A/N
Para po sa mga nakakaappreciate na readers at nagvovote nito.. Sa inyo ko po ito idededicate once na matapos na to.. Thank you po!
***
"Miss na miss ko na sya.. Gusto ko ng bumalik sakin si Anna.."
Ewan ko pero mas lalo lang akong nagalit sa sinabi nya.
Tangina lang! Iniisa-isa na nga ang mga kaibigan namin ngayon, yung babaeng yon pa rin ang naiisip nya!
Hindi ko na tuloy napigilan pa ang sarili ko at nilapitan ko na sya. Kinuwelyuhan at itinayo ko pa sya.
"Nababaliw ka na ba Jelan?! Hindi mo ba nakikita ha?! Pinatay na nya ang mga kaibigan natin! At tayo na ang isusunod nya!"
Nakita kong parang nagalit sya sa sinabi ko kaya bigla nya kong itinulak.
"Hindi yan totoo! Hindi nya kayang pumatay! Hindi ganon si Anna!"
"Tangina Jelan! Gumising ka nga! Hindi na sya yung babaeng minahal mo noon! Nagbago na sya!" Sabay iwas ko pa ng tingin. "Nagbago sya dahil satin.." Sabay tingin ko ulit ng masama kay Jelan. "Nang dahil sayo.."
Hindi naman sya nakasagot doon at napaiwas lang sya ng tingin. Alam kong iisa lang ang naiisip namin ngayon pero nahihirapan syang tanggapin yon dahil siguro nga mahal pa rin nya si Anna.
Pero hindi naman sya pwedeng magpadala na lang sa babaeng yon. Ibang tao na yon sigurado ako! At pag hindi pa kami nagtulungan, siguradong magkikita-kita na rin kami ng mga kabarkada ko sa kabilang-buhay kung meron man non!
"Umayos ka Jelan. Uunahan natin si Anna.." Napalingon naman sya sakin ng nakakunot ang noo.
"Anong ibig mong sabihin?"
"Hindi nya tayo dapat malapitan. Kailangan natin syang madispatya Jelan!"
"Nasisiraan ka na ba Shun?! Hindi ko kayang saktan si Anna!"
"Tangina! Nakakagago ka Jelan! Nasaktan mo na sya noon! Uulitin lang natin yon ngayon!" Ang sama ng tingin nya sakin at di ko rin maintindihan ang sarili ko. Gustong-gusto ko ng basagin ang mukha nya at baka matatauhan sya pero may kung anong pumipigil sakin. Sya na lang ang natitira sa mga kaibigan ko. Kami na lang dalawa. Alangan namang kami pa ang magpatayan, edi napabilis pa ang trabaho nung babaeng yon!
"Hindi ko kaya Shun.." Sabay tungo pa nya at mukha pa syang naiiyak na ewan. "Hindi ko na sya kayang saktan.. Handa na kong pagbayaran lahat ng kasalanang nagawa ko sa kanya.. Mapatawad nya lang ako.."
A shit! Nakakagago talaga!
Sa sobrang galit ko na rin siguro, pinagwawasak ko na lahat ng bagay na madampot ko. Tapon dito, sipa doon sabay sigaw. Masisiraan pa ata ko ng bait!
Hanggang sa malingilan ko yung salamin na nakasabit doon sa pader. Kitang-kita ko yung reflection ko na galit, na naguguluhan, na natatakot.
"Aaaahhh!" Sabay kuha ko ng sinipa kong silya at ibinato doon sa salamin.
"Shun tama na!" Inawat pa ko ni Jelan ng makita nyang susuntukin ko pa sana yung mga natirang basag na salamin sa frame. Kaya sa sobrang inis ko, di ko na talaga napigilan pa ang sarili ko at nasuntok ko na sya.
Hindi naman sya nanlaban at tiningnan na lang nya ko habang nakasalampak sya doon sa sahig. Parang konti na lang talaga at maiiyak na sya, at ewan ko pero pakiramdam ko maiiyak na lang din ako.
Ano ba namang gulo to.. Bakit pakiramdam ko hindi namin malulusutan to.. Bakit parang.. Wala man lang kaming mahihingan ng tulong ngayon..
"Kung ayaw mo wag. Magkanya-kanya na lang din tayo.. Bahala ka na.." Nasabi ko na lang kay Jelan bago ko umalis.
Bwiset! Nagagalit pa rin ako pero wala akong mapagbuntungan. Kulang pa yung mga nagawa ko kanina. Pakiramdam ko, mababaliw na rin ako!
Hindi ko alam pero napahinto na lang ako sa paglalakad sa may riles ng tren paalis sa lugar na to. Parang.. Bigla kong bumalik doon sa panahon na masasaya pa kaming naglalakad at nagtatakbuhan sa riles na to.
"Bilisan mo pa Nichii! Kulelat ka na naman!" Sigaw ko pa noon kay Nichii dahil sya talaga ang pinakamabagal tumakbo saming pito.
"Mga walanghiya kayo! Palagi nyo na lang akong iniiwan! Makikita nyo!" Sigaw naman nya pabalik samin na tinawanan lang namin.
Wala ka ng maaabutan pa Nichii..
Patawad..
Mukha wala ka ng mababalikan pa dito pag-uwi mo..
Napatungo pa ako at sunud-sunod na ring nagpatakan ang mga luha ko.
Bakit nga ba nagkaganito?
Paano napunta ang lahat sa ganito?
"Shuyin." Narinig kong may tumawag sa pangalan ko pero di ko na lang pinansin.
"Ashibara."
Pero teka.. Bat parang.. Kaboses yon ni..
Nag-angat ako ng tingin at nagulat ako ng makita ko sya sa may kabileng riles ng tren.. Medyo malayo pa sya sakin pero alam kong sya yon..
"Nichii?"
B-bat sya nandito?
Alam na ba nya ang mga nangyayari? Tutulungan nya ba kami?
Dahan-dahan pa syang naglakad papalapit sakin at hindi ko na naman alam kung bakit pero.. Parang kakaiba sya kung makatingin ngayon. Parang napakaseryso nya na.. Teka.. Totoo ba tong nakikita ko? Edi ba nasa Amerika pa sya?
Nagkusot pa ko ng mga mata pero pagtingin ko ulit sa harap ko ay wala na sya.
Tss. Sabi na nga ba. Nag-iilusyon lang ako.
"Long time no see, Ashibara."
Bigla naman akong natigilan ng maramdamaan ko ang presensya nya sa likod ko. As in sobrang lapit nya na parang kinilabutan pa ko sa lamig ng boses nya.
"N-nichii.."
"Alam ko kung nasan si Jayv.. Gusto mo ba syang makita?"
Hindi makapaniwalang napalingon naman ako sa kanya.
Si Nichii ba talaga to?
"Bakit mo alam kung nasan sya?"
Nginisian naman nya ko bigla at ang sunod nyang ginawa ay di ko inaasahan kaya bigla na lang akong natumba.
Shit! Bakit nya ko hinampas ng kahoy sa ulo?
***
Jan Miel's POV
Hindi ko alam kung ilang araw na ba kong nakakulong sa bathroom na to. Ni hindi ko na rin maramdaman ang sakit ng mga sugat ko kahit na hanggang ngayon basang-basa pa rin ako.
Pinapakain naman ako ni Nichii pero hindi na ulit kami nagkausap simula ng sabihin nya sakin ang lahat. Gusto ko pa naman din sanang kamustahin sa kanya ang kapatid ko.. Si Anna.. Pati yung tungkol sa sinabi sakin ni Neji..
Para kasing may mali.
Alam kong galit sila pareho sakin.. Si Nichii naiintindihan ko dahil girlfriend nya ngayon ang.. Kapatid ko.. Pero si Neji? Anong dahilan nya at ginagawa nya to? Tinutulungan nya lang si Nichii ganon? Pero bakit pakiramdam ko mas galit pa sya sakin?
Medyo umisod na lang ako ng konti palayo sa bath tub at sumandal sa pader na may mga puting tiles. Wala kong pakialam kahit hindi na maghilom tong mga sugat ko dahil nababasa nga. Dahil alam kong yung sugat na binigay ko sa kapatid ko.. Kay Nichii, baka di na maghilom pa yung mga yon. Ang ayaw ko lang naman mabasa ay yung picture na binigay ni Nichii sakin kanina.. Yung picture ni.. Anna nung bata pa sya.
Hanggang sa bumukas bigla yung pinto at pumasok si.. Neji.. Kasunod si..
"Anna Maria.."
BINABASA MO ANG
Anna Maria ✔
FanficShe has been kidnapped, raped and tortured. And two years after, she's now ready for.. ugh.. revenge? Highest rank: #261 in Fanfiction Category