8: Rajeel

1K 21 1
                                    

Annia's POV

Ginamit ko na lang yung mga information na sinend nung si Onze na kung sino man yun para malaman ko kung nasan ang mga target ko.

Tyaka ko na lang aalamin kung sino sya pag natapos na ko sa apat na lalaking yun.

Sumakay na ko ng bus papuntang West Av.

Ang una kong target?

Si Rajeel Simons.

***

Two years ago...

Sabado at 8pm na ko nakarating sa building ng apartment ko.

*sigh*

Ang hirap pala talaga maghanap ng trabaho lalo na pag part-time lang. Karamihan sa mga napuntahan ko ngayon, full time ang gusto. Yung iba naman conflict sa class schedules ko.

*sigh*

"Problem?"

Nagulat naman ako nang may umimik sa likuran ko.

Napahinto ako sa paglalakad at napalingon sa kanya.

Nakangiti sya sakin at.. *heartbeat fast* Grabe! Nagwawala na naman ang puso ko!

Medyo napatawa pa sya bago ulit nagsalita.

"You're blushing.."

"Huh?" Napahawak na lang ako sa magkabilang pisngi ko bago napaiwas ng tingin.

Waaaaa~ Nakakahiya!

Medyo napatawa naman ulit sya kaya napatingin ulit ako sa kanya.

Bat kasi ang gwapo nya talaga??
(*o*✿)?

"Mm.. it's okay.. long time no see huh?"

"A.. o-oo nga.." napatungo na lang ulit ako.

"Ako ngapala si Jelan.. Nakalimutan ko ng magpakilala sayo nung huli tayong nagkita.." inilahad pa nya ang isang kamay nya sakin kaya napatingin ako doon.

"A.. ako naman si Anna.." nagawa ko pa namang makipag-kamay ng ayos sa kanya kahit na parang mas bumibilis pa ang tibok ng puso ko. "Anna Maria.."

Ngiting-ngiti pa sya sakin kaya nginitian ko na lang din sya.

At ewan ko pero doon na kami nagsimulang mapalapit sa isa't-isa. Hindi pa rin naman kami madalas nagkikita, pero sa loob ng isang linggo, mga dalawa o tatlong beses naman kaming nagkakasabay pag-uwi sa apartment. Wala pa kong masyadong alam sa kanya, bukod sa mag-isa lang din syang nakatira sa apartment nya at hindi na sya nag-aaral.

Ni hindi ko nga rin matanong kung saan sya lagi napunta dahil parang pang-gangsters palagi yung suot nya. Nahihiya rin naman ako magtanong. Baka masabihan pa ko ng pakialam ko pa, di ba?

"Malimit ka na atang gabihin ngayon.."

Nabigla naman ako nang pagbaba ko ng bus sa may waiting shed, sya kagad ang nabungaran ko.

At teka..

Yung outfit nya.. Same style.. Same looks.. Same aura..

Hala! Hindi kaya nakainom na naman to?!

Hindi naman ako nakagalaw kagad sa kinatatayuan ko habang nakatitig lang sa kanya.

Dapat na ba kong tumakbo?

Nag-smirk pa sya bago lumapit sakin.

Napahakbang naman ako paurong at..

*beeeeeeeppppp!!*

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon