Chapter Three

21.8K 345 17
                                    

Waaahh teka nagulat ako at marami ang nagpa-dedicate. Kaya dun sa iba hintay-hintay lang. Inuuna ko po yung mga naunang mag-request.

Vote, comment and enjoy :))

***

-Kath-

 

 

“Uy Kath, sorry na. Promise di ka na talaga namin pipilitin sumama.”

Hindi ko pa din pinapansin si Yumi. Kunwari tampu-tampuhan ako sa ginawa nila sa akin. Sino ba naman kasing hindi maiinis sa ginawa nila di ba?

“Pero ang swerte mo talaga Kath. Nakaharap mo talaga sila!! Sana ako nalang yung nasugatan, waaaaahh!!”

Tiningnan ko ng masama si Thea.

“Kung ikaw ang nandun baka mainis ka lang. Sila ba talaga yang mga idol nyo? Ang yayabang tapos mga arogante pa!” sabi ko sa kanila.

“Eh baka naman kasi tinarayan mo” -Yumi

Inirapan ko sila. Mas kinakampihan pa nila yung mga epal na yun kesa sa akin na bestfriend nila.

“Oyy joke lang, Kath. Dali na ililibre ka nalang namin ni Yumi ng strawberry ice cream after class.”

Napangiti ako sa narinig ko. Alam na alam talaga nila kung paano ako mapapasaya.

***

Pauwi na ako galing sa school. Good mood ako ngayon kasi nakakain ako ng strawberry ice cream, my favorite *o*.

Naglalakad lang ako ngayon pauwi. Pinaayos ko kasi yung kotse ko. 17 naman na ako kaya marunong na akong mag-drive and may student license naman na din ako.

Nung malapit na ako sa bahay, napansin kong may kotse sa harapan. Hindi naman sa amin yun.

Agad akong pumasok at nakita ko sila mom and dad na may kausap na mag-asawa. Parang ang seryoso ng pinag-uusapan nila.

Aakyat na sana ako at di na sila iistorbohin pero tinawag na nila ako.

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon