Chapter Twenty-six

13.3K 229 19
                                    

Hello! Eto na ulit ang ud. Mapapadalas na yata ang ud ko dito. Siguro?

Vote, comment, like, tweet, share and enjoy. <3

YUNG DEDICATION PALA SA MGA NEXT CHAPTERS AY YUNG MAY PINAKANAGUSTUHAN KONG COMMENT SA OTHER CHAPTERS. Yun lang :)

*

Umuwi na ako at hindi na pumasok sa natitirang klase ko. Hindi na ako umiiyak pero alam kong namamaga ang mata ko.

“Iha!! Anong nangyari sa iyo?” nag-aalalang tanong ni manang.

Ngumiti lang ako sa kanya para sabihing okay lang ako. Umakyat ako sa kwarto ko at nagkulong. Dahil siguro sa sobrang pagod kaya nakatulog ako kaagad.

Nagising ako nang 3:30. Ganun pala ako katagal natulog? Almost 12 hours?

Bumaba ako at nakita ko na agad si manang na busy sa pagwawalis kahit wala namang kalat. Mukha syang zombie at mukhang hindi pa natutulog. Ano kayang nangyari?

“Manang? Bakit hindi pa po kayo natutulog?” takang tanong ko.

Napalingon naman sa akin si manang na may pag-aalala sa mukha.

“Hindi pa kasi umuuwi si DJ iha. Nag-aalala ako kaya hinintay ko sya dito.”

Hindi na ako nagulat sa sinabi nya. Alam kong hindi uuwi yun kasi nandito ako pero mabuti na din yun baka kasi mag-away lang kami.

“Wag na po kayong mag-alala. Hindi po uuwi yun. May konting away lang po kami.” paliwanag ko na may halong pagsisinungaling. Matatawag ba kasi yun na konting away?

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon