17: Two Years Ago

874 19 0
                                    

Jelan's POV

"Mr. Fernandez?" Tawag sa akin ng isang nurse. Kasalukuyan kasi akong nasa hospital nina Neji ngayon at kanina ko pa syang iniintay. Ang totoo nyan, ilang araw na rin akong pabalik-balik dito pero hindi ko sya naaabutan.

Malakas talaga ang kutob ko na may alam sya sa mga nangyari noon. Pero kung meron nga, ano naman kayang maaari nyang maging dahilan para magtago sa akin? Sa amin? Paano napunta sa kanya si Anna? Paano sila nagkakilala?

Tumayo na lang ako mula sa pagkakaupo ko sa may waiting area at lumapit sa nurse na tumawag sakin.

"Ano? Nandito na ba sya?" Tanong ko kagad sa nurse and as usual, umiling lang ito sa akin.

"Nagsimula na po yung operation ng pasyente nya pero ibang doktor po ang gumagawa noon. Sa tingin ko po, hindi na po sya makakarating."

"Ganon ba.." bahagyang nginitian ko na lang din yung nurse. "Sige salamat." Tinalikuran ko na rin sya at aalis na sana ko nang may bigla pa kong naalala kaya hinarap ko ulit yung nurse na paalis pa lang din sana. "Ay wait lang pala!"

"Bakit? May kailangan pa po ba kayo?"

"A.. gusto ko lang malaman kung.. kung pwede bang masilip ko yung records ng mga pasyenteng naadmit dito two years ago?"

Saglit namang napakunot yung nurse habang nakatitig sakin.

"Pakiusap.. may gusto lang akong malaman.. may hinahanap kasi kong tao at.. si Neji sana ang inaasahan kong makakatulong sakin pero hindi ko naman sya makita-kita.."

"E sir kasi po.."

"Please.. kahit ikaw ng tumingin sa records nyo.. pakitingin na lang kung.. may naadmit ba ditong Anna Maria Centeno ang pangalan.."

10 minutes...

30 minutes...

45 minutes...

Kanina pa kong hindi mapakali dito sa labas ng registrar office. Bat ba ang tagal nung nurse? Totoo nga kaya yung hinala ko? Na dito sila ni Neji nagkakilala sa hospital na to? Posible naman yun di ba?

Maya-maya pa, bumukas na yung pinto at lumabas na yung nurse na pinakiusapan ko. Kaagad ko rin naman syang nilapitan at mukhang nagulat pa sya nang bigla na lang akong magpop-up sa harapan nya.

"Ano? Meron ba?"

"Meron sir. Anna Maria Centeno po. Nag-iisa lang ang may ganoong pangalan sa records namin two years ago."

Sabi ko na nga ba. Pero ang gulo pa rin.. paano naman mapupunta si Anna dito kung~

"Dinala po sya dito sa hospital ng isang lalaking may pangalang.." biglang sabi pa nung nurse na pumutol sa mga iniisip ko. "..Eizen Nichii po."

O_______O

Sht. This can't be...

***

Jan Miel's POV

Hindi ko alam kung bakit dito ko dinala ni Neji sa may lumang train station na naging tambayan rin namin noon. Ang sabi nya dadalhin nya ko sa kapatid ko.. pero bakit kaya kami nandito?

Kanina pa rin syang tahimik at umuuna sakin sa paglalakad kaya mas lalo akong kinakabahan sa di ko malamang dahilan. Siguro dahil lang to sa hindi ko alam kung ano bang magiging reaksyon ko dapat kung sakali mang magkaharap na kami ng kapatid ko.

Sana naman.. hindi sya galit sakin.

"Nandito na tayo." Biglang sabi ni Neji nang tumigil kami sa isang kwarto.

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon