Untitled

4 0 0
                                    

“Bukod sa makapagpatayo ng mosque at madrasah, ano pa yung gusto mo?” Tanong ko sa asawa ko.

Yumuko ito, “Gusto ko na ng anak,” aniya.

We've been married for 6 years pero wala pa rin kaming anak. Hindi dahil ayaw namin, kundi dahil hindi pa nabibigay sa'min. Matagal na naming gusto, pero wala talaga.

Tatlong beses siyang nabuntis, pero sa kasamaang palad ay palagi siyang nakukunan. Siguro ay parte na yon ng pagsubok sa'ming mag-asawa.

I smiled at her. “In Sha Allah, He will bless us a child.”

She always cry at night. She thinks that something's wrong with her, or in her body. She blamed herself about it. Pero alam kong hindi ganon yon. Lagi ko siyang cino-comfort kahit na maging ako ay malulungkot din. Hindi naman kase pwedeng pareho kaming mahina palagi, kailangan niya ng lakas at alam kong makakatulong ako sa kanya.

Palagi ko siyang nakikitang nagsasalah ng tahajjud. Naririnig ko itong humihikbi. She always pray to have a child. She, I, never get tired asking for it. We trust Allah's timing.

Napagdesisyon naming mag-asawang umampon na lang. At ngayon araw kami pupunta sa kakilala niyang may pinapaampon.

“Kumain muna tayo bago umalis.” aniko at inabutan siya ng paborito niyang pandesal.

“Ayoko niyan, ang baho.” Nagulat ako ng tinulak nito ang kamay ko.

Inamoy ko ang tinapay pero hindi naman panis. Naalarma ako nang bigla itong tumakbo sa lababo at nagsuka. Agad ko naman itong dinaluhan.

“Salama, may problema ba?” Nag-aalalang tanong ko at inabutan ng tubig.

Naiiyak ako nitong tiningnan. “Wahid, b-buntis yata ako.” Nanlaki ang mga mata ko, “Halos isang buwan nang delayed ang period ko.” Naiiyak pa rin nitong ani.

Mabilis pa sa alas kwatro akong umalis para bumili ng pregnancy test. Tungkol sa pag aampon ay cinancel muna niya.

After her test, lumabas ito sa cr ng may luha. My heart ached.

“It's ok, mahal. Maybe it's not the right time for us to—”

“Positive.” she cut me.

I froze. I didn't realize my tears fell.

“Alhamdulillah, Alhamdulillah,”

I hugged her. Allah knows how happy we are  because of this blessing.

She's 6 months pregnant now, and we found out that she's carrying a twin.

Hindi ko maipaliwanag ang sayang nararamdaman ko ngayon.

Indeed, Allah's timing is always good, just trust it because He is the best planner.

Sobrang nagpapasalamat kami sa sunod-sunod na biyayang dumarating sa'min. Tapos na ang pinapagawang masjid ng asawa ko, at kabuwanan na rin niya ngayon.

“Wahid!!!!”

“Ow!” tugon ko.

Nasa kusina ako nagluluto ng bigla ako nitong tawagin. Ang lakas talaga ng boses niya.

“Manganganak na yata ako!”

Dahil sa sinabi niyang yon ay naalarma ako. Hindi pa'ko tapos sa pagluluto pero pinatay ko na ang kalan para puntahan ang asawa ko.

Halos hindi ako makapag isip ng maayos sa sobrang pagkataranta. Hindi ko na rin alam kung paano kami nakarating sa hospital.

“Wahid, ako yung nahihilo sayo e. Pwede bang maupo ka muna dito?” Ani ng kapatid kong si Fahad.

Kanina pa kase ako pabalik-balik ng lakad. Hindi ako mapakali dahil sa magkahalong kaba at excitement.

“Sir, you can see your wife now. But the twins are in this room, you can go there later after you check your wife.” Ani ng doktora at ngumite.

“Kamusta ang pakiramdam mo? May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? Anong gusto mo?” sunod-sunod na tanong ko sa asawa ko.

She looks tired.

She gave me a smile. “Gusto kong makita ang kambal,” anito.

Kinuha namin ang kambal. karga ko ang isa, karga naman ni Fahad ang isa.

Inabot ni Fahad ang isa sa asawa ko. Ang isa naman ay nanatili sa bisig ko.

Seeing our children makes me want to cry, but I stop myself.

Ang asawa ko ay hindi na mapigilan ang luha.

“Ang gagwapo nila, mahal ko. Kuhang kuha nila ang tangos ng ilong mo,” anito.

“At kuhang kuha naman nila ang kapal ng kilay at magandang hugis ng mukha mo,” nakangiting tugon ko.

We named them Junaid and Juraij. I prayed Sunnah to thank Allah, and my wife say some du'a for the twins.

Wala na'kong ibang mahihiling pa. Sobrang kontento na'ko dito, sobra sobra pa. Sila ang buhay ko.

“Maiiwan ko muna kayo dito, mahal ko. Maya-maya ay darating na rin ang mga magulang mo. Kukunan ko muna sila ng birth certificate,” hindi na ito sumagot.

Palabas na'ko ng hospital nang may makasalubong akong mga pulis. Dinig ko sa pinag uusapan ng mga nurse ay may hinahanap daw silang lalaking nakatakas na mayroong severe mental illness. Ayon pa sa kanila, delikado raw ito dahil nananakit.

Natagalan ako sa pagkuha ng birth certificate nila dahil sa busy ang mga tao sa registrar office. Alas dos na nang hapon ng makabalik ako sa hospital.

Kinabahan ako nang pagdating ko ay nagkakagulo. May mga pulis na rin sa labas kaya patakbo akong lumapit at para mapuntahan na rin ang mag-ina ko.

Hindi pa man ako nakakapasok ay nakita ko ang mga magulang ni Salama na umiiyak.

“Ano pong nangyare? Nasan si Salama at ang mga bata?”

Ang kanyang ina ay halos hindi na makahinga kaiiyak, maging ang kanyang ama ay sinusubukan na lang wag humagulgol.

Walang nagsalita sa kanilang dalawa kaya nilingon ko si Fahad na umiiyak na rin.

“K-Kuya, si ate at ang mga bata, s-sinaksak ng baliw na lalaking nakapasok sa hospital. He murdered your family—”

‘He murdered your family’

‘He murdered your family’

‘He murdered your family’

‘He murdered your family’

Parang nag-eco ang linyang yon sa tenga ko.

Hindi pa nito natatapos ang kanyang sasabihin ay nagpumilit akong pumasok, pero ginapos ako ng mga pulis maging ni Fahad.

Nag-wawala ako. Hindi ko na rin maitago ang lakas ng iyak ko. Nagsisisigaw na'ko dahil sa paggapos nila.

Pinipilit nila akong yakapin para kumalma, pero hindi ko magawa.

“Hindi, hindi! Hindi pwede, Hindi!” Hindi ko alam ang gagawin ko, halos magpapapadyak ako kaiiyak.

“Hindi pwede, kumuha lang ako ng birth—” I broke down. Hindi 'to pwede, hindi.

Hindi kayang ilarawan ng salita ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Para na akong mababaliw. Wala na akong pake kung pagtawanan ako, dahil daig ko pa ang batang inagawan ng pagkain. Nahihirapan akong huminga.

Kung alam ko lang na kukunin sila sa'kin, hindi na sana ako umalis para kumuha ng birth certificate nila. Hindi ko sana sila iniwan.

Ilang taon akong naghintay na mabigyan ng anak tapos ganon ganon lang? Hindi lang ako nawalan ng anak, maging ang mahal kong asawa ay wala na rin.

Ang mga mahal ko, ang buhay ko, kinuha sa'kin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Aug 20 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Compilation of Short Stories Where stories live. Discover now