2: Going Back

2K 36 0
                                    

Eizen's POV

Two years later...

*knock*knock*

9pm na at kauuwi ko lang ng bahay. Graduating na kasi ko kaya ang dami-dami ng inaasikasong requirements sa univeristy.

At syempre, kahit nagugutom at pagod na ko, diretso muna ko sa kanya.

Makita ko pa lang sya, tanggal na kagad ang pagod ko e. Sya yata ang inspiration ko!

*knock*knock*

Bakit parang ang tagal naman nya yatang magbukas ng pinto? Ano bang ginagawa nya sa loob?

Kakatok pa lang sana ulit ko ng bumukas na rin yung pinto.

"Annia.." (Ah-nya)

Ngumiti naman sya nang makita ako.

"Dumating ka na pala.."

"Ano bang ginagawa mo at ang tagal mong magbukas ng pinto?"

Pinapasok naman nya ko sa kwarto nya at isang hindi kanais-nais na bagay kagad ang nakita ko sa may gilid ng kama nya.

Nilingon ko sya at napaiwas naman sya ng tingin.

"Akala ko ba napag-usapan na natin to?"

Seryoso.. biglang nainis talaga ko ngayon sa nakita ko.

"Eizen.." lumapit naman sya sakin at humawak sa braso ko.

"Dalawang buwan na lang naman yung hinihiling ko sayo di ba? Bat hindi mo pa ko hintayin? Bat kailangang mauna ka pang bumalik?"

Ano to, lokohan? Last week lang ng sinagot nya ko tapos ngayon iiwanan na nya kagad ako?

Ayos a. Nakapag-impake na rin kagad. Anong plano nya? Umalis ng walang pasabi?

"Eizen naman.. naipaliwanag ko na sayo di ba? Pumayag ka na pleeeeaaasseee.."

Umiwas naman ako ng tingin sa kanya.

Paano? Ang cute nya kaya.. nawawala kagad ang inis ko e.. Tsk!

"Pero Annia.."

"Promise! Mag-iingat naman ako doon at palagi rin kitang tatawagan.. gusto ko lang talagang mauna sayo sa pag-uwi.. like you know na.." at tumawa pa sya bago niyakap ng mahigpit yung braso ko.

Tsk!

Oo na. Panalo na naman sya! Hindi na naman ako makatanggi sa kanya.

Bumitaw pa sya sa pagkakayakap sa braso ko at nginitian ako. Kaya ayun ,napangiti na lang din ako.

"Lika nga dito.." hinila ko sya papalapit sakin at niyakap ng mahigpit.

"Basta tutuparin mo yung pangako mo a.. mag-iingat ka at palagi mo kong tatawagan.."

Naramdaman ko naman ang pagtango nya sa balikat ko kaya mas hinigpitan ko na lang ang pagkakayakap sa kanya.

Nagwoworry ako para sa kanya pag umuwi sya doon nang wala ako pero.. kailangan ko ring magtiwala sa kanya..

Ayoko naman syang masakal sa relasyon naming to na nagsisimula pa lang..

Grabe.. ang dami na talagang nagbago sa kanya mula nung umalis kami ng bansa..

Hindi sya bitter o masungit katulad nung ibang nabiktima rin ng kapareho nung sa kanya. Bagkus, mas naging matatag pa sya at palaban.

Palangiti pa rin. Palakaibigan. At kung titingnan ngayon parang walang nangyaring masama sa kanya noon.

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon