18: His Girlfriend

782 19 0
                                    

A/N:

Nagpalit na ko ng cover.. pero gawa pa rin sa mobile.. pansinin nyo naman.. hohohoh (*^ω^*)

So yun lang, umextra lang ako ulit. Sisikapin ko ng makapag-update every friday.. (libre na kasi ang wifi~ thanks saming kapitbahay.. pero Sshh! Lang tayo..) hahahah

Muaaaa!! Enjoy reading! (*^﹏^*)v

Happy easter!! 0^◇^0)/

***

For the very first time.. nakita naming lumuha si Jelan.

Ganon nya ba talaga kamahal si Anna at ngayon, ipinapakita na nya sa amin ang ganitong side nya? Simula pagkabata pa lang kasi, lagi lang yang maangas, bossy at napakahot-tempered.. pero ngayon.. heto sya.. nagmamakaawa pa sa amin..

"Jelan.." sambit ni Rajeel sa pangalan nya.

Mukhang pare-pareho lang kaming nabigla ngayon. Kahit si Shun na mukhang badtrip na badtrip kanina at hindi maipinta ang mukha, bigla na ring lumamlam ang ekspresyon ng mukha.

"Woa. Woa. Totoo ba tong nakikita natin ngayon.. si Boss Jelan nagmamakaawa sa atin na tulungan sya sa isang babae?" Medyo natatawa pang pang-aasar ni Jayv.

At dahil si Jelan yan, dapat magagalit na kagad tong batang to at uupakan si Jayv.. pero hindi..

Nanatili lang syang nakatayo doon habang nakatingin pa rin sa amin ng seryoso.

At ang sumunod nyang ginawa ang mas hindi namin inaasahan kaya napatayo pa kaming apat..

"Jelan.." -Shun

Bigla na lang kasi syang lumuhod.

"Pakiusap.. seryoso ko.. tulungan nyo kong bumalik sakin si Anna.."

Nagkatinginan pa kaming apat bago ko itinayo si Jelan.

"Tutulungan ka namin Jelan." Yun na lang ang nasabi ko bago ko sinabi sa kanila ang naisip kong plano.

Pagdating kasi sa mga ganitong bagay, ako talaga ang planner kahit doon sa mga dati naming gawi. Tapos kanya-kanya na sila ng assignment.

Matapos ang halos isang oras na pagpaplano.. napangiti na ulit namin si Jelan at niyakap pa talaga kami.

"Ay grabe. Ang galing nyo talaga!" Tuwang-tuwang sabi pa nya kaya pinagbabatukan na lang namin.

"Ikaw ang grabe! Ganyan ka pala mainlove ha!" Tukso pa ni Shun at yun, nauwi na naman sa asaran ang lahat. Nawala na yung kaninang gloomy aura at lahat masaya na ulit.

"Ay teka.. nagtext si Nichii o.." biglang sabi ni Rajeel kaya napadikit kami sa kanya at nakibasa sa cellphone nya.

"Pupunta na daw syang Amerika.." -Raj nagkatinginan na lang kaming lima.

"Huh?" -Shun

"Humihirit lang ng despedida party.." -Raj

"Bakit parang biglaan naman yata?" Natanong na lang ni Jelan at nagkatinginan na lang ulit kami.

***

Ito yung araw na yon.. pero paanong narecord din ito ni Neji..

Hanggang sa bumukas na ulit yung pinto sakto tapos na rin yung video kaya napatingin na lang ako sa pumasok.

"Neji.."

Gustong-gusto ko na syang sugurin at itanong sa kanya kung para saan ba ang lahat ng ito.. Bakit kailangan nya pang ungkatin ang mga nangyari noon? Ano namang kinalaman nito sa amin ng kapatid ko?

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon