28: Onze

621 11 1
                                    

A/N

Sunod-sunod na update basta maedit ko lang yung mga nasa drafts ko then publish kagad..

Kung saan-saan na nagsusuot to.. ^_^v Nagegets nyo pa ba?

***

"Nasan si Annia?!" Nagpapanic na tanong ko bago kami tuluyang pumasok ng bathroom.

"A-ano ng gagawin natin ngayon kay Jan Miel?" Tanong pa ni Sano habang nakatingin lang kay Jan Miel na nakalubog na sa bathtub.

"Doktor ka di ba? Gawan mo ng paraan yan! Baka mabubuhay pa yan!" Inis na napasabunot na lang ako sa buhok ko habang pinapanood si Sano na irevive si Jan Miel.

Shit! Nasaan na si Annia?

"Ikaw ng bahala sa kanya Nejiara.. Hahanapin ko lang si Annia.." Aalis na sana ko ng hawakan pa ko bigla sa braso ni Sano.

"Mag-iingat ka Eizen.. Mukhang~

Tinabig ko naman kagad ang kamay ni Sano at tiningnan ko pa sya ng masama.

"Ayusin mo na lang yan. Ako ng bahala kay Annia." Sabay alis ko na.

Bwiset! Alam ko kung anong sasabihin nya at ayokong marinig iyon! Syempre alam ko yon! Pero mas naniniwala pa rin ako kay Annia! Babalik din sya.. Gagaling din sya..

***

Shuyin's POV

Nagising na lang akong bigla sa pakiramdam na may humahaplos ng pisngi ko. Ang sarap pa naman din ng tulog ko pero bigla rin akong napabalikwas ng tayo ng makita ko kung sino ang humahaplos sa pisngi ko.

Tangina! Anong ginagawa nya dito?!

Nginitian pa nya ko na parang close kami. At doon ko naman naalala ang lahat.

Si Nichii.. Oo ngapala! Nagkita kami kanina at bigla nya kong hinampas sa ulo kaya ko nawalan ng malay.

Pero bakit nya ko dito inuuwi sa bahay?

Totoo ba yung nangyari kanina o panaginip lang yon?

Napatingin pa ko sa may bintana at paggabi na rin pala. Hanggang sa narinig ko syang tumawa kaya napabalik ang tingin ko sa kanya.

Wow ha! Nakakahiya naman sa kanya at ang ganda pa ng higa nya sa kama ko. Pero teka nga~

"Anong ginagawa mo dito? Paano ka nakapasok?" Pinilit ko pang magmukhang galit kahit sa totoo lang parang ako pa ang natatakot sa kanya ngayon.

May kakaiba sa mga tingin at ngiti nya at ramdam na ramdam kong may masamang pinaplano ang babaeng to.

"Alam mo.. May sasabihin ako sayo.." Sabay bangon pa nya ng paupo.

"Hindi ako interesado. Umalis ka na." Lumapit pa ko sa may pinto at binuksan iyon.

Galit ako sa babaeng to at baka pag di pa ko nakapagpigil magawan ko na talaga sya ng hindi maganda.

Tumayo naman sya at nagpout pa.

Laki na talaga ng sayad nitong babaeng to. Bakit ba to minahal ni Jelan? Kaya pala unang kita ko palang sa kanya noon hindi ko na sya gusto.

"Alis na."

"Pero.. May sasabihin pa nga ko sayo.."

"Tsk. Ano ba yon? Sabihin mo na ng makaalis ka na bago pa kita masaktan!"

"Huh? Bago pa? Edi ba nasaktan nyo na ko noon? Hanggang ngayon nga e.." Sabay pout pa nya ulit.

Ano bang laro ang gusto ng babaeng to?

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon