Third Person's POV
Naglakad si Annia papasok ng kwarto. Blanko lang ang mukha nito habang nakatingin kay Neji na hindi inaasahan ang pagdating nya.
"Umuwi ka na Annia.. May hinihintay ako at hindi ikaw yon.." Sabay talikod na ulit ni Neji sa dalaga at tumanaw na lang ulit sa labas ng bintana.
Nainis naman doon si Annia kaya nilapitan nya at pinaharap sa kanya si Neji na nagulat naman sa ginawa nya.
"Annia.."
"Sabihin mo sakin ang lahat ng nalalaman mo Neji.. Sabihin mo sakin ang lahat!"
Nang makabawi sa pagkagulat ay napangisi na lang si Neji bago tumingin ulit sa bintana.
"Sinabi ko na sayo ang mga alam ko di ba?"
"Hindi pa lahat.. Marami ka pa ring hindi sinasabi sakin.. Samin ni Eizen.."
"Annia.." Sabay lingon pa ni Neji sa dalaga. "Bawal kang mastress di ba? Sige na umuwi ka na.. Magpahinga ka na lang muna.. Pwede kang bumalik sa bahay kung gusto mo.." Titingin pa lang sana ulit si Neji sa may bintana ng iharap ulit sya ni Annia.
"Hanggang kelan ka ba magiging ganito?! Bakit ayaw mo pang sabihin sakin ang lahat?! Bakit ayaw mong magpakilala sakin bilang si Lalan?! Bakit di mo sinabi sakin na si Eizen si Kuya Zeno?! Bakit ang dami-dami mong isinisikreto?!" Pinaghahampas pa ni Annia sa sobrang pagkainis si Neji sa dibdib.
Nagulat doon ang binata pero pinilit pa rin nyang umayos ng tayo at hinawakan nya ang magkabilang kamay ng dalaga.
"Dahil hindi mo na kailangan pang malaman! Mas masasaktan ka lang!"
Natigilan naman doon si Annia at napatitig na lang sa galit na ring si Neji.
"Ang tagal kitang hinanap Mari.. Kayo ni Zeno.. Una ko syang nakita.. Nakilala.. Pero hindi nya ko nakilala dahil pinalitan ng mga umampon sakin ang pangalan ko.. At bago ko pa masabi sa kanya ang totoo.. May nagpapanggap na palang iba na ako.."
"A-anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan pang tanong ni Annia.
Binitawan naman sya ni Neji at frustrated itong napahilamos na lang sa kanyang mukha.
"Nasa middle school kami ng makita ko ulit si Zeno.. Alam ko sigurado ako na sya yon.. Pero nung lalapitan ko na sya para magpakilala.. May nauna na sakin.. Si Jelan.." Halata ang pagkabigla sa mukha ni Annia pero iniiwas na lang ni Neji ang tingin dito bago itinuloy ang kwento. "Dahil malapit sa pangalan nya.. Sya ang inakala ni Eizen na si Lalan.. At ang gagong si Jelan.. Dahil sa mayaman si Eizen.. Alam na maaasahan.. Pinangatawanan na.. Niloko nya si Eizen.. Ginamit nya lang para mapasama sa grupo nito.. Sila-sila nina Rajeel, Shun, Jayv at Jan Miel ang unang naging magkakabarkada.. Sikat sila sa school.. Sinusunod at hinahangaan ng lahat.. Kaya ginusto rin ni Jelan na mapasama sa kanila.. Kaya sya nagpanggap na ako.."
"Bakit di mo sinabi kay Eizen ang totoo? Bakit mo hinayaan na lokohin din ni Jelan si Eizen?"
"Patapos na ang junior high ng makilala ako ni Eizen.. Bilang si Nejiara.. Tuwang-tuwa sya sakin noon dahil kakaiba daw ang pangalan ko.." Natawa pa ng mapait si Neji habang inaalala ang pangyayaring iyon. "Ilang beses kong sinubukang sabihin sa kanya ang totoo pero.. Mukhang nakakatunog si Jelan kaya inilalayo nya sakin si Eizen.. Pero.. Naging kaibigan ko rin naman si Raj.. Then ayon na yon.. Napasama na ko sa kanila.. Pero hindi ko pa rin masabi kay Eizen.. Dahil sa totoo lang.. Naiinis na rin ako sa kanya.. Halatang-halata si Jelan na hindi sya si Lalan pero hindi yon makita ni Eizen.. Iniisip ko tuloy kung.. Itinuring ba talaga kong kaibigan ni Eizen noon o.. Kalaro lang talaga nya tayo noon at hanggang doon na lang yon.." Sabay tingin pa ni Neji kay Annia na hindi pa rin makapaniwala at napailing na lang.
