10: Realization I

924 20 0
                                    

Annia's POV

Nandito ko ngayon sa tapat ng isang chapel kung saan nakaburol si Raj. Nakatago lang ako sa may isang malaking puno para hindi nila ko mapansin.

Mula dito sa kinatatayuan ko, kitang-kita ko na talagang nagluluksa sila sa biglaang pagkawala ni Raj. Ang daming nakikiramay at marami pang dumarating kahit gabi na.

Pero kahit naman ako, nalulungkot sa nangyari. Oo gusto ko ngang makaganti. Pero hindi ko namang ginustong mamatay sila. Ang gusto ko lang naman, maranasan din nila yung naranasan kong paghihirap noon nang dahil rin sa kanila.

Parang kinokonsensya na rin tuloy ako. Parang ayoko na ring ituloy yung mga binabalak ko.

Umalis na lang din ako doon at dumiretso sa simbahan.

Lord patawarin nyo po ko kung naging masama ako. Sorry po kung kinalimutan ko kayo. Sa halip na magpasalamat ako sa inyo at binigyan nyo pa ko ng pagkakataong mabuhay, tinalikuran ko pa kayo. Siguro, si Eizen po yung ibinigay nyong anghel sakin para maalagaan ako. Sorry po kung hindi ko kagad yun naisip at hindi rin ako naging mabuti sa kanya. Lord patawad po. Simula ngayon, magbabago na po ko. Kakalimutan ko na po yung galit ko sa kanila at magsisimula na rin po kong magpatawad.

Lord.. si Raj po pala. Sana po maging masaya rin sya kung nasaan man sya ngayon. Pinapatawad ko na rin po sya. At sana mabigyan na rin po ng hustisya ang pagkamatay nya.

Hindi ko talaga mapigilan ang sarili kong hindi maawa at malungkot para kay Raj. Naging mabuti rin naman sya sakin noon. Lalo na nung nagtatrabaho pa ko sa restaurant nya.

Rajeel..pinapatawad na kita.. and sorry din.. sorry kung nagbalak din ako sayo ng masama.. sorry Raj.. sorry..

At tuluyan na rin akong napaiyak sa simbahan habang nananatili pa ring nakaluhod at nagdarasal. Buti na lang mag-isa lang ako ngayon dito. Mas magkakaroon pa ko ng oras para makausap si Lord at mailabas lahat ng nararamdaman ko.

Naaalala ko pa noon, nung maayos pa ang lahat. Naging malapit rin ako kay Raj. Madalas ko syang nakakakwentuhan at palagi rin nya kong napapatawa.

Napakabait nya sakin at lagi nya kong tinutulungan. Dahil rin sa kanya kaya nagbago si Jelan.. kaya mas naging maayos noon ang relasyon naming dalawa.

*sigh* Kung bakit kasi kailangan pang mangyari yung mga yon? Kung bakit ba kasi hindi kagad ako natutong magpatawad.. Kung bakit ba kasi kailangan munang may mamatay bago ko marealized ang tama..?

***

Jan Miel's POV

"Rajeel anak.. patawarin mo ang mama.. anak ko.. bumalik ka na.. bumalik ka ulit samin.. Rajeeeelll.."

"Hon, tama na yan.."

"Kasalanan ko to Haji.. kasalanan ko kung bakit nawala ang anak natin.."

"Hon.. wag mong sisihin ang sarili mo.. walang may ginustong mangyari ito sa anak natin.."

"Wala? Ha? Wala ba talaga? Kung ganon.. bakit sya pinatay? Bakit kinuha nila kagad satin si Rajeeeelll?"

"Tara muna sa labas.." biglang yaya ni Shun kaya napatingin kami sa kanya.

Actually, kanina pa kaming nanditong apat - ako, si Neji, Jayv at Shun. After one and a half years, ngayon lang ulit kami nagkita-kita. At mula pa kanina, hindi pa kami nagkikibuan o nag-iimikan man lang pero magkakatabi naman kaming nakaupo sa unahan. Pare-pareho lang din siguro kaming nabigla dahil sa nangyari kay Raj. Isa pa, hindi rin namin naisip na sa ganitong sitwasyon pa kami magkakasama-sama ulit.

Sumunod na lang kami kay Shun at naglakad-lakad sa labas. Ipinasok ko na lang ang dalawa kong kamay sa bulsa ng jacket ko dahil sobrang lamig na rin ngayong gabi.

Anna Maria ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon