Simula rin ng araw na yon, napapadalas na ang pagkikita namin ni Jan Miel.. at isa lang talaga ang napapansin ko sa kanya.. napaka-jolly person nya.. Alam nyo yun, nung una akala ko may pagkabasagulero sya at mayabang.. pero di naman pala.. Most of the time nakangiti sya.. pinapangiti ka.. at nagpapacute lang pag nabobored na..
Gustong-gusto ko nga syang ipakilala kay Jelan e.. kahit na may kutob na rin naman akong baka magkakilala na rin sila.. remember the first time we met? Nung muntik nang may magawang hindi maganda si Jelan sakin? Malakas talaga ang kutob ko.. na itong Jan Miel na bago kong kaibigan ngayon ay ang kaibigan rin nya..
Isa pa.. hindi rin naman ako makatyempo kay Jelan.. ewan ko ba dun.. busy-busyhan na naman.. hindi naman sya estudyante.. hindi rin sya nagwowork.. e ano naman kayang pinagkakaabalahan nya ngayon?
"Intayin mo ko mamaya ha.. bibili na lang ako ng pagkain natin sa labas.. sabay na ulit tayong kumain."
"A.. e.. ano bang oras ka makakauwi mamaya?"
Ganyan na talaga kami.. laging sabay nagbbreakfast at dinner.. pero dito sa apartment ko.. ayaw nya kong papuntahin doon sa kanya e.. feeling ko tuloy napakaraming itinatago sakin ng lalaking to.
Kaya tuloy hindi ko rin matanong sa kanya kung ano na ba talaga ang tawag sa relasyon namin? Alam nyo yun, gusto ko ng maging kami.. Maging official pero.. parang nagdadalawang isip pa rin ako dahil sa mga ikinikilos nya.. para kasing may mali pero hindi ko naman maintindihan.
"Basta.. aagahan ko mamaya!" Sabay kiss nya pa sa cheek ko bago sya tuluyang umalis.
*sigh
Aagahan daw? Lagi nya kayang sinasabi yan.. pero lagi rin namang 11pm sya nakakarating..
*cellphone beep
⇨ 1message received
● Busy ka ba ngayon Anna? Tara kita tayo sa nature park.. isasama kita sa arena..
Napangiti naman ako ng magtext si Jan Miel. Eto na naman tong pamilyar na pakiramdam na hindi ko pa rin maexplain hanggang ngayon.
Nireplyan ko na lang sya ng 'sige.' Tutal wala rin naman kaming klase ngayon tapos mamaya pa ang part time ko kina Raj.
Pagdating ko sa park.. dahil weekday ngayon, kokonti lang ang mga tao at karamihan pa mga lalaki.
Ganito nga talaga siguro pag may event doon sa arena na sinasabi sakin ni Jan Miel.. pero teka. Nasan na nga pala sya?
Nilabas ko na lang yung phone ko at itinext muna sya habang binagalan ko na lang ang paglalakad.
'Dito nako. Saan ka?' Saktong pagsent nung message ko...
"Aray!"
Napatingin naman ako sa nakabunggo ko and shocks!
Nakakatakot makatingin si koya!
"Naku sorry!" Inabot ko na lang sa kanya yung panyo ko para maipunas sa natapon nyang drinks sa damit nya. Chocolate drink pa naman yata yun tapos puti pa yung shirt nya.
Pero tinabig lang nya yun at bigla akong kinuwelyuhan gamit ang isang kamay nya.
"Ang lakas ng loob mong banggain ako ah!!"
Jusko po!! Parang mabubugbog pa ata ko neto.
"So-sorry.. hindi ko sinasadya.. sorry po.."
"Pre palampasin mo na lang babae naman yan.." hinawakan pa sya sa isang balikat nung kasama nya.
"Anong palampasin? Wala akong pakielam kahit babae pa to! Hoy ikaw! Anong pangalan mo ha?!" Sigaw nya pa sa mukha ko at mas itinaas pa nya yung pagkakakwelyo nya sakin.
BINABASA MO ANG
Anna Maria ✔
ФанфикShe has been kidnapped, raped and tortured. And two years after, she's now ready for.. ugh.. revenge? Highest rank: #261 in Fanfiction Category