Untitled

22 1 0
                                    

“Umi, pinapangako ko, ako ang unang magiging hafidza sa pamilya natin.” nakangiting sabi ko kay umi.

“Wag kang magsalita ng patapos, Zahra. Di mapia inamba” sabi ni abi bago humigop ulit sa kape niya.

Napasimangot ako. “Pero abi, totoo po,”

“Insha'Allah,” nakangiting wika ni umi.

“Insha'Allah,” pag-uulit ko.

Ako ang pangatlo sa aming magkakapatid. Si Ate Nawal ay koleheyo na sa kursong education, at ang bunso naming si Hamin ay elementary palang. Ako ay graduating na ng high school ngayong taon, kaya sinabi ko kay umi at abi na pagkagraduate ko ay mags-stop muna ako para pumasok sa torel. Alhamdulillah dahil pumayag naman sila.

Bata pa lang ako ay pangarap ko na talagang maging hafidza. At ngayon ang araw kung kailan ako papasok na.

“Mamimiss ko kayo,” naluluhang aniko.

“Dadalaw naman kami dito paminsan-minsan, wag kang mag alala.” paninigurado ni Umi.

“Wag kang magiging pasaway dito Zahra, baka pauwiin kita bigla.” biro ni abi kaya natawa nalang kami.

Ang unang buwan ko ay nahirapan akong mag-adjust, lalo na't para akong naho-home sick. Miss na miss ko na ang pamilya ako, lalo na si umi, Umi's girl kase ako.

Wala akong choice kundi magtiis, this is for my dream. Pangarap ko para sa sarili, at para kay umi at abi.

The prophet Muhammad (PBUH) said,” Whoever recites the Quran, learns it and acts according to it will be given a crown of light to wear on the Day of Judgement whose light will be like the sun. His parents will be clothed in two garments that did not exist in this worldly life.

I always make dua for them. Palaging ang magulang ko muna bago ang sarili ko at ang iba. Especially Umi, she's my jannah in this dunya.

“Alhamdulillah, bai, isang taon nalang,” nakangiting ani umi.

Dinalaw nila ako dito sa markadz, ang kaso ay wala ang mga kapatid ko dahil mga busy ito.

Napangiti ako. “Opo, Alhamdulillah always. Hindi ko nga rin po namalayan e. Ang bilis talaga ng oras, baka paglabas ko dito, may mangangasawa na sa'kin.” pagbibiro ko. My umi gave me a ‘pinagsasabi-mo’ look kaya napatawa ako.

“Pwede naman na, nasa tamang edad ka na, Zahra.” Pagsang-ayon ni abi kaya mas lalong nagsalubong ang kilay ni Umi.

Abi and I both laughed. We love teasing umi dahil masyado itong pikon.

Napasimangot ako bigla. Mamaya ay uuwi na sila, mamimiss ko na naman sila.

“Sa susunod na buwan pa ulit ang dalaw namin dito, Zahra. Uuwi na kami,” ani abi.

“Sige po, paki-salam nalang po ako kila ate at Hamin.”

They hugged me. Naunang lumabas si abi dahil kukunin niya pa ang sasakyang nakapark sa likod.

Hinawakan ni Umi ang magkabilang kamay ko. She smiled, so am I.

“Masha'Allah, wata ko. Sobrang nakakaproud ka. Niyaka tanuri, bai, na ipegkalimu nami abenal seka,” (Lagi mong tatandaang mahal ka namin) Umi said with teary eyes.

“Oo naman po. Pangarap ko po 'to hindi lang para sa sarili ko kundi lalo na po sa inyo ni abi. Ang swerte ko nga po kase kayo yung magulang ko e,”

“Pag-uwi mo, basahan mo'ko ng Qur'an a?”

“Opo Umi ko, Insha'Allah.” I said with a wide smile.

“Zulaika, halika na.” Napalingon ako kay abi. He's calling Umi.

Compilation of Short Stories Where stories live. Discover now