A/N
Pagkatapos ng sunod-sunod na update.. Dito talaga sa chapter na to natigilan na naman ako.. Hindi lang dahil sa patapos na yung binabasa kong story.. (Oo, sumaside line din talaga ko) Pero di ko rin maimagine yung next scene para rito.. May naiisip kasi ko pero naiiba pag tinatype ko na.. Hahah.. Ang gulo ko no. Pero sana magets nyo pa rin to.
Pakicorrect na lang po ko sa mga mapapansin nyong errors! Wala na po kasi kong balak mag-edit mula sa umpisa. Tinatamad po kasi ko.. Hahah Thanks! 💋
Search nyo rin yung kantang ginamit ko dito kung gusto nyo.. Maganda po yon.. Sana si Anna Maria maisip nyo pag narinig nyo yon.. Hahah
"You and I Tonight by Faber Drive"
***
Jelan's POV
Saan ba ko dapat pumunta? Saan ko ba pwedeng makita si Anna?
Inabot na naman ako ng gabi pero hindi ko pa rin sya nakikita..
Anna.. Miss na miss na talaga kita..
"Jelan.."
Para na lang akong tanga na napapangiti habang naglalakad sa tuwing nakikita ko ang nakangiting mukha nya at tinatawag ako..
Miss na miss ko na talaga sya..
Sana naman.. Makita pa ulit kita..
Hanggang sa may bigla na lang akong nabangga kaya napaangat ako ng tingin.
May dalawang lalaki pala kong nakasalubong na hindi ko na napansin dahil nakatungo ako habang naglalakad.
"Dapat kasi umiwas na lang kayo. Tsk." Sabay lagpas ko na sa kanila pero bigla pa kong hinila at itinulak nung isa sa pader ng isang saradong shop doon sa eskinita na dinadaanan namin.
"Ang yabang mo a!" Sabi pa nung isang maangas kaya itinulak ko rin sya.
Ako pa daw ang mayabang e sila nga tong kaaangas ang papangit naman!
"Magsorry ka!" Sigaw pa nung isa.
Psh.
"Sorry your face." Sabay irap ko pa sa kanila bago ko sila tinalikuran. Pero napahinto rin ako ng may maaninag akong pamilyar na tao hindi kalayuan sa akin. Madilim sa kinatatayuan nya pero alam ko, sigurado akong ayon sya..
Dahil ang sama ng tingin nya sakin.
"Anna.."
At bago ko pa man din sya malapitan, naramdaman ko na lang ang paghila sakin nung isang lalaki sabay suntok at hagis sakin sakin sa semento.
Takte! Ang sakit!
Babangon pa lang sana ko pero pinagtulungan na rin ako nung dalawa. Kaya kong lumaban.. Alam kong kaya ko pero.. Parang nanghihina ako..
Hindi ko na rin masyadong nararamdaman yung mga suntok at sipa nila sakin dahil isa lang ang naiisip ko.. Si Anna..
Nandoon pa rin sya at nakangiti lang habang pinapanood ako..
Sa laki ng kasalanan ko sa kanya gusto nya to.. Gusto nyang makitang nasasaktan ako..
"Tangina mo! Ang yabang mo! Wala ka naman pala!" Sabay sipa pa ulit nung dalawa sakin bago nila ko tuluyang iniwan.
May araw rin kayo saking mga gungong kayo..
Ayon e kung makikita ko pa kayo..
Napatihaya na lang ako ng higa at gaya ng inaasahan ko.. Lumapit sya..
BINABASA MO ANG
Anna Maria ✔
FanficShe has been kidnapped, raped and tortured. And two years after, she's now ready for.. ugh.. revenge? Highest rank: #261 in Fanfiction Category