7: Onze

1.2K 32 2
                                    

A/N:

Anyeong~ 。^ ^。

Three chapters updated for this week.. including na yung kabuuan ng chapter 3 na nawala..

May dinagdag nga rin pala ko sa description.. pero isang tanong lang.. hohoh..

So yun lang, enjoy reading!

***

Hindi na ko nakaalis pa ng unit ni Eizen para sana magbreakfast dahil sa natanggap kong e-mail.

Nalilito ako. Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin.

Sino ba ang taong ito? At paano nya nalaman ang nangyari sakin at.. nakilala nya pa ang mga ito..

Tinititigan ko pa rin ang apat ng picture ng mga lalaking iyon sa tablet nang biglang magvibrate ulit ang cellphone ko.

1message received:
Eizen

'Always trust your instict! I'm just always here.'

Napakunot naman ako sa text ni Eizen.

Ano daw?

Bakit naman sya nagtext ng ganito sakin? Sya ba ang nag-email sakin? Pero hindi. Kung sya yon, hindi na nya kailangan pang gumamit ng ibang e-mail add para doon.

Pati sabi nya.. may tiwala daw sya sakin. Susuportahan nya daw ako at tutulong lang sya pag hiningi ko sa kanya.

Pero bakit..

Tapos bigla ulit may nagtext.

'Uy Annia.. sorry.. wrong sent.. para kay Jico yon.. anyways.. I love you! *kiss*kiss*'

Napangiti na lang din ako. Toh talagang lalaking to.

Pero teka.. kahit na hindi para sakin yun.. parang connect pa din..

Trust my instinct?

Binasa ko ulit yung buong e-mail at may napansin ako sa baba. Maliit lang yung font nya at naka-italized pa..

Onze.
(On-ze)

Mm?

Sino naman yun?

Binasa ko na lang yung apat na pangalan sa ilalim ng mga pictures nila.

Shuyin Ashibara

Rajeel Simons

Jan Miel Rejano

At

Jelan Fernandez

Magkikita-kita na ulit tayo..

At pagbabayarin ko na kayo!

***

Rajeel's POV

"Magkano po?" Tanong ko sa customer.

"Full tank."

Tumango naman ako bago sinalinan ng gasolina yung kotse nya.

"Okay na boss!"

Inabot naman nya sakin yung bayad bago ngumiti. "Keep the change."

Nagbow namam ako at nagpasalamat doon sa customer bago umalis. Diretso ko sa may cashier at iniabot kay Missy ang bayad.

"Oy Raj.. sige na pwede ka ng umuwi.. nanjan na naman yung ka-sub mo.. heto na rin sweldo mo.." iniabot nya sakin yung brown envelope.

"A sige.. salamat!"

Dumaan muna ko sa palengke para mamili ng ilang stock ng pagkain bago umuwi sa tinutuluyan kong apartment.

*sigh*

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon