Chapter Five

18.8K 292 17
                                    

Waahhh baka nalaktawan mo yung chapter four! Three chapters ang ud ko ngayong araw para makabawi :)

Vote, comment and enjoy. :**

***

-Kath-

 

 

1 week later.

 

 

Ohemgee!! I’m late!

Bumaba na ko at tumakbo palabas. Pwede bang paki-alala sa akin ang silbi ng alarm clock. Nakakainis!

“Kath! Wag ka ngang tumakbo! Hindi ka ba mag-aalmusal?”

Lumingon ako kay mom. “Hindi na. Male-late na ko!” I waved at her.

“Ok, basta pumunta ka sa dinner mamaya! Sinabi ko na sayo kung saan di ba?”

Tumango nalang ako at tumakbo na papalabas. Magco-commute din ako kasi wala nga akong kotse ngayon kasi pati yung luma kong kotse sumuko na tapos maaga pang umalis si Dad.

Yeah and about the dinner? Masyado silang natuwa nung pumayag kaming dalawa sa pesteng arrangement na yan. Kaya yun may dinner daw para makilala namin ang isa’t-isa. Great.

Kahit wala yun kilalang-kilala ko na sya. Classmate ko sya nung elementary pero sa tingin ko hindi nya ko kilala at hindi nya alam na nage-exist pala ako. Loner at nerdy type pa ko noon.

He’s an arrogant jerk. Sooooooobrang yabang nya at feeling gwapo.

Aish! Wag na nga natin syang pag-usapan at male-late na talaga ako.

***

Maaga pa kong ng 10 minutes nung dumating ako. Hindi kasi traffic.

Kasama ko sila Thea at Yumi dito sa cafeteria. Sobrang ingay nga ng lahat at mukhang may tsismis na kumakalat.

“Anong meron?” tanong ko sa kanila habang kinakain yung fries ko. Yeah yun ang breakfast ko.

“What?! Hindi mo pa alam?! Ikaw nalang yata sa buong campus ang walang alam sa balita!!” ang OA naman makasigaw ni Thea.

Tiningnan ko sya ng masama. “Anong balita naman yan?”

“Ang sabi daw dito na mag-aaral ang ‘PLAYBOYS’!!!”

Muntik na kong mabulunan sa narinig ko. Buti nalang naka-inom ako agad.

Anong sabi nila?!? Yung unggoy na yun dito mag-aaral?!

Parang wala sa usapan yun ah!!

Saktong paglingon ko sa pinto ng cafeteria, bigla itong bumukas. Natahimik yung mga tao nung makita kung sino yung pumasok.

So.. seryoso talaga sila?!

Tumayo ako at lumapit sa kanila. Hindi ako papayag na masira pa nya ang buhay ko hanggang dito sa school, tama na yung sinira nya ang buhay ko sa labas.

Naririnig ko yung bulungan nung mga tao nung lumapit ako sa kanya.

“Anong ginagawa mo dito?!” bulong ko sa kanya.

He smirked. “I’m sorry miss pero hindi ako nagpapa-autograph ngayon!”

Nagulat ako sa sinabi nya. WTH?! Sinigaw nya talaga yun?!

Narinig ko yung tawanan nung mga students sa buong cafeteria. Tiningnan ko sya ng masama at ngumiti lang sya.

Akala mo ah, babawi ako.

“Oops, sa tingin mo magpapa-autograph ako sayo? I’m sorry to say pero hindi. Hindi ako magpapa-autograph sa isang lalaking babaero na walang ginawa kundi magpa-cute at lumandi.” sabi ko at tumalikod na.

Narinig ko yung hiyawan nung mga lalaki at yung mga pasaring nung mga babae.

Ok lang kung ano yung sabihin nila basta nakabawi ako.

Akala mo ha...

Kath - 1  Eyebags - 0




***



Sino pa gusto ng dedic?

The Hater And I (Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon