Nakarating naman ako ng maayos sa isang condo unit na pagmamay-ari ni Eizen. Oo kay Eizen to at ngayon lang ako nakapunta dito.
Grabe talaga ang yaman ng mga magulang nya at sunod sya sa luho.
Maganda at malinis tong unit nya. Kumpleto na rin sa gamit kaya wala ng kong kakailanganin pang ayusin kundi ang mga damit at pampersonal na gamit ko lang. Parang yung dati lang..
Tsk!
Napailing na lang ako. Tama na nga! Bakit ba kailangang maalala ko pa ang mga yun? Sana pagkatapos nito, magka-amnesia ako. Para tuluyan ko ng makalimutan ang lahat ng yun..
Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit at magpalit ng pantulog, tinext ko muna si Eizen na nandito na ko at matutulog na. Bukas ko na lang sya tatawagan ng umaga. Pagod na rin kasi ko ngayon.
Haaaayyyy..
Namimiss ko na kagad sya.. tsk!
Makatulog na nga at nang maaga ko magising bukas. Kailangang masimulan ko na rin ang mga plano ko.
***
Eizen's POV
Napangiti na lang ako nang marecieved ko ang text ni Annia. Buti naman at safe syang nakauwi.
"Eizen! Nasa telepono yung kaibigan mo! Sano daw!" Narinig kong sigaw ni mama mula sa baba.
Bumangon naman ako at sumigaw sa may pinto ng kwarto ko.
"Pasabi online na ko! Tawag na sya sakin!" Tapos sinarado ko na ulit ang pinto at naupo sa kama ko habang nakatitig sa screen ng phone ko na nakangiting picture ni Annia ang wallpaper.
Ay grabe! Kung doon gabi na, dito tanghali pa lang. Waaaa~ namimiss ko na kagad si Annia..
LINE
Sano calling...Sinagot ko naman kagad yung tawag ni Sano.
"Bat ngayon ka lang nag-online? Kanina pa kitang tinatawagan."
"Hello din Sano.. I miss you!"
"Heh! Tumigil ka!"
"Areh naman o.. nanlalambing lang.."
Bakit ba ang sungit palagi nitong si Sano?
Tsk! Porket walang lovelife e!
"Ay nako! Ewan ko lang kung maging malambing ka pa kapag nakita mo yung pinasa ko sa email mo."
"Ha?"
Ang tagal naman nyang nanahimik mula sa kabilang linya at ewan ko pero.. parang kinabahan ako.
"Eizen.."
Bakit parang naging mas seryoso yung boses nya?
Napabuntong-hininga pa sya bago nagsalita.
"Ginawa ko na yung pabor na hiningi mo sakin.."
"And?"
"Hindi maganda ang mga nakuha kong information. Kahit ako nagulat.. tatlong private investigator na rin ang kinuha ko at.. pare-pareho lang ang mga nakalap nilang impormasyon.."
"Nejiara.."
"Eizen.. ikaw ng bahala.. hindi ko rin alam kung anong gagawin ko sa mga nalaman ko kaya.. ipinapaubaya ko na lahat sayo.. at kung ano man ang maging desiyon at plano mo.. susuportahan kita.. magtitiwala ako sayo Eizen.. ngayon, napatunayan ko na rin na.. ikaw lang pala ang totoo kong kaibigan."
Napakunot naman ako sa sinabi nya.
Bakit parang.. parang..
Iniend ko na kagad yung call at nag-online ako sa laptop na nasa may study table ko.
BINABASA MO ANG
Anna Maria ✔
FanfictionShe has been kidnapped, raped and tortured. And two years after, she's now ready for.. ugh.. revenge? Highest rank: #261 in Fanfiction Category