"Babalikan na lang kita mamaya Annia.." Paalam pa ni Neji kay Anna na tinanguan naman nito. Tiningnan pa ko ng masama ni Neji bago sya lumabas ng bathroom.
Tumingin sakin si Anna pero nanatili lang sya doon.
Sa ayos nya ngayon, mukha namang okay na sya.. Mukhang naaalagaan naman sya ng mabuti ni Nichii.
"Anna.."
Napatungo pa sya saglit at pagtunghay nya, umiiyak na sya.
Ang sakit lang. Sobrang sakit na makita syang umiiyak ngayon sa harapan ko.. Kasalanan ko.
"P-patawarin mo.. Sana ko.." Tumayo pa ko at gusto ko sana syang lapitan pero dahil sa kadena sa paa ko, imposibleng maabot ko sya.
"Hanggang ngayon.. Hanggang ngayon nasasaktan nyo pa rin ako alam mo ba yon.."
"Anna.."
"Hindi ko alam kung.. Paano maaalis tong sakit na nararamdam ko.." Napatungo pa ulit sya habang iyak lang ng iyak.
Gusto-gusto ko na syang yakapin. Sabihin at iparamdam sa kanya na nagsisisi ako at handa akong pagbayaran lahat ng sakit na idinulot ko sa kanya.
"Patawarin mo ko.." Napatungo na lang din ako at di ko na rin napigilan pa ang mga luha ko. "Patawarin mo.. Si kuya.. Mari.." Halos pabulong na lang yon at hindi ko alam kung narinig ba nya. Pero napatunghay na lang din ako ng bigla nya kong sampalin.
"Kuya?" Napangiti pa sya ng mapait. "Tss. Ano yon joke? Walang kuya na ipinapahamak ang kapatid nya!" Sabay sampal nya ulit sakin.
Ang sakit. Sobrang sakit. Hindi yung sampal nya, kundi yung mga sinabi nya. Wala nga sigurong ganon na kapatid, pero ako.. Napahamak sya ng dahil sakin.
"Buti na lang.. B-buti na lang hindi talaga ikaw ang kuya ko.."
"Anna.."
Mari, ako.. Ako talaga ang kuya mo..
"Nagsisisi tuloy ako ngayon.. Nagsisisi akong itinuring pa kitang kapatid.."
Hahawakan ko sana sya sa braso pero bigla naman nyang tinabig ang kamay ko. Ang sama ng tingin nya sakin pero dire-diretso pa rin sa pagtulo ang mga luha nya.
"Nagsisisi tuloy akong nakilala pa kita.. kayong lahat!"
"Nagsisisi na rin ako Anna! Hindi ko naman alam na mapupunta sa ganoon ang gagawin sa iyo ni Jelan. Mahal na mahal ka nya kaya nagtiwala rin ako sa kanya! Maniwala ka sakin Anna.. Nagsisisi rin ako.. Pakiusap.. Patawarin mo ko.. Patawarin mo si kuya Mari.." Hinawakan ko ulit yung kamay nya at mas napaiyak na lang ako ng hindi nya yon tabigin.
"Anong itinawag mo sakin?"
"Mari.. Mari.. Patawarin mo ko.. Alam kong galit na galit ka sakin.. Ayokong mas masaktan ka pa pero.. Umaasa ako na pag nalaman mo yung totoo, kahit unti-unti mapatawad mo rin ako.." Halatang naguguluhan sya sa sinabi ko kaya kinuha ko na lang yung picture nya sa bulsa ko nung bata pa sya at ibinigay iyon sa kanya.
"Bakit meron ka nito? Sumagot ka! Bakit meron ka nitong picture na to!"
"Picture yan ng kapatid ko.. Picture ni Mari nung iniwan ko sya sa ampunan.. Nangako akong babalikan ko sya pero hindi ko na nagawa.. Iniwanan ko sa kanya yung kwintas ko.. Yung kwintas na may pangalan ko.." Napatingin naman sya sa suot nyang kwintas at napangiti pa ko ng bahagya ng ilabas nya ang pendant niyon.
Hanggang ngayon sinusuot nya pa rin pala.
"Jam ang pangalan ng kapatid ko." Sabay tingin nya ng masama sakin.
"Oo Mari.. Jam Centeno.. Yon ang dating pangalan ko.. Bago ko naging si Jan Miel Rejano."
Silence.
BINABASA MO ANG
Anna Maria ✔
FanfictionShe has been kidnapped, raped and tortured. And two years after, she's now ready for.. ugh.. revenge? Highest rank: #261 in Fanfiction Category