After five months...
"Anna Maria!" Tawag ng isang pulis kay Annia na nakaupo lang sa loob ng kanyang kwarto habang nakatulala sa hangin.
Ni hindi nito tinapunan ng tingin ang batang pulis.
"See? Palagi yang ganyan. Nakatulala lang. Yung pagkain at pag-inom nyan idinadaan na lang ng mga nurse sa swero.. Even her vitamins.. Tsk. Hindi ko nga alam kung maaawa ba ko dyan o ano e.. Kita namang buntis sya pero pinapabayaan nya pa rin ang sarili nya! Ikaw na ngang bahala dyan. Ngayon lang din naman may dumalaw dyan.. Ikaw pa lang. Baka titino na ang pag-iisip nyan pag may nakita na syang kakilala.."
Tumango naman ang binatang kausap ng pulis bago nagpaalam na rin ang huli.
Dahan-dahang binuksan ng binata ang seldang kinaroroonan ng dalaga na hindi naman nakalock. Awang-awa sya sa kalagayan nito at hindi niya alam kung paano nya ito lalapitan o kakausapin. Dahil hanggang ngayon, sinisisi pa rin nya ang sarili nya sa lahat.
Maayos naman ang seldang iyon, malinis at walang ibang kasama doon si Annia.. Wala rin itong kapitbahay sa iba pang mga selda kaya napakatahimik. Puti ang pintura ng dingding, may isang maliit na cabinet.. Isang pinto para sa banyo.. At may maliit rin na bookshelf na punong-puno ng mga librong mukhang hindi man lang nagagalaw.
Mas lalo lang tuloy syang kinakabahan.. Ni hindi nga nya inasahan na darating pa ang araw na ito.. Na makikita at makakausap nya pa ulit si Annia na hindi niya ring inaasahang sa ganitong lugar nya makikita.. Ang akala nya kasi, katapusan na talaga ng buhay nya noon..
Pero hindi. Binigyan pa sya ng pagkakataong mabuhay.. Para na rin siguro makabawi naman sya kay Annia. At yon talaga ang gusto nyang mangyari matapos nyang magising mula sa dalawang buwang pagkacoma sa hospital.. Ang maitama lahat ng nagawa nyang pagkakamali. Maaaring huli na para sa iba.. Pero hindi pa para sa dalaga.. Na hanggang ngayon.. Ay mahal na mahal pa rin nya..
"A-anna.." Kinakabahang tawag nya sa dalaga na hindi man lang lumingon sa kanya.
Napalunok tuloy sya bago saglit na napapikit ng mariin. Natatakot sya sa magiging reaksyon ng dalaga pag nakita sya kahit sabi naman ng bantay at nurse nito ay harmless naman daw ang dalaga at hindi nananakit. Pero hindi ang masaktan sya ang ikinakatakot nya, nag-aalala sya para sa kalagayan nito.
Malaki ang galit nito sa kanya at natatakot sya na baka lalo lang ikasama ng kalagayan nito ang pagpapakita pa nya. Pero hindi rin naman nya kasi matiis.. Mahal na mahal nya si Annia kaya handa nyang gawin ang lahat para mapatawad lang nito.. Para makabawi man lang dito.. Kahit na hindi na ito bumalik pa sa kanya.. Tatanggapin na nya..
"A-anna.." Mas nilaksan pa nya ang pagkakatawag dito pero hindi pa rin sya nito nilingon.
Napabuntong-hininga tuloy sya bago nya naisipang kumanta. Naisip nyang doon, baka mapansin na sya ng dalaga. Tutal naman, sila lang din ang nandoon at nasa kabilang opisina pa ang mga bantay at tagapag-alaga nito.
♬ What if I stay forever?
What if there's no goodbye?Panimula ng binata sa pagkanta habang nakatitig lang sa dalaga na parang napakunot ang noo.
♬ Frozen for a moment here in time,
Yeah,
If you tell me the sky is falling,
Or say that the stars collide,Napalingon naman si Annia sa binata at bakas sa mukha nito ang pagkagulat.
♬ The only thing that matters in my life,
Is you and I tonight..Napangiti naman ng bahagya doon ang binata dahil nakuha na rin nya ang atensyon ni Annia pero itinuloy pa rin nya ang pagkanta.
♬ Tell me you'll stay forever
Just you and I tonightNapatayo pa doon si Annia at nangilid-ngilid na naman ang mga luha nya.
Dahan-dahan na rin syang nilapitan ng binata na halos mangiyak-ngiyak na rin.
♬ Tell me you'll stay forever
Just you and I tonight...Halos ilang pulgada na lang ang layo nila sa isa't-isa ng huminto sa pagkanta ang binata.
Nagtitigan lang sila at nagpapakiramdaman kung sino ang unang magsasalita. Pero sa huli, nauna ring magsalita ang binata.
"I promise that I will love you right this time.." Sabay tulo ng mga luha nya habang hinahaplos ang magkabilang pisngi ng dalaga. "Hihintayin kita.. Kahit pa gaano katagal.. Anna.."
Hindi naman napigilan pa ni Annia ang sarili at napaiyak na syang tuluyan.
Hindi sya makapaniwala sa nakikita.. Sa nangyayari pero.. Isa lang ang nakumpirma nya sa sarili nya..
"Aasahan ko yan.."
"..Jelan.." Sabay yakap nya pa sa binata na niyakap rin naman sya pabalik.
Sa ganoong posisyon sila naabutan nung batang pulis na nagbabantay kay Annia. At hindi nya nagustuhan ang nakita nyang kakaibang ngiti sa mga labi ng dalaga habang nakayakap sa binata. Napakunot tuloy ang noo nya.
'Tsk. Wala na atang katapusan ang problema ng mga taong to. Bahala na nga kayo.' Nasabi na lang ng pulis sa sarili bago umalis ng hindi man lang napansin nung dalawa.
Nang maghiwalay naman sa yakapan ang dalawa, pinunasan kagad ni Jelan ang mga luha sa pisngi ng dalaga gamit ang mga kamay nya.
"Wag ka ng umiyak.. Gagawin ko ang lahat para makalabas ka kagad dito.."
"Wag na Jelan.. Dito na lang tayo.." Nakangiting sabi pa ni Annia habang hinahaplos din ang pisngi ng binata.
Napakunot naman doon ang noo ni Jelan.
"Anong ibig mong sabihin?" Naguguluhan pang tanong ni Jelan sa ngiting-ngiti pa rin na si Annia.
At wala ng sabi-sabi'y sinaksak kagad ni Annia si Jelan sa gilid ng leeg ng stick na nakuha nya sa may bintana ng kwarto nya galing sa mga halamanan doon sa labas.
"Aahh!" Napalayo naman kagad si Jelan kay Annia. Pero hindi ito nakuntento at pinagsasaksak nya pa rin si Jelan.
"Mamatay ka! Mamatay ka! Mamatay ka na!"
Hindi man lang nagawamg lumaban ng binata dahil bukod sa nabigla ay napuruhan din sya sa ulo ni Annia.
At wala pang ilang minuto.. Nagkalat na ang dugo sa sahig.. Wala ng buhay ang katawan ng binata at nakaupo na lang sa tabi nya si Annia na duguan rin ang buong mukha at katawan habang hawak-hawak pa rin ang stick.
Tumawa pa ito ng tumawa habang pinagmamasdan ang duguang katawan ni Jelan.
"Buti nga yan sayo.. Hahahaha!"
At ng dumating ulit ang bantay nya kasama ang isang nurse na dalaga sa selda..
"Aaaahhh!!" Sigaw kagad ng nurse bago tumakbo palayo.
Kaagad naman na binunot ng pulis ang kanyang baril bago pumasok sa loob ng selda.. Pero iisang tao na lang ang nandoon..
Si Jelan na wala ng buhay at naliligo na sa sariling dugo..
Nagpalinga-linga pa sya sa buong paligid pero wala na syang iba pang makita.
No other signs of..
"Anna Maria!" Tawag pa ng pulis pero walang sumagot sa kanya. Kaya dali-dali na lang din syang umalis doon habang humihingi ng back-up sa radyo nya.
THE END.
BINABASA MO ANG
Anna Maria ✔
FanficShe has been kidnapped, raped and tortured. And two years after, she's now ready for.. ugh.. revenge? Highest rank: #261 in Fanfiction Category