"Hindi.. Dapat sinabi mo pa rin! Dapat sinabi mo sa kanya yung totoo! Walang kasalanan si Eizen kaya hindi ka dapat magalit sa kanya! Si Jelan! Si Jelan lang ang may kasalanan!"
"Oo, si Jelan lang ang may kasalanan! Sya ang may kasalanan ng lahat ng to! Sya ang dahilan kung bakit pinatay mo ang mga kaibigan ko!"
Halatang natigilan naman doon si Annia.
"Oo, alam ko Annia! Alam ko kasi nandoon ako! Nandoon ako palagi sa tuwing nawawala ka sa sarili mo!"
Napaiwas naman ng tingin doon si Annia at kahit nakatulala, sunod-sunod na ring nagpatakan ang mga luha nya.
"Sinabi sakin ni Eizen na natrauma ka sa nangyari sayo noon.. Sa ginawa sayo ni Jelan noon.. Na sa tuwing nagagalit ka, nananakit ka na lang bigla.."
"H-hindi ko yon ginusto.. Hindi ko yon sinasadya!" Sabay tingin pa ni Annia kay Neji.
"Sinadya mo man o hindi wala na kong pakialam! Dahil alam ko, ako rin naman ang may kasalanan.. Ako ang nag-uutos sayo.. Ako ang nagpoprovoke na magalit ka.. Natatandaan mo ba lahat ha Annia?"
Sunod-sunod na napailing naman doon si Annia habang dire-diretso lang sa pagtulo ang mga luha nya.
Parang movie na nagrewind sa isip mya ang lahat.. Sinabi sa kanya ni Neji na takutin lang sina Jayv.. Kausapin lang at sya na ang bahala pero.. Palagi nya tong naririnig na bumubulong sa tuwing natutulog sya na pakiramdam nya'y masisiraan na sya ng bait pag hindi nya pa tinapos ang mga lalaking iyon dahil ginugulo ni Neji ang isip nya.
"Hindi ko sila kayang patayin dahil naging mga kaibigan ko rin naman sila.. Si Shuyin lang ang nadispatya ko pero sya rin ang pumatay sa sarili nya.. Sinunog nya ang sarili nya dahil hindi nya rin kinaya yung mga sinabi ko sa kanya.. At si Jelan.."
"Wala akong ginawa kay Jelan.."
"Hindi mo sya kayang gawan ng masama dahil mahal mo pa rin sya!"
"Hindi ko na sya mahal!"
"Mahal mo pa rin sya! Iniisip mo lang na si Eizen na ang mahal mo dahil sya ang nag-aalaga sayo ngayon!"
Hindi naman nakasagot doon si Annia at mas napaiyak na lang.
"Kaya buti na lang talaga.. Pinatay na sya ni Eizen.."
Nagulat naman doon si Annia..
"A-ano?"
"Narinig mo Annia.. Pinatay sya ni Eizen.. Hindi mo ba nakikita.. Nasisira na rin ang buhay nya ng dahil sayo!"
Dahan-dahan namang napalakad ng paurong si Annia para makahanap ng masasandalan. Hindi na niya kinakaya ang mga naririnig nya ngayon.. Sumasakit na naman ang ulo nya.
"At dahil sa sakit mo.. Sigurado kong papatayin mo rin si Eizen.. Papatayin mo rin si Zeno dahil pinatay nya si Jelan!"
"Hindi! Tumigil ka na!" Napapikit na lang ng mariin si Annia habang iyak pa rin ng iyak.
"Kaya para di ka na mahirapan.. Ako na ang gagawa non para sayo.."
Unti-unti namang nagmulat ng mga mata si Annia para tingnan ang blankong mukha ni Neji.
"Ako ng papatay kay Zeno para sayo.."

BINABASA MO ANG
Anna Maria ✔
FanficShe has been kidnapped, raped and tortured. And two years after, she's now ready for.. ugh.. revenge? Highest rank: #261 in Fanfiction Category