Untitled

2 0 0
                                    

3 years ago when I met her. She's a non-muslim, but I still fell in love with her.

Mahigit dalawang taon na kaming magkarelasyon. Alam kong mali dahil bukod sa bawal pumasok sa isang relasyon ang mga Muslim, hindi rin pwedeng magmahal ng hindi mo kapareho ng pananampalataya.

Pero mahal na mahal ko siya, at naniniwala akong kaya ko siyang dalhin sa relihiyon ko dahil alam kong mahal niya rin ako.

“Gaano mo ako kamahal, Jilal?” tanong nito sa'kin, seryosong nakatitig sa mga mata ko na para bang binabasa ito.

I smiled and answered, “Mahal kita higit pa sa salitang mahal kita.”

She smiled and hugged me.

“Ikaw, Caela, gaano mo ako kamahal?” balik na tanong ko sa kanya.

“Hmm mahal kita higit pa sa pagmamahal mo sa'kin.”

Dahil sa sagot niya ay napangiti ako. Yes, we genuinely love each other... and I hope it last.

She was about to kiss me, pero tinulak ko ito ng marahan.

Hinawakan ko ang magkabilang pisnge niya at hinalikan ang noo nito.

She pouted.

“Papakasalan kita, Caela. Pero kailangan mo munang maging isang muslim bago ko magawa yon.” I said sincerely. “You have to seek guidance, and I believe that He, Allah (SWT) will guide you.”

She agreed with what I've just said. Doon palang ay alam ko nang mahal na mahal nga niya ako, at alam kong mamahalin niya rin ang relihiyong Islam ng higip pa. Pero sabi nito, bigyan ko raw siya ng time at space. Naiintindihan ko naman dahil hindi rin madali ang pagco-convert sa Muslim. The niyyat, or the intention is the most important. Hindi naman naman kase pwedeng kaya lang siya nagpaconvert ay dahil sa'kin.

It's been a week since I told her that we should cut our communication, temporary. Ayaw niya pero wala siyang nagawa. Pinaliwanag ko naman sa kanya kung bakit. I told her that what we are doing is wrong, and I guess she understood dahil hindi na ito kumontra. I also told her that I trust her and she should trust me, too.

It's almost a month, I wonder how is she, but I know she's doing good.

I always pray that Allah (SWT) will guide her to the right path. I also pray that He will make it easier for us to reunite in halal way.

I don't usually pray Istikara, but I feel like this time, I need to pray for ask guidance.

“Ya rabb, I love her so much, you know that. If she is good for me in this dunya wal akhira, and if she's the one for me, make it easy for us to marry each other. But if she is not, please separate us and remove our feelings to each other. Separate us even if it's hurt.”

Saying the last sentence in my du'a makes my heart hurt. Ni hindi ko kayang isipin yon.

It's been 9 months and I decided to visit her in their house. Sapat na siguro ang time na binigay ko sa kanya. I hope she found Allah this time.

Pagdating ko ay agad akong kumatok sa gate nila. Mga limang minuto ang lumipas bago may bumukas.

Si Caela ang bumukas nito. Kita sa mukha niya ang gulat nang makita ako.

“Hi!” I greeted her with smile. “Assalamualaikum”

“Anong... anong ginagawa mo dito?” kunot noong tanong niya.

“Bakit wala kang suot na hijab?” tanong ko imbes na sagutin ang tanong niya.

“Ela, sino ba yan?” tanong nang kung sino.

“Jilal umalis ka na,” aniya at sinubukang isara ang gate nila, pero pinigilan ko ito.

“Bakit? May problema ba?”

“Ela, pumasok ka na, papasukin mo na rin yang bisita mo,” the guy said. “Masyadong mainit, buntis ka pa naman.”

Parang nagpintig ang tenga ko sa sinabi niyang yon. Kusang bumaba ang tingin ko sa tiyan niyang may umbok na.

“I-Ilang buwan?” I managed to ask.

“Anim na buwan na,”

Namuo ang luha sa mga mata ko. Ibig sabihin, tatlong buwan pa lang mula nung usapan namin, may namagitan na sa kanila.

Liningon ko ang lalaki sa tabi niya. Nakahawak ito sa baywang ni Caela.

“Kasal na kayo?”

“H-Hindi pa.”

Hindi pa, ibig sabihin magpapakasal pa lang, plano pa lang.

“You said you love me, and you promised.” My voice cracked.

“Yes I did love you, but I'm sorry,” kita ko ang namumuong luha sa mga mata nito. “Hindi ko kaya ang gusto mo. Narealize kong hindi pala ganon kalalim ang pagmamahal ko sayo.”

Truth hurts.

Ramdam kong may luha nang tumutulo sa mga mata ko. Sobrang sakit, para akong nanghihina.

I don't know how to manage to leave.

I waited for nothing. Umaasa ako dahil nangako siya.

And then I remember the time I performed Istikara. Allah answered my prayer that if she's not good for me,and if she's not the one for me, He will separate us...

Loving her was wrong, but I've learned from it. She's became one of my favorite mistake, my favorite lesson, my favorite experience, and my favorite memories.

Fi amanillah. May Allah forgive us for the sin I committed with her. And may Allah guide her to the right path. Allahumma ameen.

Compilation of Short Stories Where stories live. Discover now