23: Kidnap

886 16 0
                                    

Simula ng araw na pinalayo ni Anna si Jelan sa kanya, never na ulit silang nagkita. Kahit anong pilit na pag-aadjust ni Jelan, hindi nya pa rin matyempuhan si Anna. Hindi nya ito makita kaya hindi rin nya nakakausap.

Palpak yung unang plano ni Jan Miel kaya bumuo ulit kami ng panibago.

Ang plano, kakausapin muna ni Jan Miel si Anna.. tutal naman, simula rin ng mangyari yung sa arena.. nawalan na rin ng contact si Jan Miel kay Anna.. nagresign na rin ito sa restau kaya kahit si Rajeel wala na ring nababalita pa tungkol sa kanya.

Naniniwala naman si Jan Miel na may nabuo na silang magandang friendship ni Anna kaya kakausapin sya nito at maaaring makinig pa sya sa kanya.. at yon, nangyari nga...

"Jan Miel.." banggit ni Anna sa pangalan ng taong bigla na lang humarang sa dinaraanan nya. 4pm at kasalukuyang naglalakad na sya papunta sa may bus stop.

"Can we talk?"

Niyaya ni Jan Miel si Anna sa isang cafe pero hindi ito pumayag. Kaya ang ending, para lang magkausap sila.. tumambay na lang muna sila sa may waiting shed ng bus stop. Wala rin naman kasing ibang tao doon nung time na yon maliban lang sa kanilang dalawa.

"Tungkol doon sa nangyari sa arena Anna.. I'm sorry.."

Napabuntong-hininga naman si Anna bago nilingon si Jan Miel. "Hayaan mo na yon.. okay na naman ako ngayon e.. ikaw ba? A.. okay na rin ba kayo? Sorry rin kung.. dahil sakin~

"Sshh! It's not your fault Anna.. don't always blame yourself.." sabay ngiti pa ng bahagya ni Jan Miel. "Ako talaga ang may kasalanan.. sorry.. hindi na dapat kita ipinakilalang date ko.. kung nalaman ko lang kagad na kayo pala ni Jelan edi sana.." napatungo pa si Jan Miel at napahawak sa may batok nya. "..hindi sana kayo nagkaproblemang dalawa.."

"Hindi naman kami Jan Miel.."

Nagtataka namang napatingin si Jan Miel kay Anna.

"Hindi naging kami." dugtong pa ni Anna habang nakatingin sa ibang bagay. "Pero aaminin ko.. nagkagusto rin ako sa kanya.. at nag-assume rin ako na magiging kami talaga.. pero hindi nangyari yon Jan Miel.." sabay tingin ng dalaga sa binata at bahagya pang ngumiti. "Pero wala ka ring kasalanan.. siguro.. hindi lang talaga kami para sa isa't-isa.."

"Anna.."

Pagkatapos noon, parang bumalik na rin ulit sila sa dati. Nagkikita at lumalabas na rin sila paminsan-minsan.

Naging dahilan pa yon para magalit na naman si Jelan kay Jan Miel. Kasi inakala nyang inaagaw lang nito si Anna mula sa kanya. Pero nag-explain din naman sa kanya si Jan Miel na ginagawa nya lang yon para magtiwala sa kanya si Anna.

"Hindi natin pwedeng madaliin si Anna. Jelan naman! Kinukuha ko pa yung tiwala nya kaya kailangan mo ring magtiwala sakin!"

"Siguraduhin mo lang na hindi mo sya inaahas sakin a? Kundi, malilintikan ka talaga sakin. Tandaan mo yan Jan Miel."

Makalipas pa ang ilang mga araw, patapos na ang sem ng yayain ulit ni Jan Miel si Anna. Sobrang napasarap yung pamamasyal nila kaya inabot pa sila ng gabi noon sa themed park.

Katatapos lang nila mapanood ang fireworks display doon nang mapansin rin nila ang isang eroplanong dumaan.

"Kuya.."

Napatingin naman si Jan Miel kay Anna nang marinig nya ito. Kitang-kita nya kung paano kumislap ang mga mata nito habang nakatingin sa eroplanong papalayo.

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon