Untitled

34 1 0
                                    


“Mahal, gusto ko kapag kinasal tayo, yung simpleng nikkah lang.”

“Mahal, gusto ko yung bahay natin may mga puno sa bakuran para hindi mainit.”

“Mahal, gusto ko sabay tayong maging successful.”

“Mahal, ipakilala mo na'ko sa mga magulang mo.”

“Mahal, kapag handa ka na, pakasalan mo 'ko a?”

“Mahal, mahal na mahal kita.”

“Mahal...”

I was always like that. We already planned our future. Siya lang yung lalaking nakikita ko sa future ko. Siya ang gusto kong mapangasawa, makasama habang buhay, fid dunya wal akhira.

Lagi naman niya akong binibigyan ng assurance. Walang problema sa relasyon namin dahil pareho naming mahal ang isa't isa. Kailan man ay hindi siya nagkulang sa'kin.

“Qais, what if maghiwalay tayo? What if hindi pala ako yung qadar mo?” Hindi ko mapigilang tanong sa kanya. Kahit kase walang problema ay bigla-bigla nalang akong nag o-overthink.

“Hindi ako papayag. Ikaw ang gusto kong pakasalan. Ikaw lang,” he answered.

Dumating na rin ako sa puntong kung hindi siya, wag na lang. Masyadong malalim ang pagmamahal ko sa kanya.

“Kung ganon, pakasalan mo na'ko. Let's make this halal.” I demand.

Pansin kong natigilan siya at nagbago ang expression sa mukha niya. “Mahal, gustuhin ko man pero hindi pa pwede. May gusto pa'kong patunayan sa magulang ko.”

I understand. Hindi ako pwedeng maging makasarili. Pero naisip ko, if he truly love me, ilalayo niya'ko sa ganitong haram. If he loves me, he would care about my akhira. I'm overthinking again. Am I not worth to risk? O masyado lang akong nagdedemand sa kanya. Nasasaktan ako tuwing naiisip kong nagsettle ako sa ganitong unhalal relationship dahil lang sa pagmamahal. Sana ay mapatawad ako ng Allah sa kasalanang ito.

3 years had passed.

I became a better muslimah. It's been 3 years and I'm still in love with the man I met 7 years ago. It's always been him. I still love him for the sake of Allah.

Alhamdulillah, he fulfilled his promises. Alam kong masaya na siya ngayon. He never broke his promises, tinupad niya lahat... ang kaso ay sa ibang babae na, hindi sa akin. Lahat ng plano namin dati ay sa iba niya tinupad. Sobrang sakit, pero wala akong magagawa. This is qadarallah.

We broke up just because I demand marriage to him. I was tired settling to that kind of relationship. I realized he don't really love me because he keeps me to that zina.

Never ever commit to unhalal relationship. Allah warned it was haram for a reason. It just causing heartache.

Our break up bacame the way for me to find Allah. And Alhamdulillah, He guided me.

I was lost, but guided.

[and He found you lost and guided you Qur’an 93:07]

Compilation of Short Stories Where stories live. Discover now