A/N:
Ito na po ulit yung chapter 3.. waaaa~
Sana hindi na talaga ulit magluko si watty..Pinilit ko talagang, maalala ulit yung pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari dito.. Sana wala kong nalimutan sa pagrere-write nito..
***
Annia's POV
Nasa byahe na kami ngayon ni Eizen papuntang airport.
Tahimik lang kami pareho at paminsan-minsan tumitingin ako sa kanya.
Hawak nya rin ang isang kamay ko habang nasa manibela naman yung isa nyang kamay.
Alam ko, nag-aalala sya para sakin.
At wala akong magagawa para maalis yun. Dahil kahit ako naman, parang kinakabahan din ako. Hindi ko alam kung anong pwede kong magawa sa oras na makaharap ko na ulit sila.
"Eizen.."
"Mm?" Nasa pagddrive pa rin ang focus nya.
"Wag kang maghahanap ng ibang babae a.."
Medyo napatawa naman sya bago sumulyap sakin.
"Kung iniintay mo na lang kasi ko.."
"Eizen.."
"Ya! I know. I know." Medyo natatawa pa rin sya bago hinalikan yung kamay ko na hawak nya. "Ikaw lang ang kaisa-isang babaeng mamahalin ko Annia.." sumulyap pa ulit sya sakin at nginitian ako.
Nginitian ko rin sya at pinisil yung kamay nyang nakahawak sa kamay ko.
Alam ko namang hindi nya ko lolokohin. Malaki ang tiwala ko sa kanya. At kung may rason man ako para mas mabuhay pa ng matagal, yun ay dahil sa kanya.
Inihatid lang ako ni Eizen sa may entrance nang airport at di na sya bumaba pa ng sasakyan. Baka mapigilan lang daw nya ko pag bumaba pa sya e. Kaya hinalikan ko na lang sya sa labi bago ko nagpaalam na sa kanya.
This is it!
Wala ng urungan to!
***
Nakaupo lang ako sa may waiting area habang iniintay ang flight ko. Medyo boring kaya naisipan ko na lang na kutingtingin ang tablet na pinadala sakin ni Eizen.
Marami syang games app pero di naman ako mahilig maglaro kaya yung gallery na lang nya ang tiningnan ko.
Napangiti naman kagad ako nang makitang puro pictures ko pala at naming dalawa yung laman ng album nya.
Ano ba naman yan? Hindi pa ko nakakaalis pero namimiss ko na kagad sya.
"Oh my god! Miss Anna?!" Napatingin naman ako sa babaeng bigla na lang sumigaw sa tabi ko.
"Huh?"
"Oh my~ ikaw nga yan Miss Anna Maria! Ako ngapala si Jen! Isa sa member ng fansclub mo dati!"
Er..? Fansclub? Meron pala ako nun..
Napangiti naman ako ng alangan sa kanya. Di ko naman kasi sya kilala at di ko rin alam ang sinasabi nya. Pero kitang-kita mo naman sa laki ng ngiti nya na kilala nya ako at tuwang-tuwa sya na makita ako.
"Grabe! Buti okay ka lang Miss Anna! Nag-alala kami sayo dati nang bigla ka na lang mawala na parang bula sa school! Marami kaming nalungkot nun at nagdasal na sana okay ka lang! Waaa~ masaya talaga ko Miss Anna at okay ka lang.. Maganda ka pa rin!" Tapos bigla nya pa kong niyakap.
"Ay teka~ sino sya?" Kumalas naman sya sa pagkakayakap sakin at napatingin sa tablet ko na picture naming dalawa ni Eizen ang nakadisplay. "Parang pamilyar ang mukha nya.. parang nakita ko na sya before.. o wait~ kaya ka ba biglang nawala Miss Anna dahil nag-asawa ka na?!"
BINABASA MO ANG
Anna Maria ✔
FanficShe has been kidnapped, raped and tortured. And two years after, she's now ready for.. ugh.. revenge? Highest rank: #261 in Fanfiction Category