After ng pangyayaring iyon, never na ulit akong nagpaabot ng dilim sa pag-uwi. Nagbaon na rin ako ng pepper spray sa bag ko in case may magtangka na naman ng masama sakin. At kung tama talaga ang pagkakaintindi ko sa mga narinig ko noon, dito rin sa building na ito sya nakatira.. kaya mas kailangan ko pang mag-ingat.
At isa pa.. kung yung Jan Miel na kakilala nya at yung Jan Miel na nakilala ko noon ay iisa.. wow! Thanks ulit sa kanya at parang nailigtas na rin nya ko kahit di naman nya intensyong iligtas ako. Buti na lang talaga dumating sila.
Wala kong pinagsabihan ng tungkol doon. Hindi na rin ako nagreport sa mga pulis dahil sa.. ahm.. ano.. oo yun.. ipinagdasal ko na lang sya..
"Uy Anna.. tapos na pala ang job hiring doon kina tita.. pasensya ka na ha.. sabi ko pa naman, maipapasok kita doon.. sorry talaga ha.." sabi sakin ng isa sa mga kaklase kong si Mika.
Gusto ko na kasing kumuha ng part time job at lumalaki na rin ang gastos ko tapos may mga tour pang napakamumura ng binabayaran. Nagtanong ako sa ilang mga kaibigan ko at si Mika lang ang may alam kaso yun nga, wala rin pala.
Nginitian ko naman sya at inayos ko na rin ang mga gamit ko. Awasan na din kasi.
"Okay lang yun.. try ko na lang maghanap sa weekends."
"Sorry talaga Anna.."
"Yaan mo na.. ikaw talaga.."
5pm natapos ang klase ko kaya nagmadali rin kagad akong makauwi. Delikado pag napagpagabi pa ko.
Pero walanjo, kung kelan naman ako nagmamadali tyaka pa ko walang masakyan. Kaya ayun, inabot na rin ako ng 7pm bago makarating sa building ng apartment ko.
Napahinga na lang ako ng malalim bago umakyat ng hagdan.
At least di ko sya nakasabay sa daan. Baka wala pa yun o di kaya'y nasa apartment na nya.
Pero mali ako.
Pagdating ko sa third floor, napahinto kagad ako sa paglalakad nang makita ko syang nakapikit at nakahalukipkip habang nakasandal sa may pintong katapat ng sa apartment ko.
Patay!
Teka, anong ginagawa nya dyan? Iniintay nya ba ko? Ay hindi, bakit naman nya ko hihintayin?
Ano ng gagawin ko? Tutuloy ba ko papunta sa apartment ko o tatakbo na lang ako pabalik. Pero saan naman ako pupunta? Gabi na, di na rin pwede sa ampunan. Baka mag-alala lang sila sakin pag nalaman pa nila to.
"Excuse nga neng.." biglang sabi ng isang matandang babae na dumating. Nag-give way naman ako at ngumiti sa kanya.
"Sorry po.." nakaharang pala ko sa daan.
Sinundan ko ng tingin yung matanda at katabi lang ng apartment ko yung sa kanya. Apat kasi ang unit dito at yung isa, bakante pa.
Nang makapasok ng apartment nya yung matanda, napatingin ulit ako doon sa manyak and swear, kinilabutan talaga ko nang makita kong nakatingin na rin pala sya sakin.
Oo. Iba ang outfit nya ngayon. Nakawhite shirt lang sya at shorts na maong. Unlike nung una ko syang nakita na mukha syang gangster na addict sa itim at naka-eyeliner pa. Ngayon naman, ang simple-simple lang ng ayos nya pero parang makakapatay pa rin sya kung makatingin.
Umayos sya ng tayo at napahakbang naman ako ng isa paurong.
Kailangang maging alert ako. Baka maya-maya may gagawin na naman tong hindi maganda.
BINABASA MO ANG
Anna Maria ✔
FanfictionShe has been kidnapped, raped and tortured. And two years after, she's now ready for.. ugh.. revenge? Highest rank: #261 in Fanfiction Category