapatid ni Umi na umiiyak. Napakunot ang noo ko.
Halos matumba ako sa kinatatayuan ko ng makita si Umi.
“U-Umi... Umi ko!!” Sigaw ko at halos gapangin ang kinalalagyan niya.
Ang Umi ko, nakahiga, wala nang buhay.
“aahh Umi ko! Allahu akbar Yah Allah, si Umi ko!”
Ni hindi ko nahubad ang suot kong toga. Yakap yakap ko si uming wala ng buhay, may mga pasa ang mukha.
Halos magwala ako kaiiyak. Hindi ko alam ang gagawin ko. Para akong mamamatay sa sobrang sakit.
“Umi ko, sana hindi ka nalang po munang umuwi kung... kung bangkay ka nalang.” napahikbi ako lalo. “Umi ko, ang hiling ko po ay umuwi kayong ligtas, pero Umi, bakit niyo po ako iniwan?”
Hindi ko mapaliwanag kung gaano kasakit ang nararamdaman ko ngayon. Sinabi ni anti Wara na inaabuso nga raw siya ng amo niya sa ibang bansa. Hindi raw siya nasuswelduhan ng maayos at kapag magrereklamo si Umi, sinasaktan siya nito.
Ilang taon akong nananabik na makasama si umi. Ilang taon akong naghintay at nagdu'a na umuwi na siya. Pero hindi ko naman naisip na wala na siyang buhay na uuwi. Na bangkay na lang ang uuwi sa bahay namin.
Ya Rabb, ang dami ko pang pangarap para kay umi. Hindi ko na alam kung paano ako magsisimula ngayon.
Patawarin nawa ako ng Allah pero sinusumpa kong hindi tanggapin sa paraiso ang sino mang may gawa nito kay umi, kahit dumugo pa ang noo niya sa pagsujood sa Allah. Astagfirullah for saying it, pero sobrang sakit sa parte namin.
Allahu akbar! Ya Allah, grant my mother the highest rank in jannah.
Alam kong isa ito sa pagsubok ng Allah, pero sobrang sakit. Hindi kaya ngsabr ko, pero wala akong choice kundi ang tanggapin ang qadar na ito.