14: His Friends

718 18 1
                                    

O my~

Grabe.. sobrang unbeliveable na nandito rin sa park ang hidden arena na to.. Masyadong madilim ang lugar, mukhang abandonadong gusali ito na may malaking skateboarding arena sa gitna, tapos may mga bleachers din naman sa gilid.. puro grafitti pa ang pader at ang ilaw.. puro dim lights lang.

Marami ring pinto sa may padulo na puro naman mga nakasarado at may 2nd floor pa na kita mo rin naman at puro pinto rin.

Tapos yung mga nandito.. jusko.. kahit ayokong manghusga pero.. mukha talaga silang lahat mga goons.. uso dito ang mga nakaitim na pormahan, malalaki ang mga katawan, nakahighlights ang buhok, puro tattoos, piercings at jusmiyo.. lantaran ang paggamit ng droga dito.. marami ring nagyoyosi at nagiinom sa mga gilid-gilid. May mga babae rin naman kaso.. parang ganon din ang mga pormahan at mukhang mga palaaway din.

"Wag kang matakot Anna.. kahit ganyan yang mga yan.. di ka naman aanuhin ng mga yan.. lalo na't kita naman nilang ako ang kasama mo.."

Napatingin naman ako kay Jan Miel. "Sure ka?"

Ngumiti naman sya at kinurot na naman ang isang pisngi ko. "Oo naman. Ako pa." Tapos hinawakan nya ang isang kamay ko. "Tara sa kwarto namin.. Baka nandun na rin yung mga kabarkada ko, ipapakilala na kita sa kanila.. isa pa, maya-maya pa naman din kami magsisimula kaya para di ka mainip dun ka na rin muna.." sabay hila na nya sakin.

"Oy Jan Miel!"

"Oy brad!"

"Chinito!"

"Oy kalbo!"

Grabe. Lahat na lang ata ng nadaanan namin kaclose nya.. pero pag napapatingin sakin pare-parehong nanliliit ang mga mata.. juseyo~ nakakatakot sila.

Umakyat kami sa 2nd floor at nasa may dulo pa pala yung kwartong sinasabi nya.

Jusko! Jusko! Baka nandito na rin si Jelan, wag sana naman po sya magalit sakin.

Binuksan na ni Jan Miel yung pinto bago ko nilingon saglit at nginitian. "Don't worry.. mababait talaga ang mga kaibigan ko.. wag kang matakot ha.." naramdaman ko pang mas hinigpitan nya ang pagkakahawak sa kamay ko bago nya ko hinila papasok sa loob sabay sarado ulit ng pinto.

Napahinga pa ko ng malalim at napapikit nang makapasok na kami.

This is it! Wag kang kabahan Anna. Hindi magagalit sayo si Jelan!

"Huh? Nasaan sila..?"

Napamulat naman ako at napatingin na rin sa buong kwarto ng marinig ko ang sinabi ni Jan Miel.

O______O

O my~ ang ganda ng kwarto nila.. parang presidential suite ang dating.. ang galing! Hindi mo iisiping may magandang kwarto sa lugar na to.

"Ang.. ganda.." nasabi ko na lang habang nililibot ng tingin ang buong kwarto. Fully furnished, airconditioned at complete amenities pa. Walanjo~

"Hahahah! Ang cute ng reaksyon mo Anna! Halatang nagulat ka no.."

"O-oo. Lahat ba ng kwarto dito, ganito rin?"

Napashrug lang naman sya bago ko pinaupo sa couch. "Ewan ko. Bawat grupo kasi dito may kanya-kanyang kwarto and rule no. 1.. bawal pumasok ang kahit na sino without permission ng may aring grupo sa kanilang territory room."

"A.." napatango-tango na lang ako sa sinabi ni Jan Miel.

For sure, sponsor ni Rajeel to.

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon