19: Secret

769 19 0
                                    

Annia's POV

*blag!

Kaagad naman akong napahinto sa pag-huhugas ng pinggan nang mabitawan at mabasag ko yung isa.

Hindi ko alam kung bakit pero parang bigla na lang akong kinabahan.

Kaya sa halip na imisin ko kagad yung nabasag ko, dumiretso na lang muna ko sa kwarto para hanapin yung cellphone ko.

"Eizen sagutin mo please.."

Bakit ba ganito? Bakit parang may kutob akong hindi magandang nangyayari ngayon? Natatakot ako.. baka kung napapano na si Eizen.. Lord, sana naman po okay lang sya..

Ang tagal na kasi nung huling beses kaming nagkausap at nag-aalala na talaga ko sa kanya.

Ilang beses ko pang idinial yung number nya pero hindi ko sya macontact.. kaya second choice ko.. si Neji.

"Please.. answer your phone Nej.."

"Annia?"

"A Neji.. nasa hospital ka ba ngayon? Busy ka ba?"

"Bakit? May problema ba?"

"A wala naman.. ano lang.. gusto ko lang sana makisuyo sayo.."

"Ano yun?"

"Pwede mo bang subukang tawagan si Eizen? Please Nej.. sabihin mo naman sa kanya tawagan nya ko.."

"A.. o sige.. susubukan ko."

"Salamat Neji.."

*sigh

Sana naman okay lang talaga sya..

Ano bang nangyayari na doon? Bakit all of a sudden hindi na sya nagparamdam?

Kinakabahan talaga ko..

***

Jan Miel's POV

"Aaahhh!!"

"ANO JAN MIEL?! MASAKIT BA, HA?! MASAKIT?!" sabay sabunot pa ni Nichii sa buhok ko bago ko iniumpog sa mesa.

Sht. Sobrang sakit na ng buong katawan ko. Hilong-hilo na rin ako na naglanding sa sahig. Kaya ko syang labanan. Kaya ko syang gantihan. Pero hindi ngayon. Dahil sa mga nalaman ko mula sa kanya, hindi ko kaya. Nakakapanlumo. Yung pakiramdam na sa kabila na ng dami ng mga sugat ko ngayon, parang mas gusto ko pang magpabugbog.

Sht lang. Wala akong kwentang kuya. Wala akong kwentang kapatid. Ako pa ang nagpahamak sa kanya. Ako pa ang naging dahilan para muntikan na syang mamatay.

Kahit hinang-hina na ang katawan ko at nahihirapan na rin akong magmulat ng mga mata dahil sa mga tumutulong dugo at pawis mula sa ulo ko, pinilit ko pa ring tingnan si Nichii.

Ngayon lang talaga.. ngayon ko lang sya nakitang magalit ng ganito..

"Aaahh!!" sigaw pa nya at inis na napasabunot sa sarili.

"Ni-nichii.." halos pabulong na yung pagkakatawag ko sa kanya pero narinig pa rin naman nya yon dahil lumingon sya.

Kitang-kita ko ang sakit sa mga mata nya. Alam kong nahihirapan rin sya.

"Alam mo ba kung ano yung itsura nya nang makita ko sya.. ha Jan Miel?" Mukhang huminahon na sya.. at parang paiyak na rin sya ngayon.

Ayoko. Ayoko ng isipin pa. Hindi ko na kaya. Baka ako na ang pumatay sa sarili ko.

"Tingnan mo to.." sabay hagis pa nya sakin ng isang envelope bago sya huminga ng malalim at tumalikod sa akin.

Nahihirapan man, ayoko man, wala na rin akong nagawa. Pinilit ko na rin ang sarili ko na buksan yung envelope.

Picture ni Anna nung nasa hospital sya.  Ang ganda pa rin nya kahit natutulog sya.. kahit na.. puno ng mga sugat at pasa ang mukha at mga braso nya.

At doon, doon na talaga ko napaiyak.

Ako ang may kasalanan. Nagkaganito si Anna dahil sakin..

Tapos bigla na lang pumasok sa isip ko ang nakangiting mukha ni Anna..

"Sana naging kapatid na lang kita Jan Miel.. sana ikaw na lang si kuya.."

"Okay lang yun Anna.. kahit hindi naman ako ang tunay mong kuya.. pwede mo rin naman akong ituring na parang isang tunay na kapatid.."

"Talaga? Okay lang sayo?"

"Oo naman." Sabay pinch pa nya sa may right cheek ko. "Dahil ganun na rin naman ang turing ko sayo.."

"Salamat Jan Miel.. Salamat.. kuya.."

Mas napaiyak na lang ako nang maalala ko pa yon.

"Kung nakilala ko lang sya.. nung time na dinala mo sya sa arena at ipinakilala sakin na date mo.." tapos bahagyang napatawa pa sya. "Ang galing no.. Matagal na rin pala kayong magkakilala ng kapatid mo.. tapos yung kababata kong matagal ko na rin gustong-gustong makita.. nakaharap ko na rin pala.." humarap pa sya sakin. "Kung alam ko lang talaga na sya pala yon.. edi sana.. nailayo ko na sya sa inyo.. lalo na kay Jelan na walanghiya."

Kitang-kita ko kung paano bumalik ang galit sa mga mata nya ng banggitin nya ang pangalan ni Jelan.

"Si Jelan.. si Lalan.. sya pa ang gumago kay Annia.." sabay pulot nya ulit ng kahoy na ginamit nya kaninang panghampas sa akin.

Tiningnan nya ulit ako ng masama at dahan-dahan pang lumapit sakin.

"Kulang pa yan Jan Miel.. gusto kong mas masakit pa ang maramdaman mo ngayon kesa sa sinapit noon ni Annia.." mas lumapit pa sya sa akin pero napahinto rin kaagad nang bumukas yung pinto.

Sabay pa kaming napalingon doon nang pumasok si Neji.

"Tumawag sakin si Annia.." sabi ni Neji kay Nichii na mukhang ikinagulat pa nito. "Nag-aalala na daw sya sayo.."

Naibaba naman ni Nichii yung kahoy bago napalingon sa akin.

"Bubuhayin kita ngayon Jan Miel.. pero ito ang tatandaan mo.. wag mo ng subukan pang ipaalam ito sa iba dahil kundi.. baka hindi ko na talaga hayaan pang makilala mo si Annia.." sabay talikod na nya sakin at aalis na rin sana sya pero hinawakan ko pa yung isang paa nya.

"Ni-nichii.." mahina pa rin yung boses ko at nahihirapan na rin akong magsalita pero may gusto lang akong linawin sa sinabi nya. "I-ipapakilala.. mo.. ba talaga.. ako.. kay.. A-anna?"

Blanko na naman ang ekspresyon ng mukha nya ng lumingon sya sakin.

"Kung ako lang ang masusunod,ayoko. Pero dahil alam kong gustong-gusto kang makilala ni Annia.. gagawin ko. Hahanap lang ako ng tyempo para maipaikilala ka sa kanya.. dahil sigurado rin ako.. hindi sya matutuwa pag nalaman nyang ikaw ang kapatid nya.." sabay sipa pa nya sa kamay ko bago sya tuluyang umalis.

Anna.. sana mapatawad mo ko..

Napatingin na lang ako kay Neji nang maglakad pa sya papalapit sakin.

Hindi pala sya sumunod kay Nichii.

Nagsmirk pa sya bago umupo ng patingkayad sa may gilid ko.

"Alam mo.. kulang pa yan e.. tss. Ang bait talaga ni Eizen no.. mahina pa rin talaga sya.."

Ano bang.. sinasabi na naman nito?

"Sa tingin mo ba hahayaan kong magkita pa kayo ni Annia?"

Matic na napahinto naman sa pagtulo ang mga luha ko at hindi makapaniwalang napatitig sa kanya.

"Tsk. Tsk. Let me tell you a secret Jan Miel.." mas inilapit pa nya ang mukha nya sakin bago bumulong. "I know where Rajeel is.."

Ewan ko pero parang kinilabutan ako bigla sa sinabi nya.

"..do you want to see him now?"

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon