11: She's Back

914 25 1
                                    

Annia's POV

"Jelan.."

Sht. Bakit kailangang ngayon kagad kami magkita? Hindi pa ko handa.. At yung tibok ng puso ko.. mali ito..

"Annia.."

Napatingin naman ako kay Neji na seryoso na ngayong nakatingin sakin.

Oo alam ko hindi pa kami pwedeng magkita ni Jelan.. at hindi pa rin talaga ko handa pero..

Napatingin na lang ulit ako kay Jelan..

Parang any sec tutulo na naman ang mga luha ko. Bat ganito? Bat bumabalik na naman ang lahat ng sakit.. ang galit at pagkamuhi ko sa kanya.. Nangako na ko kay Raj.. na kakalimutan ko na yung galit ko at papatawarin ko na rin sila.. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon?

Naramdaman ko na lang na hinawakan ako ni Neji sa braso kaya napatingin ako sa kanya.

Umiling lang sya sakin bago ko napatingin na ulit kay Jelan.

Kita kong napakunot sya at isa lang ang pumasok sa isip ko. Kung hindi pa rin sya nagbabago, maaaring nagseselos at naiinis na naman sya dahil lang sa simpleng paghawak sakin ni Nej.

"We should go." -Neji

Sakong daan ng mga sasakyan ang mabilis rin naming pagsakay ni Nej sa pick- up nya. Wala ng lingon-lingon, pinaandar na rin nya kagad ng mabilis ang sasakyan nya.

"Annaaaaa!!!!!"

"Anna Mariaaaaa!!!"

Napatingin na lang ako sa may labas ng bintana at kinagat ko pa ang labi ko para lang mapigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak.

Bat ganito.. Bakit parang wala pa ring nagbabago sa nararamdaman ko para sa kanya..

Jelan..

Hanggang sa naramdaman ko na lang ang kamay ni Neji na humawak sa isang kamay ko kaya napalingon ako sa kanya.

Binigyan nya ko ng isang tipid na ngiti kaya kahit papano ay napangiti pa rin ako sa kanya.

Mas hinigpitan pa nya ang pagkakahawak sa isang kamay ko then itinuon na nya ang focus nya sa pagmamaneho.

*sigh* Buti na lang nandito sya.. May nasasandalan na ko sa tuwing pakiramdam ko hindi ko na kaya..

Nameet ko lang sya nung isang araw.. yung time na umiiyak ako habang nagdarasal sa simbahan..

Pagkatapos ko kasi magdasal noon, nagulat na lang ako nang pagupo ko may katabi na kagad ako. E sa pagkakatanda ko talaga, nung pumasok naman ako doon, ako lang ang tao.

"Si-sino k-ka?" Tiningnan lang nya ko nun ng seryoso at hindi kagad sya nagsalita.

Napakunot naman ako habang nakikipagtitigan lang din sa kanya.

Bat ganon? Bat parang pamilyar rin sya sakin?

Parang hindi ito ang unang beses na nakita ko sya?

Pero.. saan ko nga ba sya nakita? Bat parang di ko maalala..

"Ako si Neji.. Nejiara Sano.. kaibigan ako ni Eizen.. at ibinilin ka nya sakin."

Tapos doon ko rin nalaman na sya pala yung doktor na tumingin rin sakin noong unang beses na nakita ako ni Eizen. Kaya siguro pamilyar sya sakin.. pero parang di ko talaga matandaan na nakita ko sya doon noon sa hospital..

Mabait naman sya at madaling kausap. Yun nga lang, may pagkatahimik rin at strikto masyado. Palagi nyang ipinapaalaala sakin lahat ng iniutos daw sa kanya ni Eizen habang kaming dalawa ang magkasama. Mas magiging busy na daw kasi ngayon si Eizen dahil malapit na ang graduation nya. Hindi na nga ulit kami nakakapag-usap e. Pero palagi pa rin naman akong nagtetext sa kanya. Hindi na kasi nya masagot ang mga tawag ko.

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon